DOB II: Passion of Blood
City's of DisguisedUnknown Point of View
*Everyones Whispering*
Haist, kaya ayaw na ayaw ko ang mag anyong tao. Mas gu-gustuhin ko pang maging hayop kasi ang i-ingay nila at ang da-daldal nila. Hindi nila maiwasan na hindi mag tsismisan at mag kwentuhan. Kailan ba matatahimik ang mundo? Kailan namin mararamdaman at madadama yung salitang Peace of Mind. Kathang isip lang yata yan, na madaling sabihin sa ibang tao.
Diba ganun naman talaga ang mga kathang isip na storya. Minsan nanggagaling sa isip natin, minsan naman sa imahinasyon natin. At minsan naman ay nang gagaling sa iba. Kathang isip na siyang pinag lalaruan ang isip ng lahat ng tao.
Siguro kung writer lang ako ng isang nobela, siguro marami na akong naisup tungkol dito sa mundo ng mga tao na hindi matapos tapos ang gulo.
Kung hindi lang usad pagong ang mga tao, hindi na sana kami lalabas at mag papakita sakanila. Eh kaso napaka bagal nila, masyado na silang huli sa balita. Kung sino pa yung tao kami pa yung gumagawa ng paraan at kumikilos para mapigilan yung mga lintek na miyembro ng camarilla na hindi marunong sumunod at matakot sa mga makaka bangga nila.
On the way na kami sa Evansville, na kung saan ang iba sa mga lobo ko ay nandoon para magbantay at mag masidmasid sa mga pinaplano ng Brujah. Hindi ko naman nilalahat ang mga miyembro ng Brujah, pero yung iba talaga sa kanila ay malalakas ang loob at walang sinasantong iba. Basta makapang gulo lang sila at sumunod sa mga demonyo.
May tatlong uri ang mga Brujah, The Iconoclast, The Individualist at The Idealists. Ang kumalaban sa amin ngayon ay ang mga Individualist. Sila ang mga brujah na nag hahanap ng maayos na kasagutan sa lahat ng katanunga nila. Hindi lang yun, gusto rin nilang mag sarili kahit mahigpit na pinag babawal sa Camarilla ang pag sasarili ng angkan. Ok lang sana kung hindi sila miyembro ng Camarilla.
Dapat si Akeldama ang pumipigil sa mga ito, eh kaso naka focus siya sa mga mundo ng tao pati na rin sa biglaang pag wala ni Zero. Kahit binansagan kami ng City of Disguised, hindi rin namin alam kung sino ba talaga ang kumuha kay zero. Dahil saksi rin kami sa biglaang pag wala niya sa gitna ng labanan.
Malapit na kami sa Evans pero habang papalapit kami lungsod ng Evans. May napansin kaming mga chopper na siyang nauna sa amin pumunta doon. Mukang dumating na rin ang mga taga BS saktong sakto pagkaka dating nila dahil malapit na rin maubos ang mga lobo ko dahil sa kakaibang lakas na meron ang mga Brujah.
Kung bako bakong daan ang naririnig namin kanina, ngayon ay tunog na mga putok na baril na galing sa chopper ang naririnig namin. Ganun na rin ang mga bombang inihuhulog nito. Pero ilang segundo lang ang itinagal nito, sa tingin ko nag uwian na ang mga Brujah. Matatakutin pala mga to' kung sabagay wala silang iniisip kundi ang kanilang mga sarili lamang.
"Nazar! Sigurado ka ba sa pinaplano mo? Pagkaka alam ng mga tao ay isa lamang tayo mga lobo"
"Oo naman, tsaka para saan pa para mag tago? Akeldama needs our help and no one has a responsibility to help them. except those people outside of this 2 villages"
"Inaalala ko lang kasi yung kundisyon natin nazar, kasi sa itsura pa lang natin at sa pamumuhay natin. Baka tayo pa yung pagkamalan na kalaban ng mga tao at bampira"
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
Про вампировAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction Heaven and hell have c...