Droplets of Blood XX

673 13 1
                                    

DOB XX /  Resurrections of the truth I

Zero Point of View

Isang nakaka bwiset nanamang gabi ang nangyari sakin. Akala ko mapapa-sarap na tulog ko pag kasama ko siya. Yun pala hindi!

"Zero gising!"
"Zerooo!"
"Gumising ka! May sasabihin ako sayo"
"Pag hindi ka gumising kakagatin kita!"

"Ano ba kasi yun! Tignan mo nga oras! Madaling araw  pa lang ang ingay ingay mo na!?" Bulyaw ko kay akeldama na siyang ikinalaki ng mga mata niya

"May naamoy ako!"

"Ano!? Huhulaan ko na ba kung ano naamoy mo?"

"Sige!" Saad niyang may kasamang ngiti

"Dugo!"

Para kaming mag asawang walang alam sa buhay haha. Pano ba naman si Akeldama walang ka alam alam sa mundong kinalakihan niya. Naging bampira lang siya eh kinalimutan na niya lahat. Tapos ang kulit kulit pa!

Ganun ba talaga ang mga nagiging bampira?

"Mali ka! Iba naamoy ko, naamoy ko ay isang babaeng duguan. Naamoy ko ito nung pumunta ako sa underground ng manor namin"

"Huh?? Babaeng duguan? Pano mo naman nasabing babae? Nakita mo siya?" Takang tanong ko sakanya

Grabe to'ng babaeng to tinalo pa mga aso sa kalsada haha. Kung ano ano naamoy

"Hindi, pero alam ko ang mga amoy ng mga babae dahil babae rin ako!" Oo nga naman may punto siya

"Seryoso?"

"Oo, kanina ko pa nga naamoy siya. Hindi ako maka tulog dahil sa mga dugong naka palibot sakanya"

Kakaiba pala itong babaeng nato. Lakas ng pakiramdam pag dating sa mga kapwa niyang bampira. Pero sa sinabi niya sa akin, tinayuan ako ng balahibo. Para akong kinuryente na ewan pag hinawakan mo ang mga balahibo ko sa braso

"Ano gagawin natin? Paano yan naakit ka sa dugong kumakalat"

"Kailangan natin tawagin ang mga DG ko tungkol dito" saad niya sabay tumayo na siya sa kama namin

"Naloloko ka ba ellysa? Gabing gabi na. Paniguradong wala ng sasagot kina Kuya Louie"

"Meron! Si Sandro, hindi natutulog yun pati na rin si Ozario"

Jusko, na alala ko pala. May nga sariling trabaho ang mga DG niya sa kanilang Manor at pwede nilang gawin yun dito.

Sino ba kasi yung babaeng sinasabi niyang pamilyar ang amoy para sakanya. Pati tuloy ako napupuyat sa mga kolokohan ng babaeng to' hindi ko naman pwedeng hayaan na lang siyang lumabas sa bahay baka may makakilala sakanya.

Mga tao pa naman dito mga tsismosa at tsismoso. Na cu-curious tuloy ako dun sa sinasabi ni Akeldama.

"Elyssa naman, pwede bang bukas na lang natin sila puntahan. Pagod na pagod na ako gusto ko ng mag pahinga! Kung ikaw hindi napapagod, pwes ako napapagod na sayo"

"Parang kahapon lang kakasabi mo lang na mahal mo ako ah! Tapos ngayon sasabihin mo pagod na pagod kana?" Napahawak na lang ako sa sintido ko na malapit ng pumutok ang mga ugat nito

"Ibig kong sabihin gusto ko ng matulog! Na iintindihan mo ba ako? Kung ayaw mong hindi ako magalit sayo wag kang mag pasaway, hayaan mo akong kumilos bago ikaw"

"Soo ibig mong sabihin, wala akong kalayaan para sa sarili ko?"

"Omfg! Ayoko na elyssa nakaka irita ka! Para akong nakikipag usap sa batang musmos. Mag hanap ka ng kausap mo!" Bulyaw ko sakanya na siyang ikinunot ng kilay niya

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon