Droplets of Blood 0

4K 53 1
                                    

May kasabihan daw na pag pumunta ka raw sa likod ng lumang skwelahan na kung saan di kalayuan sa bahay namin. may makikita ka raw na lagusan papuntang kagubatan. Kagubatan napapaligiran ng mga malalaking puno at kawayan. Pag pumasok ka daw sa loob nito at pumunta sa gitna ng kagubatan na iyon. Makakakita ka daw ng isang lumang Manor na kung saan may isang babaeng nakatira.

Creepy man paniwalan pero ang pinagtataka ko, bakit may manor sa gitna ng kagubatan at bakit may lagusan o butas papunta doon. Nacucurious tuloy ako imbis na matakot sa kwento nila. At eto pa, sabi nila yung babae daw na nakatira doon sa manor buhay pa hanggang ngayun. Hindi nila alam kung ilang taon na yung babae pero yung Manor na yun daw ay dating dorm ng mga studyante.

"Zero! Kanina pa kita hinahanap. Ano ba tinitignan mo jan sa lagusan na yan? Wag mong sabihin na naniniwala ka sa kasabihan ng iba?" Lumihis ako ng tingin nung tinawag ako ni kuya Louie

Ako nga pala si Zero, 20 years old isa akong author. Gabi gabi kaming nag gagala dito ng dalawang kaibigan ko na sina Louie at Alex, sa lumang skwelahan namin para mag ghost hunt. Imbis sumama ako sakanila para mag ghost hunt mas pinili ko pa ang tumambay sa likod ng lumang skwelahan na kung saan nasa harap ko ang isang lagusan papuntang ng kagubatan.

Parang kuya ko narin sila kasi mas matanda sa akin sila. Si kuya Louie, 25 years old at si kuya Alex naman 23 years old. Lahat kami tapos na sa pag aaral. Si Louie nag tatrabaho sa isang mall at si Alex naman ay may sariling tindahan sa mall na kung saan nag tatrabaho si Louie.

"Hindi sa naniniwala ako sa kasabihan. Pero kuya, feel ko na may humihila sa akin at tumatawag sa akin mula sa loob ng lagusan na ito."

"Alam mo, guni guni mo lang yun. Hindi mo ko matatakot sa kalokohan mo"

totoo mga sinabi ko. Simula nung tumira kami dito sa bahay na ito na kung saan katabi namin ay isang malaking kagubatan gabi gabi ko na lang nararamdaman yung pag tawag niya sa akin.

"Tama si Zero, Louie kahit ako hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko dito sa kagubatan na ito. Para bang may gusto itong ipahiwatig sa atin." Pati rin pala si kuya alex naniniwala sa akin na may kababalaghan nangyayari dito sa kagubatan.

"Mag isip nga kayo, walang taong makaka tiis manirahan sa kalagitnaan ng kagubatan. Tapos disabled pa yung babae tingin niyo may makukuha siyang pagkain sa kagubatan?"

"Kaya nga niya kami tinatawag yun ay dahil kailangan niya ng tulong namin." biglang tumaas boses ni kuya Alex nung sinagot niya si kuya Louie.

Habang nag tatalo sila Kuya may napansin naman ako na tila bang may nag lalakad papalapit sa amin.

"Sino yan?" Tanong ko sa misteryosong lalake papalapit sa amin. Napatingin din naman sila Kuya Alex at Kuya Louie

At dahil gabi na nga. sa sobrang dilim hindi namin makita yung lalake na papalapit sa amin tangging dalawang lampara lang kasi dala namin. Saka siya nag salita nung na anigan na siya ng ilaw namin.

"Totoy, totoo yung sinasabi nilang dalawa. Na may tao sa gitna sa ng kagubatan at naka tira siya sa manor na kung saan makikita niyo ito sa gitna ng kagubatan."

Napatitig naman ako sakanya nung lumapit na siya amin. Hindi ko inaasahang matanda pala yung lalapit sa amin at parang nahihirapan siya dahil sa likod niya. Hula ko mga 60+ na si tatang.

"Teka teka, sino po ba kayo tatay? Bakit parang may alam kayo jan sa kagubatan na yan?"

Tanong ni kuya Louie bago makalapit si tatang sa amin.

"Alam niyo mga totoy. Nung wala pa yang lagusan na yan. Dito na ako nag tatrabaho sa lumang skwelahan na to, isa akong hardinero dito. syempre dahil hardinero ako lahat ng mga halaman o halamang gubat na tumutubo o gumagapang sa paligid sa skwelahan na to ina alagaan ko at tinatanggal. Hanggang dumating ang isang araw na nagulat na lang ako na may gumawa ng lagusan na iyan." tuloy tuloy pag kukwento ni tatang habang papalapit siya kinauupuan mo para makiupo

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon