DOB V / Strange feelings
Zero Point of View
Ang tanga tanga mo Zero! Bakit ka nag pa linlang sa mga bampira! Isa sa mga patibong ng bampira yan ang bilugin ang mga tao.
Binalot ng katahimikan ang silid ni Akeldama matapos siyang mag pasalamat sa akin sa pag tanggap ko nang ipinapagawa niya sa akin. Imbis na mag saya sila dahil tinanggap ko yung pinagawa ni Akeldama. Hindi eh mga mukang walang gaanong ka expression ang bumungad sa amin.
Sabagay mga bampira sila. Hindi uso sakanila ang maging masaya. Gustuhin man naming hindi sundin si Akeldama sa pinapagawa niya sa amin. Sa tingin ko mahihirapan kami kung hindi namin siya susundi. Mahihirapan kaming maka alis dto.
Hindi parin mawala sa aming tatlo ang pag ka takot sakanila at ang pag ka trauma. Dahil dun sa ginawa ng kasintahan ni Akeldama kina kuya Louie at kuya Alex. Kutob ko hindi lang to ang mararanasan namin. Marami pa, marami pa kaming malalaman at mapupulot tungkol sa clan nila.
*knock knock* *knock knock*
Sa katahimikang nangyayari sa silid ni Akeldama may biglang kumatok sa silid niya. Dalawang katok sa pinto ang narinig namin sa silid ni Akeldama. Dahilan naman para buksan ni Narkissa ito at para tignan narin kung sino ito.
Nang makita niya kung sino yung kumakatok sa pinto. Agad naman siyang pumunta sa harap namin at pumagitna siya.
"Miss, hinahanap kayo ng mga tauhan ni Panginoong Emilio."
"Papasukin sila."
Pumasok naman ang mga tauhan ni Emilio nung pinapasok sila ni Akeldama. Mga naka itim na hood ang mga suot nila at halos hindi mo na makita ang muka nila dahil sa haba ng hood na suot nila.
Bat kaya hindi na lang sila gumamit nung sinasabi nilang Disciplines para pumasok dito. Nag effort pa talaga silang kumatok o dumaan sa pinto. Eh kung may kapangyarihan naman siguro.
"Tanging mga matataas lamang ang may mga ganung kapangyarihan zero. Ang mga tulad nila na isang tauhan o utusan lang ay walang gaanong kapangyarihan. Pero may kakayahan silang lumaban."
Mga salitang pumasok sa kokote ko kahit wala naman akong kinakausap. Teka sino ba yun!? Bat may biglang nag salita sa isip ko.
"Ako ito Zero, Si Orpheus. May kakaiba rin akong kakayahan. Kaya ko mag basa nang mga isip ng tao."
Sa sinabi nung nag sasalita sa kokote ko. Nilibot ko mga mata ko sa silid para hanapin si Orpheus. Nang makita ko siya, inilagay niya ang hintuturo niya sa ilong niya. Na para bang may pinapahiwatig siyang wag daw ako maingay.
"Anong kailangan niyo?"
Katanungan ni Akeldama na sumalubong sa dalawang tauhan ni Emilio.
"Miss, pinapatawag na kayo ni Panginoon sa ibaba. Kailangan mo na daw bumaba."
Dahil sa sinabi nang mga tauhan ni Emilio biglang kumunot ang mga kilay ni Akeldama
"Pambihira! Hindi ba siya makapag hintay. Matapos niyang paglaruan mga bisita ko."
"Pag hindi ka pa daw bumaba. Babalik daw siya dito para paglaruan ulit ang mga taong bisita mo. Sige Miss aalis na kami."
Tinayuan ako ng balahibo sa huling pahabol na sinabi ng tauhan ni Emilio. Ano sabi niya? Babalikan daw niya kami.
"KUNG magagawa pa niya. Yun na ang huling pakikipag laro niya sa mga bisita ko."
Bulong ni Akeldama sa mga tauhan ni Emilio.

BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampirAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...