DOB XI / Disguise
Louie Point of View
Isang boses ng isang lalake ang gumising sa akin mula sa silid ni Akeldama. Hindi ko makilala yung taong nag mamataas ng boses dahil na rin sa sobrang dilim sa kwarto. Tangging mga kandila lang ang nag sisilbing ilaw dito sa manor na ito. Sa tingin ko dumating na rin si Zero kasi biglang sumikip yung hinihigaan namin, di tulad kanina na maluwag pa at may pwesto pa.
"Pambihira! Bakit katabi ng mga peste na yan si Akeldama! Bakit niyo hinayaan siya!"
Jusko si Emilio pala yun! Pero teka ano sabi niya? Si Akeldama katabi namin? Napaka imposible naman yun? Iikot sana ako mula sa kinahihigaan ko pero hindi ko na ito itinuloy baka kasi mapag tripan nanaman ako ni Emilio. Mamaya ko na siguro titignan kung totoo ba sinasabi niya
"Panginoon, hindi po namin napigilan si Miss dahil kagustuhan niya po ang tumabi sakanila" mahinang saad ni Sandro
"May kama siya! Pero bakit mas pinili pa niyang humiga sa tabi ng mga hampas lupa na ito! Gising niyo siya! Kung hindi ako gigising sa mga pesteng kasama niya!" Sigaw pa nito ni Emilio
Hindi ko maiwasang matakot sa mga binibitawang salita ni Emilio sa paanan namin. Natatakot ako baka kung ano gawin niya sa amin, hindi lang yun pati na rin kay Zero baka patayin niya kaming tatlo.
"Subukan mo baka ikaw ang magising ko" sambit ni Narkissa nung tumayo siya sa kinauupuan niya. Rinig ang upuang inupuan niya nung tumayo siya umtras ito "Mabuti pang bumalik kana lang Emilio pag nagising ito" dagdag pa nito
"Mahiya ka sa sarili mo Narkissa! Hindi mo kilala kung sino kinakausap mo!" Sagot ni Emilio sa sinabi ni Narkissa
"Mahihiya ako kung ikaw ang pinaka mataas dito! At hindi rin ako takot sayo dahil wala naman dapat ikatakot sayo. May ikakatakot ba ako sayo?" Sarcastic voice of Narkissa
"Kakainin mo rin yang sinabi mo babae ka! Tatandaan ko pag mumukha mo!" Sambit ni Emilio sabay tuluyan ng umalis sa kwarto ni Akeldama. Padabog nitong isinara ang pinto ng kwarto ni Akeldama, kasunod nitong umalis ang mga tauhan niya
Taena hindi ko inaasahang ta trashtalkin ni Narkissa si Emilio hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Biglang nag bago ihip ng hangin dito parang kahapon lang eh napaka respetado nila sa isat sa tapos ngayon parang nag aaway na sila.
"Louie, pasensiya kana kung nagising ka dahil kay Emilio" what? Naramdaman nilang nagising ako sa pag sigaw ni Emilio. Kakaiba itong mga bampira na to.
Bumangon na ako sa kina hihigaan ko sabay umupo rito para tignan silang lahat na naka upo sa gitna ng trono ni Akeldama. Nilingunan din nila ako nung bumangon ako para i tignan sila at tignan kung totoo ba sinasabi ni Emilio na tumabi si Akeldama sa amin.
"Wala yun, na alimpungatan lang din ako kaya nagising ako" saad ko sabay tinignan ko oras sa phone ko
Mag uumaga na pala bakit hindi pa sila natutulog. Hindi ba sila takot sa araw? Tingin ko hindi sila natutulog kasi nga mga gwardiya sila.
"Bakit nga pala natulog si Akeldama sa tabi ni Zero?" Tanong ko sakanila matapos kong makita si Akeldama na naka yakap kay Zero
Hahaha taena kakaiba rin tong dalawa na ito parang mag asawa. Kung makapag yakapan naman wagas, tapos mga paa pa ni Akeldama naka pulupot sa bewan ni Zero haha.
"Pinaglalaruan kasi ni Miss yung leeg ni Zero kanina pag katapos non napag disisyunan niya na tumabi na kay Zero. Tumabi siya para titigan leeg ni Zero" sambit ni Astrid
"Ang weird naman, ano yun naka tulog siya dahil sa pag titig sa leeg ni Zero?"
"Oo ganon na nga, Kaya bumalik kana rin sa pag tulog baka antukin ka mamaya" tugon naman ni Lilith
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...