ZEI'S POV
*** fast forward
It's the day of the competition. Maaga akong nagising. I prepared myself. Right now I am wearing this red and yellow cheerleading attire.
Pababa na ako. Hinihintay ko si Zen. Susunduin niya ako.
Kung itatanong niyo kung ano ang nangyari for the fast few days wala namang mahalagang nangyari except yung mga time na magkasama kami ni Brylle. Haha. Joke. As usual kagaya lang naman ng mga ordinaryong araw kung saan may training, klase, etc.
Minsan hindi maiiwasang magtampuhan kami ni Brylle ngunit nagagawan namin ito ng paraang maayos. Dahil doon pakiramdam ko lalong tumibay ang relasyon namin.
Binuklat ko yung ginawa kong banner. I made this para mamaya sa game nina Brylle. May ginawa rin akong para kay Josh. Sana magustuhan niya. Agad ko naman itong tiniklop noong nakita kong pababa na si Vier.
Whoa? Ang gwapo talaga ng pinsan kong ito.
"Oh Vier, may lakad ka?"
Tanong ko. Sino naman kaya ang babae niya. Realtalk. Babaero talaga itong si Vier.
Sayang naman siya.
"Oo, sasama ako sayo."
Huh? Seryoso siya?
"Auh. Haha.Sure ka? Wala kang ime-meet na babae ngayon?"
Halatang nainis siya sa sinabi ko pero at the same time mukhang namula siya. Hala , ano ba ang mangyayari sa pinsan ko? Mukhang weird yata siya ngayon.
"Aishh. Basta wala na akong babae. Ang dami mong tanong. Tara na. Sabay na tayo."
Whay seriously? Mukhang impossible namang mawalan ng babae itong si Vier Adrian Fermino.
"Hindi na. Parating na si Brylle. Pero seryoso couz? Wala kang babae."
Mukhang naiinis na naman siya. Haha. Ang ikli ng pasensya ng lalaking ito.
" Wala nga ang kulit naman eh. Oh, sige. Mauna na ako. Alam mo na yun huh. Huwag mong kalimutan."
"Oo na. Haha. Heyy. Vier Adrian, don't tell me the bad boy has fallen in love?"
"Tsss."
Tanging sagot niya. At umalis na. Mukhang may nakita na siyang babaeng seseryosohin niya ah? Sino kaya? Swerte niua sa pinsan ko. Gwapo kaya lang moody. Haha.
Pero caring iyan , kita niyo over protective nga sakin eh.
Umalis na si Vier. Mga three minutes dumating na rin si Brylle.Sayang talaga umalis na yung parents ko. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong ipakilala ng pormal sa kanila na boyfriend ko na si Brylle. Di bale. Pagbalik nila dito.
"Good morning Baby." Napangiti ako. Haha. Baby ka jan. Pero realtalk. Kenekeleg aketch. Haha. Nasa loob na kami ng kotse. Nakasuot na siya ng basketball attire niya. *_* bagay talaga sa kanya.
"Good morning." I said. Hindi pa rin nawawala ang titig ko sa kanya.
"I think I'm melting." Sabi niya nang nakangisi ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Sa tingin ko umiinit na naman ang mukha ko.
"Oh, haha." Tanging react ko. I looked away.
Nagulat ako nang bigla niya akong i-kiss sa cheeks. Napatingin ako sa kanya.
"Goodluck kiss my baby," aniya sabay wink.
I also kissed him on his cheek.
I saw him blushed. *_* Alam ko na ang kahinaan ng lalaking ito."Goodluck baby."
Napangiti siya sa ginawa ko at sa sinabi ko. He started driving. Mabilis kaming nakarating sa paaralan ng Caries High. Ang dati kong paaralan.Parang ang bigat ihakbang ng mga paa ko. Here we go again. The flashback of memories always makes everything hard for me.
I missed everything here. I miss my old school.
Brylle held my hand. Tahimik lang kami hanggang nakarating na kami sa gymn.
Marami ang nakatingin sa amin."Oh, my gosh ang gwapo!"
"Teka? She is Zei Rim, right? Yung dating cheerleading club leader dito. Sumali pala siya sa nilipatan niya."
"Boyfriend niya ba iyan?"
"Ang swerte ng lalaki kay ate Zei."
Ilan sa mga commento ng mga nadadaanan namin.
Naroon na ang iba naming team members. Sabi kasi nila kanya-kanya lang kaming pupunta doon.
"Mommy, Daddy. Goodluck." Sabay na bati sa amin nina Cyrill at Daryll.
Aba hanggang dito dinala nila ang kakulitan nila."What about Kurt and Bren? Wala ba silang goodluck ?" Panunukso ko.
Ngumisi ako. Haha. Halatang naiinis na naman sina Bren at Kurt. Napakamot ng ulo si Kurt habang si Bren nakatingin sa akin ng masama pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Ahaha.
"Hey Bren. Get your f*ckn eyes off her."
Si Brylle. Haha. Nagbibiruan lang kami tapos siya sineseryoso niya.
Pinalo ko siya sa braso.
"Hey, don't take it seriously. Ok?""Oo nga naman. Haha," ani Bren.
"Punta muna ako kay coach."
Paalam ni Brylle. Tumango lang ako.Napalingon ako sa kabilang sulok. Naroon yung members ng lahat team ng Caries High. T_T I missed them. I miss that violet--pink cheerleading attire.
Napalingon sakin si Jane isa kong kasama dati. Mukhang nagulat siya. Kumaway siya sakin ng nakangiti. Kumaway rin ako. Kinalabit niya yung dati pa naming mga kasama at tinuro ang lokasyon ko. Pati na rin yung mga members ng basketball team.
Nag waved back ako sa kanila. Isa lang ang masasabi ko ngayon.
I miss them. T_T

BINABASA MO ANG
Because this is My First Time
Novela JuvenilZei Rim lost someone special to her. She met a the two inseparable bestfriends but it seems like she gradually made them to. Who? How? Why were choices made when sometimes it just leaves us broken?