DOB XXII / Raven's Future
Elizabeth Point Of View
Pumasok kami sa isang madilim na tilted na van. Kasama namin ngayon si Tatay Peter, ang tatay tatayan namin sa Manor. Sakanya nang gagaling ang lahat ng iniinom namin na bawal na gamot. Dahil sakanya naramdaman namin kung paano maging tao ulit. At dahil rin sakanya naitigil namin ang pag inom ng dugo mula sa tao at hayop.
Pero nung isang araw, ang araw na hindi namin inaasahan na kung saan siya ay nahuli ni Emilio. Nahuli siya dahil may natibre o nag sumbong kay Emilio na gumagawa siya ng pinag babawal na gamot.
Matapos siyang ikulong at parusahan ni Emilio. Ang isa naman sa mga tauhan ni Emilio ay biglang pinatay ng di kilalang bampira. Hindi namin masabi kung bampira ba ito o Tao. Dahil matapos mangyari yun nawala ang pumatay pati na rin si Tatay.
Walang na abutan ang mga taga bantay ng manor namin. Ang tangging na abutan lang nila ay ang isang bangkay na tauhan ni Emilio. Dahil sa nangyari nagalit ng husto si Emilio sa amin.
Kasama namin siya dito sa van pati na rin ang mga di kilalang taong naka palibot sa labas ng van. Tingin ko isa silang grupo dahil sa kanilang mga suot na may nakaukit na simbolo.
Ang naka ukit sa damit nila ay isang Raven na may pa cross na dugo sa gitna. Masyadong malalim kung huhulaan mo titignan mo at pag mamasdan mo ang simbolo. Kahit naman ako hindi ko maintindihan kung ano ibig sabihin ng simbolo ng grupo nila.
"Tatay Peter! Sino ba talaga ang kumuha sa inyo? Bakit kayo nawala bigla nung nag kakagulo sa ibaba ng manor?" Bungad na tanong ni Miss kay tatay
"Miss mahabang kwento kung ngayon ko ipapaliwanag sa inyo. Pero sasabihin ko na agad sa inyo kung sino ba talaga sila at kung sino ba talaga ang tunay natin kalaban sa dalawang mundo na pinapasukan natin" seryosong saad nito kay Miss
Dahil sa mga narinig ko kay Tatay, biglang tumayo mga balahibo ko. Hindi ko alam kung tama ba ang mga narinig ko sakanya na, dalawa ang kalaban namin.
"Anong ibig mong sabihin Tatay?" Tanong ni Miss
"Miss, huli na ang lahat para gisingin si Zero katotohanan. Dahil kontrolado na ng mga shiki ang mundo ng mga tao"
"Ano!!" Napasigaw ako dahil sa nabalitaan ko.
"Imposible! Walang nabubuhay na shiki sa mundo natin tatay!" Bulyaw ko sakanya na siyang ikinagulat ni Miss
"Shiki? Ano yun Eli? Naguguluhan ako sa inyo. Ano ibig niyong sabihin?" Tanong ni Miss sa akin
"Miss, ang mga shiki ay ang mga bampirang muling nabuhay. Sila ang tinatawag na Risen of the undead vampires. Dumadami lamang sila sa mundo ng mga tao sa tuwing nakaka kagat sila ng tao. Pero pag mundo naman natin, hindi sila nabubuhay" ani ni tatay haban naka upo sa harap ng van
"Ano? Panong nangyari yun tatay?" Takang tanong ni Miss
Kahit ako, hindi ako makapaniwala na may nga Shiki na pala dito sa mundo ng nga tao. Hindi lang yun, matagal na palang naninirahan ang mga shiki dito.
"Miss, may kinuwento ba sayo ang tatay mong bampira tungkol sa giyera sa pagitan ng mga tao? Nung taon na yun, Yung natalo at sumuko na ang buong camarilla sa pag atake sa mundo ng mga tao. Doon na nag simulang humigante ang kaisa isahang panginoon ng buong angkan ng camarilla na si Baron Fang. Si Baron fang ay may lahi ng isang shiki. Ang lahing ito ay pwede ipasa pasa sa ibang tao kahit kanino basta makagat lang niya. Sa likod pala ng kasiyahan na natanggap ng mga tao matapos ang giyera ay isa palang natatakot na panaginip. Panaginip na di kana magigising sa kadiliman" pag papaliwanag ni Tatay
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...