New Life & New Blood

509 10 0
                                    

DOB II: Passion of Blood
New Life & New Blood

Unknown Point of View

Zero zero zero! Sing tamis mo ng Strawberries ang dugong pinapakawalan mo sa katawan mo. Kahit nasa mansyon ako ngayon at naka upo, na aamoy ko parin ang dugo ni Zero na kung saan ikinulong at pinapahirapan ni Omen si Zero.

Parang gusto ko siyang kainin! Ang sarap sarap ng dugo niya. Para akong nasa kalangitan na punong puno ng dugo! Nababaliw ako sakanya at nag lalaway. Pero kahit ganun pa man ang nararamdaman ko sakanya, naawa parin ako sakanya.

Hindi sa pagkain ko siya at kailangan ko ng dugo niya sa pang araw araw, hindi eh! Iba yung nararamdaman ko sakanya. Parang inaakit niya ang buong puso ko na tulungan siya at pakawalan. Nararamdaman ko sakanya kung paano ba talaga mag mahal ng isang katulad niyang bampira.

Gustohin ko man siyang mahalin tulad ng pag mamahal na nararamdaman ko sakanya, pero natatakot naman ako kung baka sakaling mahuli ako ni Omen na siyang nakakatandang kapatid ko. Natatakot ako baka tuluyang patayin na niya si Zero

"Miss, saan kayo pupunta?" Tanong sakin ng kanan kamay ko na si Malinda

"Sa Crystalin" Crystalin ang pangalan ng kwebang na kung saan ngayon si Zero

Pinangalan namin itong Crystalin dahil ang kwebang ito ay punong puno ng mga diamante o sa tinatawag na diamonds. Sa dami nito halos loob ng kweba ay mapuno na dahil sa mga ito. Maraming tao ang may gustong pumasok dito para mag nakaw ng iilang diamante pero sa bandang huli hindi sila nakaka labas ng buhay. Dahil ang kweba na yun ay may sumpa pag ikaw ay nag nakaw ng iilang diamante o gamit sa loob ng kweba. Hindi lang diamante ang meron sa loob pati na rin mga ginto.

"Pero miss, pinag bawalan tayo ni panginoon omen na wag tayong lumapit at pumasok sa kweba"

"Walang makakapigil sa akin malinda! Dahil naiinip na ako dito sa punyetang mansyon na ito. Gusto ko ng pumatay at uminom ng dugo ng mga tao! Kaya wag siyang mag tangkang pigilan ako kundi siya ang papatayin ko"

Well, totoo naman ang sinasabi ko kay malinda. Kaya kong patayin si kuya ng walang kahirap hirap dahil ako ang mas malakas sa akin. Sila Mama at Papa na rin ang nag sabi sakin na mas malakas ako kesa sakanya. Hindi lang sila mama ang nag sabi sakin tungkol sa lakas ko kundi yung ibang miyembro rin ng angkan namin.

Kasalukuyang naka labas na ako ng mansyon at nasa harap na ako ng kweba. Pero tulad nga ng inaasahan, sasalubong sakin ang mga tauhan ni kuya. Pero kahit pigilan nila ako hindi nila ako mapipigilan dahil kaya ko silang patayin ng walang kahirap hirap. Nasa likuran ko naman si Malinda na siyang sumunod nung nag teleport ako dito.

"Miss thana! Saan po kayo pupunta?" Pag pigil sakin ng iilang tauhan ni Kuya

"Kay zero" maiksing saad ko

"Nako Miss! Ba--" hindi ko na sila pinag salita dahil nilaslas ko na ang kanilang mga tiyan gamit ang isang kutsilyo na gawa sa dugo ko

"Linda! Linisin mo ang loob gusto kong kausapin si zero ng walang nakaka alam at nakaka rinig sa pinag usapan namin" sumunod naman si malinda at tuluyan ng nag teleport sa loob ng kweba

Hindi ako natatakot kung baka sakaling biglang dumating si kuya dito sa kweba. Dahil sa totoo lang kung wala ako hindi niya makukuha at mahuhuli si Zero. Walang sapat na kapangyarihan si kuya upang mapigilan niya ang kabaliwan na nararamdaman ngayon ni zero bilang isang demonyong bampira.

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon