DOB IV / Accept or Decline
Akeldama Point of View
"Miss! Sa tingin ko kailangan mo na siyang iligpit bago pa siya makita ni Panginoong Emilio."
Pag pigil ni Orpheus sa akin habang kinakausap ako gamit telepathy.
Si Orpheus ang isa sa anim na bampirang nag babantay sa akin. Tatlong babae tsaka tatlong lalake. Hindi kasama si Narkissa sa kanila, para sa akin si Narkissa ang matalik ko na kaibigang bampira simula nang tumira ako dito. Bali pito pala sila kung bibilangin mo sila kasama si Narkissa
"Hayaan mo nga siya Orpheus, alam naman nating ayaw ni Miss kay panginoong Emilio."
Saway ni Astrid kay Orpheus habang nag uusap sila sa isip ko gamit telepathy.
"Mag si tahimik nga kayo! Hayaan niyo ko kung ano gusto kong gawin sakanya! Taga bantay lang kayo kaya wala kayong karapatan! Tsaka wala akong gusto sa taong to."
Orazio, Orpheus, Alessandro, Astrid, Elizabeth at Lilith.
Sila ang tinatawag na Droplet's Guard.
Yung Emilio naman na binabanggit nila ang kasintahan kong Bampira. Nakilala ko si Emilio dahil sa mga magulang ko dito. ipinakilala nila ako sakanya, Soo parang napilitan lang ako na mahalin siya. Kasi nga bawal sa amin ang mag ka gusto sa isang tao kaya ganun.
Pero hindi nila alam na simula nung tumungtong ako ng 20 years old. Tinigilan ko na ang pag inom ng dugo ng tao. Ayoko na sa dugo ng tao, weird man isipin na bampira ako tapos inaayawan ko ang pag inom ng dugo kahit na yung dugo lang naman ng tao ang bumubuhay sa amin.
Gusto ko nang bumalik sa pagiging tao, gusto ko nang maka kain ulit ng sari saring pag kain. Akala ko nung una masaya maging bampira. Kasi immortal ka at hindi ka namamatay pero yun pala hindi, malungkot pala ang buhay ng pagiging bampira.
■□FLASHBACKS□■
Sa totoo lang hindi talaga ako isang pure blooded na Vampire katulad nila. Napilitan lang akong sumapi sakanila nung naligaw ako dito at nung pilay pa ako. Oo tama naririnig niyo pilay ako dati naka saklay lang ako noon. Then imbis na pumasok ako nag lakad lakad ako sa kagubatan na makikita niyo jan sa labas.
Sa pag tuloy tuloy ko na paglalakad nakita ko tong Manor na to. Syempre nagandahan ako dito saka naman lumapit para tignan kung may tao ba o wala.Tapos non, laking gulat na lang ako may biglang sumulpot sa likod ko sabay kinausap ako ng isang magandang magandang babae kasama niya ang asawa niya. Napalingon naman ako sakanila.
"Miss? Naliligaw kaba?" Tanong nung asawa niya.
"Opo, kayo po ba mayari ng manor na yan?" Sabay turo ko doon sa manor
"Oo, kami nga bakit? gusto mo ba pumasok at makita yung loob? Wag ka mahiya. Tayo tayo lang tao sa manor na yan." Ngumiti lang siya sa akin nung tinanong ako
Eto naman si Ako napaka tanga gusto gustong makita yung loob. Edi ayun sumama ako sakanila.
"Opo, gusto ko pong makapasok."
"Tayo na't pumasok sa loob para makapag kape na rin tayo."
Soo ayun na nga naka pasok na kami. Pag kaka pasok ko. Nanglaki na ang mga mata ko dahil sa mga mamahaling gamit at magagandang gamit. Pero hindi naman siya gaano ka gandang nasabi ko lang na maganda kasi mukang mamahalin. Habang nag lalakad kami papunta sa isang lamesa. Kasi nga sabi niya pagkakapehin daw niya ako. nilibot ng mga mata ko ang bawat sulok ng Manor. Syempre napaka ignorante ko pa noon bata pa eh.
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...