Droplets of Blood XV

766 18 0
                                    

🕇DOB XV | Lost Spirit of Toreador🕇

Akeldama Point of View

Si Elizabeth nasa loob? Bakit nasa loob siya? Akala ko ba kasama niya si Zero.

"Bakit nasa loob si Elizabeth?"

"Hindi ko po alam, pero nakita ko po si Elizabeth puro sugat ang katawan" Saad ni Sandro

"Ano? Sumugod na kayo at hanapin si Eliza! Baka kasama niya si Zero!"

"Masusunod po Miss!" Sagot ng mga DG ko

Kailangan naming mahanap ka agad si Zero. Dahil importante siya sa akin, hindi lang sa akin pati na rin sa amin. at tsaka hindi pa niya nagagawa yung mga pinapagawa ko sakanya.

Saan ka ba kasi nag suot Zero! Pinag aalala mo ako. Gustong gusto na kita makita. Kinakabahan ako at natatakot baka mapaano ka

Pati si Elizabeth ko napahamak dahil sa kaguluhang sinimulan ng mga Vampire hunters. Dahil sakanila nag labasan ang mga angkan ng camarilla. Ang pinag tataka ko lang, bakit gusto nilang patayin si Zero? ano ba meron kay Zero?

"Pabalikin mo mga Kampon mo! Kundi puputulan ko to ng ulo!"

Nabigla ako sa nag salita at napalingon ako sa likuran ko na kung nasan sila Louie at Alex.

Pag tingin ko, may isang bampirang lalake ang may hawak hawak na kutsilyo. Naka tutok ito sa leeg ni Louie.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng kagubatan siya ng galing. Yung katawan kasi niya puro pasa at sugat, hindi ko alam kung nakipag away ba siya sa mga bampirang nakikipag laban sa mga vampire hunters o nakipag laban siya sa mga vampire hunters.

"Kumalma ka lang, hindi ko pasusugurin mga kampon ko kung hindi sila inatake. Tsaka sino ba kayo? Bakit niyo kasama si Elizabeth?"

Tinignan niya lang ako ng masama sabay tinignan niya yung simbolo ng toreador na naka tatak sa leeg ko.

Pagkatapos naman niya tignan yung simbolo na naka tatak sa leeg ko. Dahan dahan niyang ibinaba yung kutsilyo na dala niya

"Kayo pala ang mga bago henerasyon ng Toreador. Ikinagagala namin makilala kayo. Lalo kana Miss" ani niya sabay itinaas niya yung damit niya. Sa pag taas ng damit niya, nakita namin ang simbolo ng Toreador ngunit iba ang kulay neto

Toreador siya pero bakit iba ang kulay ng simbolo ng toreador na naka ukit sa tiyan niya? Kalaban ba siya or what? Sino ba talaga sila

"Hoy loko! Isa ka palang Toreador bakit mo kami ginaganito!" Sambit ni Alex

"Paunmanhin sa inyo, isa nga kaming Toreador pero mag kaiba ang henerasyon naming dalawa" ani nung lalakeng bampira na kanina pa naka kunot ang kilay

"Ano ibig mong sabihin?"

"Sa loob na tayong mag usap lahat Miss"

"Sige"

Di na kami nag paligoy ligoy pa, kami ay sumunod sakanya papasok sa loob ng lumang manor na kung saan nag lalabanan ang mga DG ko. Kalaban nila ang isa sa kasamahan nila. Pero bago pa man kami maka akyat sa taas na kung saan sila nag lalabanan. Tumigil na ang labanan nila sa pagitan ng mga DG ko at sa kasamahan ng bampirang kasama namin.

"Miss! Sinabi ni Elizabeth ang lahat sa amin. Pasensiya na po kung nag simula kami ng gulo" saad ni Orpheus

"Tama si Orpheus, Miss nandito rin pala si Zero"

Mabuti naman kung ganon, hindi na ako mahihirapan pa na hanapin siya. Gustong gusto ko na siya makita kung ok lang ba siya or what. Nag aalala na ako sakanya lalo na't nag kakagulo ang lahat sa labas. Lahat sila hinahanap si Zero

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon