DOB II: Passion of Blood
Twin meets demonUnknown point of view
Nag simula ng umatake ang mga tao. kahit kailan talaga hindi sila marunong makinig at sumunod sa matataas. walang takot nilang pinaulanan ang mga kampon ng demonyo ng mga bomba sa paligid ng Crystallin. As usual si Miss Jeanne nanaman ang pulot dulo ng mga pag atake.
"Senior' kanina pa tayo tinatawag ng mga lobo ng Nosferatu" Saad sakin ng isang tauhan ko
"Hayaan mo sila, binalaan ko na si Nazar tungkol sa pag atake ng mga tao. pag umatake ang mga tao. hindi tayo aatake."saad ko
Bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko na trono, bigla na lang ako hinila ng asaw ko.
"Naloloko ka ba? o sadyang nag papaka tanga ka nanaman? Ilang taon ka bang mag papaka bulok dito sa mansyon natin bago ka tumulong sa mga toreadors" Tanong sakin ng asawa ko
"Mahal, kilala mo naman ako na hindi basta basta na labas sa mga labanan. dahil ang gusto ko lang ay maging akin ang laban. To rule in blood is to rule the truth. Sa madaling salita, Ang Pamumuno gamit ang mga Dugo ay ang pag hawak sa katotohanan."
"So gusto mong ipaglaban ang usap usapan?" Tanong niya ulit
"Na alin? na diyos natin si Zero? Well tungkol jan tutal halos lahat na tayo naniniwala na siya na talaga ang diyos natin. pinatunayan narin niya sa atin lahat, kinalaban niya ang lahat ng mga kalaban sa loob ng camarilla. ganun narin si Baron" Saad ko na siyang ikinatahimik niya
Hindi ako natatakot kung Diablo pa ang magiging kalaban namin o mga Demonyon na siyang bumuhay sa amin. Dahil matagal tagal na rin kami nakapag palakas, kayang kaya na namin sila talunin at patayin para mapigilan ang lahat ng gusto nilang gawin sa mundong ito.
Hindi sa pinoprotektahan namin ang mga tao, hindi gusto narin namin ang mag bagong buhay. gusto na namin maging tao! kahit ito ay isang napaka imposible mangyari sa amin.
Libre naman mangarap eh diba? sino ba naman nag sabi na bawal mangarap yung mga tao o demonyong gustong mag bago? walang masama sa pag kakaroon ng pangarap sa buhay lalo na kung ito ay maganda at ikakabuti ng lahat.
Lahat tayo may kanyang kanyang pangarap sa buhay, at lahat rin yun ay napaka imposibleng mangyari kung wala tayong ginagawa para sa sarili natin.
Nasa labas ako ng mansyo ko ngayon at nakatingin sa kalangitan, punong puno ng mga eroplano ang kalangitan dahil sa mga pag atake na ginagawa ng mga BS. ganun narin ang mga maiingay na pag bomba at pag sambog sa kweba ng Crystallin.
Malapit lang kasi yung mansyon namin sa lungsod ng Evans kaya rinig na rinig namin ang lahat ng mga pangyayari doon.
Hindi lang ang mga pag sabog at mga baril ang aming naririnig doon, pati narin ang mga dugong dumadalak sa sahig o lupa. naamoy namin ang mga dugong tumutulo sa lugar na iyon.
Dahil sa mga dugong na aamoy namin ngayon, hindi namin maiwasan na hindi mag laway ngayon sa kinatatayuan namin.
"Mahal makikigaya kana lang din ba sakanila? Na magmukmok ng ilang taon dito sa mansyon at mag hintay ng magandang pagkakataon? Pero ang tanong, kailan mangyayari yang inaasahan mong magandang pagkakataon?" Saad ng asawa ko
"Isipin mo nga yung mga taong nasa tabi natin. Hindi yung paniniwala mo sa sarili mo, hindi makatarungan yang ginagawa mo at pag de-desisyon mo na mag tigil na lang dito at walang ginagawa" dagdag pa nito
Bago ko pa man siya sagutin, napatayo ako sa kinauupuan ko na trono habang ang lahat ng mga tauhan ko naman ay binigyan ako ng isang seryosong pag mu-mukha.
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampirosAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...