Droplets of Blood VII

950 21 0
                                    

DOB VII / Rules

Akeldama's Point of View

Sinimulan na namin ang unang araw namin para kumain ng mga pagkain ng tao. Yup tama ang binabasa niyo, simula nung naging bampira ako. Hindi na ako kumakain ng mga pagkain ng mga tao. Pag nakaka inom na ako ng dugo ng tao ok na ako doon.

First time naming lahat na kumain ng pagkain ng tao. Mahirap man tanggapin o kainin ang mga pagkain ng mga tao yun ay dahil mga bampira kami. pinilit parin namin, Tutal hindi naman bawal sa amin ang kumain ng mga pagkain ng tao.

Pag kaka subo ko pa lang ng mga kanin na may kasamang ulam na niluto nila Zero. Nalasahan ko agad ito, at ang sarap ng niluto nila. Naiiyak ako kasi ilang itaon na rin ako na hindi kumakain ng pagkain ng mga tao.

Para akong pulubi sa kalsada na ilang taon na hindi kumakain at nabubuhay na laman sa painom inom ng tubig sa tabi tabi. Parang gusto ko nga umiyak dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang saya saya ko ngayun, sumaya ako kahit pa paano sa ginawa nila Zero. Ilang taon akong nag hintay umasa at mag hintay may mag luluto sa amin ng mga pagkain ng tao.

Hindi kasi uso dito sa amin ang pagkain ng mga tao. Bampira nga diba, san ka naka kita ng bampirang nasanay sa pagkain ng tao. Syempre mas gugustuhin parin namin ang lasa ng dugo kesa sa mga pagkain nila.

Kasalukuyang kaming lahat ay kumakain ngayon sa kwarto ko. Pinaupo at pinakain ko na rin si Louie at Alex nung niyaya ko si Zero na umupo sa gitna namin ni Mama.

Sila Louie naman kumakain ng naka tayo.

"Pwee, di masarap. Dugo na lang sana ng tao ipinahanda mo sakanila Miss. Hindi itong walang kwetang pagkain." Ani Elizabeth sa akin habang kumakain ako

"Eliza, respeto naman nasa hapag kainan tayo. Tsaka nasa harapan natin di Miss callidora. Mahiya ka naman" saway ni Lilith kay Elizabeth.

Kahit kailan ang sungit sungit ni Elizabeth. Sa kanilang lahat, si Elizabeth ang pinaka masungit na Droplets Guards ko.

"Wow Lilith soo ibig mong sabihin ako pa ang dapat mahiya? Eh ni dapat nga siya ang mahiya dahilsa pinag aasta niya na bilang isang bampira."

"Naririnig kita Elizabeth." sambit ni Mama kay Elizabeth tinignan naman ito ni Mama ng masamang tingin.

"Soo what?" Napatayo naman ito sa kina uupuan niya.

"Elizabet! Tumigil kana, kung ayaw mo sa pagkain umalis kana." Saway ko kay Elizabeth

Ayoko mapunta sa away na walang ka kwenta kwenta ang pinag sasabi ni Elizabeth. Kaya sinaway ko na siya agad

Sabay umalis naman ito nang walang paalam. Basta na lang niya iniwan yung pagkain niya.

"Ma sorry ah, sorry kung ganon si Elizabeth."

"No, it's ok na iintidihan ko naman siya. Mukang naninibaguhan lang siya sa pag sang ayon niya sa pinapagawa natin sakanya." Tugon ni mama sakin.

"Siguro nga"

Nasa kalagitnaan kami ng pag di dinner naming lahat. Nang biglang may naririnig kami kaguluhan sa labas.

"Anong nangyayari sa labas?" Tanong ko kay Orpheus.

"Miss, si Emilio----" hindi na nakapag salita si Orpheus nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Emilio kasama mga tauhan niya.

Mga mukang nang gagalaiti at galit ang bumungad sa harap ko. Sinamahan naman ito ng pang gigil ng mga pangil nito.

"Akeldama! Alam mo ba kung anong magandang balita ang nabalitaan ko?" Pasigaw na pag tawag niya sa pangalan ko.

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon