Droplets of Blood XIII

775 14 0
                                    

DOB XIII | Elizabeth Past

Elizabeth Flashbacks

"Eliza gusto kong ilayo mo anak ko bago pa man umatake mga tauhan ni Raven" Mahinang saad ng isang babaeng nanghihina na dahil sa kalagayan niya

"Pero Miss anak niyo po yan!" Bulyaw naman ni Eliza sa nanghihinang babae

"Eliza, makinig ka sakin. Hindi siya pwede sa angkan natin. Dahil isa siyang halimaw, pag lumaki siya magiging halimaw siya at magiging diyos ng lahat ng bampirang nabubuhay ngayon. Kaya kailangan mo ng ilayo siya bago pa man nila patayin si Zero. Si Zero at ang kanyang mapapangasawa ang may kayang mag bago ng mundo ng mga bampira. Si Zero pag asa natin lahat"

"Naguguluhan po ako sa inyo. Paano kung hanapin ito ni Raven?"

Isang batang Taong Bampira ang hawak hawak ngayon ni Eliza. Isang Taong Bampira na may mga matang mapula at maputing buhok.

"Hayaan mong akong mag dusa kung magalit man si Raven sa akin. Tutal kasalanan ko rin naman kung bakit ako nag luwal ng isang Diyos na bampira. Isang bampirang may kakaibang kapangyarihan"

"Miss! Hindi niyo po kasalanan ang lahat. Isa lang kayong taong bampira, kaya wag na kayong mag taka kung bakit isang taong bampira ang naging anak niyo. Dapat nga mag pasalamat pa kayo dahil may kakayahan siya baguhin ang hinaharap"

"Eliza! Buhay naming dalawa ang mawawala pag hindi ko pinatay si Zero. Ayoko patayin ang sarili kong anak dahil lang sa utos ni Raven. Mas gugustuhin ko pang mag dusa habang buhay kesa mamatay anak ko."

"Masusunod po, pero saan ko naman siya iiwanan?"

"Kay Venus mo siya ipamigay"

"Si Venus? Leader ng mga Vampire Hunter? Bakit? Alam niyo naman pong kalaban natin ang mga Vampire Hunters"

"Nag usap na kami ni Venus tungkol dito. At pumayag naman siya na alagaan niya si Zero."

"Pag nag banggit si Venus tungkol sa kasunduan namin. Sumang ayon ka lang kahit ano pa ang gusto niya. Matanggap niya lang anak ko" dagdag pa nito

Tumango lang si Eliza sa mga sinabi ng tunay na ina ni Zero sabay Umalis na ito patungo sa lugar na kung saan sila mag kikita ni Venus.

Si Venus ay isang babaeng walang anak pero may asawa siya. Kasama niya ito sa trabaho niya sa pagiging vampire hunters.

●○●○●○●○

"Siya na ba yung sinasabi ni Alice?" Bungad na tanong ni Venus kay Eliza

"Oo siya si Zero"

"Magaling, pag tinanggap ko siya. Maituturo mo ba kung nasaan ang ama nito? Tatanggapin ko ang bata pag ibinigay niyo at hinayaan niyo kaming patayin ang angkan ng ama ng bata"

"Oo maituturo ko, at sumasang ayon rin si Miss sa mga gusto niyo. Pero bago niyo makuha gusto niyo, maipapangako niyo ba sa amin na aalagaan niyo si Zero?"

"Oo naman, kung yan ang gusto niyo"

"Sige, matatagpuan niyo ang Manor na tinutuluyan ni Panginoon Raven sa Gitna ng kagubatan. Yun ay kung madaling araw kayo aatake, dobleng ingat na lang kung aatake kayo sa madaling araw. Maraming ligaw na bampira sa paligid ng manor niya"

"Ok, pag umatake kami. Gusto namin na wag kayong makielam. Walang mamatay kung walang makikielam. Yun lang pwede kana umalis"

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon