Jeanne Point of View
"Miss sigurado po ba kayo sa pinaplano niyo?" Paninigurado ng isang Heneral na sundalo sakin
"Oo! mag pakawala kayo ng isang matinding pampasabog sa lugar ng Crystallin dahil ang balita ang mga bampirang nakapalibot dito ay mga demonyo. hindi isang bampira"
Hindi pwedeng wala kaming gawin sa gitna ng labanan. Isang labanan na siyang sinimulan nanaman ng isang di namin makilalang grupo. hindi kami nakakasigurado na isa ba sila sa mga miyembro ng Camarilla. dahil sa pagkaka alam ko walang na ngayong miyembro ng Camarilla na nag mamalakas loob na kalabanin sila Akeldama. matapos ang isang giyerang tinapos ni Zero.
Natapos nga ni Zero ang giyerang sinimulan ni Baron. pero hanggang ngayon pala isipan parin para sa amin ang huling nangyari sa labanan nila matapos patayin ni Zero si Baron.
Hindi rin ako nakakasigurado kung talaga bang patay na si Baron at ang kanyang mga galamay o sa tinatawag na mga kampon o kakampi. Kilala naman natin si Baron ay isang maka diyos na bampira at walang sino man ang may kayang kumalaban sakanya. dahil ang mga gustong kumakalaban sakanya ay agad natatakot sa mga ikinikilos nila.
Nasa Evans kami ngayon at kasama namin ngayon ang mga Nosferatu isa sa mga miyembro ng Camarilla. Kahit nandito kami para tumulong sa mga taong inalipin dito hindi parin namin kinalimutan sina Akeldama. Sa likod nila Akeldama may mga sundalo akong pinasunod at pinabantay. Just incase na may biglang sumugod na mga kalaban o mag kagulo sa kweba ng Crystallin.
"Miss Jeanne? tama ba narinig ko? mag papakawala kayo ng bomba sa crystallin?" Tanong sakin ni Clarisse na siyang kanan kamay ni Nazar
"Oo Miss Clarisse, balita ko kasi may biglang may mga demonyong naglabasan doon sa mismong kweba. Hindi lang yun, yung babaeng nang guo at nag paputok ng baril sa loob ng Grand Ball ay isa palang Demonyo"
"Thana, Thana is her name. she's the ruthless killer demon lahat ng mga bampirang nakakaharap niya ay pinapahirapan niya ng husto. pinag lalaruan niya ito sa pamamagitan ng mga nakakamatay at nakakabaliw niyang kapangyarihan. may kakayahan siyang idala ang lahat ng biktima niya sa isang demensyon. ang tawag dito sa kapangyarihan niya ay Ruthless Game" Sabat ni Nazar
"Pero sa tingin ko hindi naman siguro matatablan ng Ruthless game ni Thana sila Akeldama"
"Jan ka nag kakamali Miss Jean, Sila Miss Akeldama ay isa lamang Half Vampire hindi isang Pure Blooded Vampire. tanging mga Pure Blooded lang ang hindi tinatablan nito"
What!? Tama ba yung naririnig ko? tinatablan sila Akeldama ng mga kapangyarihan ng Demonyo? Pero bakit? isa lamang dimahak na mga demonyo ang kalaban nila at sila naman ay mga bampira. mga bampira na muling nabuhay at binigyan ng isa pang buhay para lumaban at mabuhay.
Kahit ganun pa man ang mangyari pipigilan namin sila thana! kahit buhay pa namin ng mga BS ang masayang at mawala dito sa mundo ng mga tao. alam kong naririnig at nararamdaman ni Zero ang mga nangyayari dito sa mundo ng mga bampira.
Pinangako na rin namin sa isat isa na buong buhay namin ang itataya namin. mapigilan lang talaga itong kaguluhan sa lugar namin. kahit alam naming napaka imposibleng pigilan ang mga ito. hindi parin kami nawawalan ng pag asa, dahil nasa tabi at pag iisip namin si Zero.
Gumuho na ang lahat, Madurog na ang lahat at Mamatay na ang lahat. mapigilan lang namin ang mga kapangyarihan ng mga demonyo. Ok na kami doon.
"Miss Jeanne, Ito lang ang masasabi ko sa inyo. Ipaubaya niyo na lang sa amin ang mga nangyayari ngayo sa Evans at sa Crystallin" Seryosong saad ni Nazar
"Hindi kita maintindihan Panginoon Nazar"
"Miss Jeanne, Wag na kayong umatake at mag sayang ng buhay. hayaan niyo na lang kami ng iba pang miyembro ng Camarilla ang pumigil kina Thana. Willing kami at ang mga Ventrue na pigilan sila"
"Nazar! Pasensya na, hindi kami papayag na umupo na lang sa isang tabi at panoorin kayo na nakikipag patayan sa mga demonyo" Sambit ko sakanila
"Miss Jeanne hindi lang isang giyera ang mangyayari ngayon. hindi ito katulad ng giyerang ipinakita ni Zero sa atin. Iba ito, labanan na ito sa pagitan ng mga Demonyo at mga Bampira. kakalabanin namin at pigigilan na namin ang mga masasamang gawain ng mga Demonyo kahit sila ang bumuhay sa amin"
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isagot sa mga sinabi ni Nazar, nabigla ako doon sa binanggit niya na ang mga Demonyo raw ang mga bumuhay sa kanila. So those demons are the creators or god of the vampires?
naguguluhan na ako! napaupo na lang ako sa armored car ko habang pinag mamasdan ang mga tauhan kong tinutulungan ang mga lobong sugatan sa lungsod ng evans.
To Be Continued
----
A / N: Short Updated lang, sorry guys wala pa kasing phone si author. hindi ako makapag update ng DOB hirap mag type sa pc.
Para sa mga taong hindi pa nakakabasa tungkol dito sa bagong chapter. Please read the Announcement of Book 2
Follow Me: MigiAoi
Facebook: Migzz Perea
Visit my profile for more stories
Votes and Comment are highly appreciaed
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...