DOB XIX / Undead Vampire Princess
Venus Point Of View
"This meeting is not really a emergency, this meeting is for Miss Venus!" Bulyaw ni Miss Jeanne sabay turo sa akin
"Venus! Alam mo ba kung anong gulo ginawa niyo? Gumawa kayo ng malaking gulo tapos tinulak niyo pa papunta dito mga bampira!" Dagdag pa nito na ikinagulat naman ng mga kasamahan ko
"Paunmahin na sa inyo Miss, wala po akong alam tungkol dito. Hindi po namin itinulak sila! Dahil sa gitna ng labanan dumating ang bampirang bumuo ng Toreador"
Wala talaga akong ka alam alam tungkol dito. Sa pag pasok ng mga bampira sa mundo namin. Kasi sa pagkaka alam ko, kung hindi nila matatalo ang toreador hindi sila makakapasok. Sino naman kaya yung naka pasok sa mundo namin?
"Kung ganon! Mapapaliwanag mo ba kung sino yung bagong bisita nila Mr. Dexter?"
"Huh?? Bakit sino ba naging bisita nila dexter?"
"Pasensiya kana Venus kung kay Miss Jeanne agad ako lumapit. Malalagay kasi sa piligro trabaho ko kaya sakanya ako lumapit. Ang bisita namin ay isang uhaw na bampira, kasama ito ni Zero. Si Zero ay muling bumalik dito sa mundo natin" sambit ni Dexter
"Miss! Tama lang po na dumito muna ang dalawa dahil na nganganib ang buhay nilang dalawa! Ang unang tatay niya ay dumating na doon para kunin si Zero! Ganun na rin ang buong Camarilla, si Zero ang target nilang lahat" pagpapaliwanag ko sakanila
"Oo mapanganib para tumigil sila doon! Dahil kayo ang nag simula ng kaguluhan doon! Hindi malalagay sa panganib ang buhay nila kung hindi kayo umatake!"
"Miss! Kahit hindi kami umatake, nasa panganib pa rin ang buhay nila! Dahil may isa sa mga tauhan ng malkavians ang naka tira doon! Yun ay ang unang kasintahan ni Akeldama. Pero sa kasamaang palad napatay ito ni Red ang tatay ni Zero"
"Venus! Wala akong paki kung manganib man ang buhay ni Akeldama. Ang gusto ko lang naman mapa alis yang mga bampira na yan!"
Jusko ano na gagawin ko, hindi ko alam anong gagawin ko para mapa balik sila Zero sa Blood Forest. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Baka mas lalong magalit si Miss Jeanne sakin pag pinatagal ko pa sila dito.
Hindi rin eepekto, Kung pupunta naman ako sa bahay nila Mr Dexter para kausapin si Zero. Dahil bibilugin lang ni Akeldama ang pag iisip ni Zero.
"Miss Jeanne, paunmanhin kung sasabat man ako sa inyo. Ako na lang po bahala kina Zero, tutal ako na ang nag palaki kay Zero"
"Pe-pero Mr. Dexter!? Mahalaga ka dito ayokong mapahamak ka dahil lang sa mga bampira na yan"
"Wag kayong mag alala Miss, kasama ko naman si Zero"
"Kung sabagay, ok sige! Venus! Mag pasalamat ka kay Mr. Dexter dahil tutulungan ka niya sa kalokohan mo. Tandaan niyong lahat dapat tayong maging alerto sa mga mangyayari. Hindi natin alam baka atakihin tayo, hindi lang tayo pati na rin ang mga naninirahan sa mundo natin. Hindi natin alam kung kelan sila lulusob para kunin silang dalawa. Yun lang! Dismissed!" Huling saad ni Miss Jeanne
Bago pa man siya maka labas ng Meeting room, biglang pumasok si Mr. Lei. Nag mamadali ito at mukang hinihingal siya sa pag takbo. Ano kaya problema?
"Mr. Lei?" Takang tanong naming lahat
"Jeanne! Jan ka lang! May sasabihin lang ako sa inyong lahat!" Saad ni Lei habang hinahabol ng hininga
"Simula ngayon, hindi na natin ipapabalik sina Zero at Akeldama sa Blood Forest" dagdag pa niya
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...