DOB XXVI LAST CHAPTER / Last Breath
Akeldama Point of View
Mag mamadaling araw na hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang pag patak ng mga dugo galing sa kalangitaan. Nakaka lungkot man isipin na patay na si Papa, kahit pinatay siya ni Baron. Hindi parin kami mag papatalo sa mga kasamaan niyang ginagawa sa mundo namin.
Naka upo ako ngayon sa terrace ng mansyon ni Sebastian. Habang ang iba naman ay natutulog at nas kanilang mga sasakyan pang giyera.
"Miss? Bakit nasa labas kayo? Delikado kung mag titigil kayo dito" saad ni Narkissa na siyang kakarating lang
"Ysa, sa tingin mo mapipigilan natin si Baron?"
"Oo naman miss, sa dami natin. Tsaka hindi natin alam kung ano binabalak ng mga tao."
"Ysa, hindi natin alam kung gaano kalakas na kapangyarihan meron si Baron. Tinuturing diyos siya ng lahat, kaya hindi imposible sakanya na patayin ang mga taong kasama natin."
"May punto rin kayo Miss. Mag tiwala na lang tayo kay Zero at ipag dasal na lang natin na magising na siya para matulungan niya ta--" naputol pananalita ni Narkissa ng may biglang nag salita sa tabi namin
"Hindi na natin kailangan isama si Zero sa giyera. Dahil ang giyera ito ay para lamang sa atin. Makikipag laban tayo para sa kaligtasan niya" saad ni Venus
Hindi ko nilingunan si Venus dahil sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na hindi pwede sumama si Zero sa labanan. Dahil kailangan na kailangan ko siya doon, siya lang ang lakas ko para kalabanin si Baron. Kaya hindi pwede na maiiwan siya.
Kailan ko siya, kailangan ko ng kapangyarihan niya. Kung siya talaga ang diyos namin, dapat mag pakita siya sa lahat harapin niya si Baron.
Naka tingin lang kaming tatlo ni Venus sa malayo habang hinihintay namin ang pag tigil ng ulan.
Sa katahimikan na nangyayari sa amin, may bigla kaming narinig na isang kumakalansing na kadena.
Isang kadenang hindi namin alam kung saan nang gagaling yun.
*Chain Crackling*
*Chain Crackling*
*Tank Engines*
*Firing Tank*
*Booomm!!*
Tangina? Anong nangyayari? Bakit biglang nag paputok isa sa mga tangke ni Venus.
"Shit!" Ang tanging nasabi ni Venus habang nag mamadali umalis sa terrace
"Venus! Anong nangyayari?" Takang tanong ko sakanya
"Miss, hindi ko rin alam. Dahil naiwan ko sa kwarto niyo yung radio ko. Hindi ko ma contact mga sundalo ko sa loob ng tangke"
*Continues firing of Tanks*
*Continues explosions of bombs*
*Continues firing of snipers*
*Chain Crackling*
"Mi--Mi-miss!?" Nauudlot na boses ni Ysa habang nakaturo sa malayo na kung saan nag paputok ang mga sundalo ni Venus.
Shit! Sino siya! Bakit ang daming kadena sa katawan niya. Bakit puro pasa siya?
Sino itong bampirang ito na nanghihina na dahil sa mga sugat na natamo niya? Iba ang nararamdaman ko dito sa taong ito. Parang may tinatago siyang di namin alam
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampirAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...