DOB II: Passion of Blood
Grand Ball CelebrationJeanne Point of View
*Sigh*
Ilang taon na rin ang lumipas nang sumiklab ang labanan sa paginan ng mga tao at bampira. Halos mawasak na ang buong bayan ng Logan nung lumabas ang mga kampon ni Baron. Marami rin ang namatay at nag buhis ng buhay para mapigilan lang ang kasamaan na idinudukot ng mga kampon ni Baron. Kasama na sa mga namatay ang mga tauhan ko na sina Camille at Annie, malaki ang pasasalamat ko sakanilang lahat dahil hindi nila kami hinulog sa kamay ng mga kalaban. Mas pinili nilang manahimik at mamatay kesa mag salita sa mga pag hihirap na ipinaparamdam ng mga kampon ni Baron.
Pero, kahit tumigil na ang labanan at nagka sundo na ang mga tao at bampira hanggang ngayon hindi parin nag papakita si Zero sa aming lahat. Naging pala isipan sa aming lahat ang biglaang pagka wala niya matapos niyang patayin ang dalawang kaibigan niya na naging bampira. Hindi ko inaakalang may kakayahan ang mga bampira na kumopya at mag panggap bilang isang tao.
Kung sabagay mga bampira sila at may kakaibang klaseng kapangyarihan sila. Hanggang ngayon, hindi parin makapali ang kalooban ko sa kakahanap ng balita tungkol kay Zero. Kahit isa na siyang ganap na demonyong bampira, tanggap parin namin siya bilang isang Anak. Hindi ako naniniwala sa mga issue at fake news na si Zero ay patay na, namatay siya dahil hindi niya kinaya ang mga kapanyarihan na ipinakawala niya noong nakikipag laban siya kina Baron.
Kasalukuyang naka upo ako sa opisina ko dito sa loob ng Blood Society at nag iisip ng malalim kung paano ko ba mahahanap si Zero. Gusto ko siyang hanapin at tulungan dahil gusto kong mag pasalamat sa tulong na ginawa niya. Kung di dahil sakanya, hindi tatahimik ang kasamaan ni Baron.
*Wind Blows*
"Bakit nandito ka parin? Wala ka bang balak na mamili ng gamit at damit para sa gaganaping Grand Ball sa Logan Mansyon?"
Pambihira, kung kailan talaga hindi marunong gumamit ng pinto itong mga bampira na to'
Kung sabagay may punto si Alice, Grand ball na mamayang gabi anong oras na hapon na at nandito parin ako sa opisina ko. Ayoko rin mapahiya sa lahat na ang damit ko ay masyado ng luma, mistulang damit nila lahat ay ang ganda ganda.
"Sorry Alice, hindi ko lang kasi maiwasan na hindi isipin ang anak mo" saad ko sabay tumayo na ako sa kinauupuan ko
"Kahit naman ako, buong araw siya ang laman ng isip ko. Wag kang nag alala, hindi naman ako natigil sa pag hahanap sakanya. Ginagawa ko na ang buong makakaya ko tsaka wala akong sapat na rason para sumuko sa pag hahanap sakanya. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya kahit kamatayan pa ang mangyari sa buhay ko hindi ko uurungan"
"Stop saying that! Dalhin mo na lang kaya ako sa SM at samahang mamili. Tutal nandito kana rin"
"Ok let's go!" Saad niya at tuluyang idinala na niya ako sa sm gamit Teleportation
Para kaming nasa Fantasy World o Game World na kung saan lahat ng players o tao ay may kakayahan mag teleport sa mismong Town. Andaming mga bampira na gumagamit ng teleportation magugulat kana langna may biglang mag teteleport at susulpot na bampira sa tabi mo.
"Alam mo, mas mabuting kumain na lang tayo. Bibigyan na lang kita ng Gown sa bahay, tutal marami akong gown galing sa mga angkan namin. Sayang lang pera mo kaya mas mabuting tanggapin mo na lang yung ibibigay ko" Sabagay may punto siya, pero nakaka hiya naman sakanya. Ang laki laki na ng naitulong nila sa amin tapos manghihingi pa ako ng gown o damit sakanya.
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
Про вампировAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction Heaven and hell have c...