DOB XXIII / Baron's First Attack
Unknown Point of View
Oras na para lumabas ako ngayon sa mansyon. Oras na para ipakita sa buong mundo kung sino ba talaga ang karapat dapat na maging diyos ng lahat ng tao at bampira.
Matagal tagal na rin akong nag hintay sa kanilang lahat na pumunta dito sa mundo ng mga tao.
Ang pag hila sakanilang lahat dito, ang isa sa mga dapat kong gawin para mapatunayan sa kanila na ako dapat ang maging diyos nila. Hindi si Zero na isang lampa at walang silbi sa mundo!
Kung kaya nilang patayin si Zero, pwes! Ako hindi nila makakaya dahil isa lang silang sagabal sa mga gusto ko!
Ang pagiging diyos nilang lahat ang susi sa mga gusto ko sa buhay. Katulad na lang ng pag buhay ng mga minamahal ko sa buhay.
Ang ibig kong sabihin ay gusto kong buhayin ang mag ina kong pinatay ni Baron Fang! Walang puso niyang pinatay ang buong pamilya ko dahil lang sa pag ayaw namin na sa gusto ni Baron.
Gusto ni Baron na mag tayo ng isang di kilalang grupo ng mga bampira sa gitna ng kagubatan na pinag mamay-ari ng aking ama.
Lahat ng uri ng bampira dito sa mundo ng mga tao ay pinag babawalan na mag tayo ng kung ano man doon sa loob ng kagubatan.
Dahil ang kagubatan na yun ay pag ma may-ari namin. Wala silang karapatan na mag tayo ng manor doon o mansyon.
'Camarilla' palihim itong ibinuo ni Baron sa likod ng mga nanahimik na bampira dito sa mundo. Ibinuo niya dito dahil gusto niya ipagsama ang lahat ng malalakas na bampira sa buong mundo at pagkatapos non rerespetuhin na sila ng lahat ng bampira.
Matapos niyang makuha ang Blood Forest ito ay kanyang ipinag alam sa buong angkan ng bampira. Ipinag alam niya at ipinag yabang na sila na ang pinaka malakas sa buong mundo
Pero doon siya nag kakamali, hindi niya alam na may makakalaban pa siyang iba.
Si Baron ay isang matangkad na pure blooded vampire. Lumaki siya sa isang kilalang Vampire clan noong panahon ng mga bampira. At dahil hindi namamatay ang mga bampira, nabuhay si Baron ng ilang taon. Kahit ngayon, simula dumami na ang mga tao dito sa mundo at hindi na kilala ang mga bampira. Buhay parin siya
Hindi niya matanggap tanggap na talagang wala na ang mga bampira sa tabi ng mga tao. Kaya naisipan niyang buhayin ulit ang mga bampira noong sinaunang panahon.
Ang mga bampirang binuhay niya ay may mga pinag bago, di tulad noon na masyado pa silang mga mahihina pero ngayon hindi na. Lahat sila ay mga baliw na bampira at hayok na hayok sa mga dugo ng tao.
Kaya eto ako ngayon! Hinihintay ko na talaga ang panahon na ito. Ang panahon na lumabas ang mga kampon ni Baron! Gusto ko silang Durugin at Tirisin na parang mga peste sa ating bahay. Gusto ko iparamdam sakanilang lahat ang mga dinanas ng mga magulang ko noong sila ay pinatay at pinahirapan.
Kahit si Zero ang naitakdang diyos ng lahat, kaya ko itong baliktarin at gawing ako ang diyos ng lahat. Masyado pang bata si Zero, para maging diyos ng lahat. At wala pa siyang gaanong alam tungkol sa aming lahat. Masasayang lang ang buhay niya pag siya ay naging diyos.
Buhay, kaluluwa, puso at isipan ng isang tao ang kapalit pag ikaw ay isang ganap na bampira o diyos ng mga bampira. Lahat ng iyan ay mawawala sayo at pag yan ay nawala na, hindi mo na ito makukuha pa ulit. Yan ang kabayaran sa lahat ng pinili mong kasamaan dito sa mundong ibabaw
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampirAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction Heaven and hell have c...