BRYLLE'S POV
Pag-uwi sa bahay ay binuksan ko kaagad yung regalong binigay ni Mia.
Ano ba ang laman nito at parang ayaw niyang may ibang makakita nito.
I opened it.
It was a brown envelope.
Binuksan ko at may laman itong papers.
Nagulat ako sa nakita ko. It was papers about the engagement.
The scheduled marriage was cancelled?
Kumpleto na ang pirma maliban na lamang sa pirma ko.
Agad kong tinawagan si Mia.
"Hello? Mia? Ano to?" Agad-agad na tanong ko.
"Bakit ayaw mo ba Brylle?" Sagot niya sa kabilang linya.
"Thanks Mia," sabi ko.
"You're always welcome Brylle. Oh, teka more like kuya Brylle. Hahaha. Isa kang mabuting kaibigan. At tsaka alam ko namang may iba kang mahal eh, at alam mo namang meron din ako diba? Oh siya pirmahan mo na 'yan. I worked hard for that. Hindi mo lang alam kung anong pakiusap ang ginawa ko kina Mommy and Daddy. Don't worry, wala itong epekto sa company. Syempre they are still collaborating," sabi niya.
That is Mia.
Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya eh. Alam ko namang naipit lang rin siya sa sitwasyon.
"Sure Mia, thanks," sabi ko at binaba na ang cellphone.
Thanks God.
I uttered in my mind.
I texted Josh, I informed him about my plan na makipag-usap sa kanya.
Typical Josh, madalas hindi nagre-reply pero sumisipot naman sa usapan.
Bago ako pumunta sa lugar ng usapan ay napadaan ako sa park.
I looked around and I see a familiar girl sitting on one of the benches here.
Kahit nakatalikod siya ay kilala ko pa rin siya.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin tapos sabihing na miss ko siya ng sobra.
Kaya lang may kung anong pumipigil sa akin. Baka kase pag nakayakap ko siya baka hindi ko na siya mabitawan.
Wala akong nagawa kundi ang tumitig lang sa kanya.
Natulala ako sa pagtitig sakanya nang namalayan kong nakatingin na siya sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti at hindi ko nga napigilan ang aking sarili na lapitan siya at yakapin.
Kaya lang hindi ko inasahan ang naging sagot niya.
I deserve it. I know I really deserve it. But I won't give up.
I won't give up on you Zei.
Dumiretso na ako sa lugar kung saan kami mag-uusap ni Josh.
Habang nandoon ako mag-isa ay napaisip ako.
Nasaktan ko nga si Zei, and I hate myself for that.
Pero wala naman akong magagawa.
She really have the right to hate me.
Maya-maya ay naramdaman kong parang may dumating.
It's Josh.
Tinignan ko lang siya.
Mukhang galit rin siya auh.
Agad niya aking nilapitan at sinuntok.
Sakit nun . ulol.
Napaupo ako sa sahig.
"Shit, Josh. What was that for?" Tanong ko habang nakahawak sa labi kong dumugo yata.
"Ulol, magtatanong ka pa ba?" Sagot niya.
Tama siya, bakit pa nga ba ako nagtatanong.
I know I deserve to be hurt more than that kaya hindi na ako nag-abalang gumanti.
Tumayo ako, si Josh nakatingin lang sa kawalan.
Binalot ng katahimikan ang buong paligid.
"Josh, we really need to talk, I," hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay nagsalita na rin siya.
"I have no time , be straight to the point Brylle," sabi niya.
"I'm sorry, ok, I'm sorry," sabi ko.
"And then?" Tanong niya na naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"It's just, a-about Zei," sabi ko ngunit hindi na naman niya ako pinatapos.
"Napag-usapan na natin ito dati, I told you," sabi niya.
Oo, hindi ko pa nakakalimutan ang usapan. Pero hindi ko rin naman sinasadya.
"But, I love Zei, I can't live without her," sabi ko.
"Mahal mo nga siya, you can't live without her but she can live without you," sabi niya.
Natigilan ako. Ang sakit isipin ng sinabi niya.
"Wh-what do you mean Josh? Tell me may gusto ko pa rin ba kay Zei," tanong ko.
"Oo, matagal na. Nagparaya ako Brylle. I never thought this would happen. Hindi ko akalaing masasaktan mo ng ganoon si Zei," dagdag pa niya.
"But I won't give up. I'll have her back," sabi ko.
"I won't let you. I won't let you hurt her over again," sagot naman niya.
Why Josh? Bakit sa lahat ng babae kay Zei ka rin nagkagusto?
Maaari akong magparaya sa ibang bagay ngunit hindi kay Zei.
I won't give up on her.
I will wait for the time na mapapatawad niya ako.
Selfish na kung selfish.
°°°
Thank you for reading.
Please vote, comment, and follow me.
BINABASA MO ANG
Because this is My First Time
Teen FictionZei Rim lost someone special to her. She met a the two inseparable bestfriends but it seems like she gradually made them to. Who? How? Why were choices made when sometimes it just leaves us broken?
