Brujah

513 10 2
                                    

DOB II: Passion of Blood
Brujah

Akeldama Point of View

Ang grand ball na inaasahan namin lahat ay napunta lang sa gulong hindi namin maipaliwanag. Napahiya tuloy kami, dahil ang grand ball na ginawa ni Miss Evon ay may di inaasahang kalaban na makikisali. Hindi lang yun nauwi sa sugatan ang mga bisita namin. Mapa bampira man o tao, dinala sila ngayon sa headquarters ng BS.

Habang sila Miss Jeanne naman ay abala sa pakikipag pakalat ng tauhan niya sa paligid, umaasa pa ang buong bs na mahahanap pa nila yung grim reaper. May kakaibang teknolohiya ang BS na may kayang mag detect ng mga bampira o kahit sino pa man ito.

Ang buong Logan Village ngayon ay nag kakagulo na dahil sa nabalitaan nila sa Grand ball. Mabilis kumalat ang issue na tungkol sa pag sulpot ng di kilalang grim reaper.

"Ano boys! Nahanap niyo yung grim reaper na yun? Nakilala niyo kung nasaan siya ng galing?" Bulyaw ni Mis Jeanne sa mga tauhan niyang abalang nag la-laptop

"Mam, kailangan pa po namin ng sapat na oras para kilalanin kung sino ba talaga itong grim reaper na ito"

Rinig ko ang kanilang mga pinag uusapan dahil gumamit ako ng kapangyarihan ko na may kakayahang umalam ng mga pinag uusapan kahit malayo ako.

"Sige take your time"

"Miss Jeanne! Naidala na po ang lahat ng mga nasugatan sa HQ natin" saad ng isang sundalong babaeng kakarating lang

"Good, pwede bang imbestigahan niyo yung babaeng nag pakilala sakin na ang pangalan ay Thana"

"Bakit po mam?"

"Gusto ipa imbestigahan ni Miss Evon at ganun na rin sila Miss Callidora at Mis Alice"

"Sige po, masusunod po"

Mabuti naman na i-imbestigahan nila yung babaeng nag pakilala na Thana, dahil iba ang nararamdaman ko dito sa babaeng ito. Parang hindi siya taga nosferatu, parang may nililihim siya sa amin na tungkol sa kanya. Hindi lang halata sa itsura niya dahil si thana ay isang maliit at maputi na babae, may mahabang buhok naman siya at may bangs. Natatakpan ng bangs ang kanyang mga mapupulang mata.

Kung hindi lang pumapel yung lintek na babae na yan, makakakuha na sana kami ng ideya na kung nasaan ba talaga si Zero. Mukhang siya lang ang makakatulong sa amin.

Pero yung tungkol sa sinabi niya na..

'Ang pagbabalik niya ang mag dadala sa inyo sa kamatayan'

Ano ibig niyang sabihin? Sino yung tinutukoy niyang mag babalik? Sa dinami dami ba naman na namatay sa angkan namin ganun na rin sa mga tao. Hindi na namin makilala na kung sino ba ang tinutukoy niya,

Kung si Zero naman yung tinutukoy niya, bakit mag dadala ng kamatayan si Zero sa amin? May galit ba siya sa amin? Don't tell me na bumalik ang kanyang pag iisip bilang isang tao. O kung hindi naman, may kumukontrol sakanya at may nanakot sakanya.

Kung meron man nanakot sakanya, hindi ko siya papalagpasin once na makilala ko yung demonyo na yun. Ibabaon ko siya sa kinailaliman ng lupa

"Hoy anak!" Bulyaw ni mama na siyang ikinagulat ko

"Jusko naman ma! Wag kayong mang gulat"

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon