DOB I / Manor
Zero Point of View
Lagot na mukang napag laruan kami ng mga engkanto kaya kami naligaw dito sa kagubatan. Pano ba naman kasi kung kailan gabi saka naman kami pumunta dito para hanapin yung babae.
Natatakot na tuloy ako. Baka pag natulog kami dito puluputin na lang kami basta basta ng mga ahas hindi lang ahas, baka kainin o kagatin kami ng ibat ibang klaseng hayop. Siguro naman hindi mangyayari yun.
"Wag kayong matakot, mag papatuloy parin tayo sa pag lalakad. Wag niyo na lang pansinin basta't sumunod na lang kayo sa akin. Hindi tayo mapapa ano may mga itak tayong dala."
Oo nga pala at dahil may dala kaming itak kanyang kanyang itak hindi kami mapapahamak kung may biglang umatake man sa amin. Always ready kaya kami boys scout to haha.
Soo ayun na nga, sabi ni kuya Louie na wag daw kaming matakot. Nag patuloy parin kami sa pag lalakad at pag hahanap doon sa babae na sinasabi nila pati narin doon sa manor na yun. Habang nag lalakad kami tinignan ko ang oras sa phone ko. Pag tingin ko mag mamadaling araw na. As i expected walang signal ang phone ko kasi nga nasa bundok kami.
Nag lalakad parin kami. Ni isang ilaw man lang o aninag na galing sa isang lampara wala parin kaming makita.
"Zero, inaantok kana ba?"
Lumingon naman si Kuya Louie sa akin para i check kami.
"Hindi pa, Ikaw ba kuya?"
"Hindi pa, Paano ako aatukin ehh ako taga hawi niyo ng mga sanga sanga sa dina raanan natin."
Sabagay, tama siya haha siya kasi yung nangunguna sa amin tapos ako naman yung kasunod niya. sa likod ko naman si kuya Alex na kung saan siya ang taga look out sa likod. Baka kasi may sumusunod sa amin, mahirap na baka ma paano kami.
"Kamusta jan Alex? May mga napapansin ka bang nasunod sa atin."
"Wala naman, Pero Louie hindi ba tayo matutulog?"
"Matutulog, inaantok na rin kaya ako."
Saan naman kaya kami matutulog. Parang kanina lang eh gustong gusto ko na hanapin yung girl. Tapos ngayun gusto ko ng umuwi dahil sa takot.
"Sana makakita man lang tayo ng hint o clue na magtuturo sa atin na kung saan naka tayo yung sinasabi nilang Manor."
"Sana nga" ani ni kuya Louie
"Ilang oras na ba tayo nag lalakad? Simula nung pumasok tayo dito?"
"Mag da dalawang oras na ata" sambit ni kuya Louie.
"Pambihira anong klaseng Manor ba yung itinayo dito sa gitna ng kagubatan bakit napaka layo. Tsaka anong klaseng tao ang maninirahan sa gitna ng kagubatan" pagkainis ni kuya alex habang nag lalakad.
Kahit naman ako naiinis na rin dahil sa layo ng nilakad namin. ginusto rin naman naming gawin to kaya wala kaming ibang mapag pipilian kundi mag lakad at hanapin yung Babae at yung Manor.
"Louie, paano kung hindi na tayo makaka balik? Makikita nga natin yung Manor pero hindi naman tayo makaka balik?"
"Hinding hindi yan mangyayari. Hindi ako papayag na hindi tayo makakabalik. Ayoko manirahan dito sa lintek na kagubatan na to."
Sino ba namang tao makaka tiis manirahan dito ehh ni prutas nga o gulay wala akong nakikita. Puro kakahuyan lang ang nakikita ko. Kung sabagay gabi pa at hindi pa nag uumaga kaya wala akong makitang mga prutas o gulay.
Haist kailan o anong oras kaya namin makikita yung manor. Sana makita agad namin yung manor na yun. Para makapag pahinga naman kami. Wala rin kaming mapapala doon sa babae kung siya ka agad yung makikita namin.
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...