Droplets of Blood IX

914 15 0
                                    

DOB IX / Malkavians

Emilio's Point of View

Ponyetang Ambrogio yan!! Napa pakilemero kahit kailan umiinit dugo ko sakanya! Gusto ko lang namang pahirapan pa ng husto yung anak niyang nag kukunwaring tao. Gusto kong kunin ang buong duo na namumuo sa pagka tao niya!

"GIO!!! MAPAPATAY KO RIN KAYO!!"

Pagsigaw ko sa kwarto na kung saan ako nag titigil. Kasabay non itinaob ko at sinipa ang Lamesa na nasa harapan ko. Dahilan naman ng pag ka gulat ng mga tauhan ko na Malkavian

Yes! Tama ang inyong naririnig at pagkaka basa niyo. Sila ay isang Malkavian Vampires! Hindi lang sila, pati ako! Nandito kami para ubusin at patayin ang bawat miyembro ng angkan ng mga Toreador. Kasama na roon ang babaeng niloloko na si Akeldama.

Gusto naming mag hasik ng kasamaan pag napatay namin silang lahat. Pag nagawa namin yun, makaka lagpas na kami dito at makaka punta na sa mundo ng mga tao. Na kung saan sila ay nakatira sa likod ng mga kagubatan na matatagpuan mo sa labas.

At si Akeldama ang magiging susi namin para madala niya kami sa mundo ng mga tao! Mabuti na lang naging bampira si Akeldama. Hindi na kami mahihirapan pa.

Pero bago ang lahat kailangan muna namin patumbahin ang mga taong nasa paligid nitong manor. Ang mga tao ni Ambrogio!

"Aly! Halika dito!" Pag tawag ko sa isa sa mga malalakas kong tauhan

"Ano yun panginoon?"

"Putangina mo ka! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na darating ka agad si Gio!" Pang duduro ko sa pagmumuka niya

"Pasensiya na po kayo panginoon, bigla kasi hinarang ng kapangyarihan ni sir Gio ang kapangyarihan ko." Matapos siyang mag salita, bigla ko itong sinipa sa tiyan dahilan naman ng pag kakatilapon niya

"Mga walang silbe!!" Sigaw ko sakanila sabay nag wala at nag hagis ng ilang gamit sa kwarto ko

Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maiwasang hindi magalit dahil sa paghihira na nararansan ngayon ng mga ka Malkavian vampires ko

Lahat kinuha nila! Para silang mag nanakaw na tinatago itsura nila sa pag di disguise. Pera Kagamitan Dugo at mga pamilya. Bago nila kunin yun pumatay muna sila ng iilang pamilya at tao! Mga walang awang tao.

"Panginoon ano po gagawin natin dito sa matandang ito?" Nabali paningin ko nung kinausap ako nung nag babatay doon sa matanda na kinuha ko kay Akeldama

"Pag piyestahan niyo na dugo niya! Putangina sabay ikulong niyo sa underground base!" Nung sinabi ko yung biglang dinakma ng mga kasamahan ko yung matanda

Bawat kagat at pag higop ng dugo na ginagawa nila kay tanda. Naririnig ko ito at sa tuwing naririnig ko ito hindi ko maiwasan sarili ko na mag laway parang gusto ko rin uminom ng dugo niya.

Pero ayoko! Tangina sinong bampira ba makaka tiis sa dugo ng matanda. Lasang dugo na may kalawang pag ininom mo dugo ng matatanda. Mas gugustuhin ko pang inumin dugo ni Akeldama.

Ang tamis tamis ng dugo niya. Hindi lang matamis, ang sarap sarap pa tulad ng pag hihirap na ginagawa ko sakanya.

Hindi alam ni Akeldama na may masamang balak ako sakanya. Pag napatay na namin ang lahat ng pamilya niya dito sa manor na ito, kukunin namin siya at gagawi siyang susi para maka labas kami dito at para makapunta sa mundo ng mga tao.

Tanging siya lang ang makakapag turo sa amin na kung saan ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao. At tanging siya lang ang makaka tanggal ng harang na bumabalot sa kagubatan na kung saan likod nito ay mundo ng mga tao.

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon