DOB VI / Vampire's Invitation
Zero Point of View
"Hoy, sigurado ka bang lulutuan mo si Miss ng pagkain ng nga tao?" Tanong sakin ni kuya Louie.
"Oo naman, Kesa naman tumunganga tayo doon sa kwarto niya."
"Paano kung hindi nila magustuhan yung luto natin?" Nag tanong na rin si kuya Alex.
"Problema na nila yun. Kung bakit niya tayo inutusang mag luto."
Kasalukuyan kaming nag lalakad papuntang kusina nila sa ibaba. Kasama namin si Narkissa at Orpheus. Inutusan silang dalawa ni Akeldama na bantayan kami habang nag luluto. As usual center of attraction kami ng mga bampirang naka tambay sa gilid ng hall. May kanya kanya silang ginagawa. Umiinom sila ng dugo, nakikipag tsismisa, may nag hahalikan, may mag jowa, at syempre hindi mawawala ang mga tambay na siga. Hindi lang sila makalapit sa amin dahil kay Narkissa ang pinag kakatiwalaan ni Akeldama.
Imbis na mga ordinaryong ilaw ng bahay ang makita namin sa hall papuntang kusina nila. Hindi, hindi ilaw ang nag sisilbing ilaw dito sa manor na ito. Kundi mga kandilang mahahaba na makikita mo sa kada poste ng Manor. Hindi lang mga gamit nila ang may mga naka ukit na simbolo ng clan nila. Pati na rin ang mga kandilang nag sisilbi sa kanila na ilaw.
Akala ko tuluyan na mababalot ng kadiliman yung buong manor. Hindi umabot nang sampung pinuto ang pag lalakad namin. Napuntahan na rin namin ang kusina nila. Jusko, pati pala yung plato nila at mga kutsara nila may mga simbolo. Halos lahat ata ng gamit dito may itim na rosas.
Namangha kaming lahat sa mga nakita namin sa kusina nila. Lahat ng gamit makikita mo dito.
Tapos ang laki laki pa, hindi napigilan ni kuya Alex ang sarili niya na hawakan ang isa sa mga gamit na pang kusina na naka lagay sa lalagyan. Mga mukang mamahalin kasi ang mga gamit na nandito. Hindi makikita mga gamit na ito sa mga mall o online store. Siguro may mga pinag kukuhaan sila.
"Anong klaseng pagkain ang iluluto natin zero?" Bungad na tanong sakin ni kuya Louie habang abala kami sa pag tingin ng mga gamit.
Mag sasalita na sana ako nang biglang may bumulong sa tenga ko. Dahilan naman nang pag ka gulat nilang lahat kasama na sila Narkissa.
"Gusto mo bang tulungan kita sa pagluluto?" Bulong sakin nung babae na nasa likod ko. Dahil aa ginawa niyang pag bulong sa likuran ko, hindi ko mapigilan sarili ko na magulat at tayuan ng balahibo.
"Miss!" Pagkagulat nila Narkissa at Orpheus. Na sinamahan naman ng pagka laki ng mata nila at panginginig.
Ano problema nila? Bakit parang bigla silang natakot na para bang naka kita sila ng multo. Sino ba siya?
Napatingin naman ako doon sa babaeng bumulong sa likuran ko at umatras konti sa harap niya. Nasanay na ako sa pabiglaang pag sulpot ng mga bampira dito sa Manor. Kaya hindi na ako natatakot pa kahit sino pa yung sumulpot sa harap o sa likod ko.
"Miss?? What do you mean Narkissa?" Pag tanong ko kay Narkissa na baka sa muka ko ang pag kagulo sa sinabi niya.
"Si-s-siya an--g nanay ni Miss Akeldama." Pautal utal niyang tugon sakin.
What totoo? Siya ang nanay ni Akeldama? Hindi ako naniniwala. Bakit bigla siyang sumulpot dito sa kusina na.
"Tama si Narkissa. Ako si Callidora, ang Nanay ni Miss Akeldama. Tawagin niyo na lang din ako na Miss. Hindi kasi uso dito ang tawagin kami sa mga pangalan namin. Tsaka matanong ko lang kayo ba ang mga taong taga labas na tinawag ni Miss?"
"Opo, kami po nga po bakit?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang. Welcome nga pala sa Torreador Manor. Feel at home lang kayo" sabay ngiti sakin. "Wag kayong matakot hindi ko kayo aanuhin. Alam ko kung bakit kayo nandito. At alam ko rin kung ano ang binabalak ng Anak ko. Tangging kami lang mag ina ang nakaka alam ng binabalak namin." Saad niya sakin gamit telepathy.
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampirosAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...