Droplets of Blood XII

775 11 0
                                    

DOB XII | LOST VOICE

Zero Point of View

"Hindi ko na kaya!"
"Tulungan mo ako"
"Tulungan mo ako maka alis sa mga halimaw na ito"
"Tulungan mo ako nag mamakaawa po ako sa inyo"

Boses ng isang babaeng na ngangailangan ng tulong, ang gumugulo ngayon sa panaginip ko. Nakikita ko siya sa panaginip ko pero hindi ko siya makilala. Nakakulong siya sa isang rehas na puro kalawang. Ang mga pader naman nito ay puro dugo at lumot. Isang mabahong rehas na kung saan may kalansay pa naka kadena

"Tulungan mo ako! May mga dapat kang malaman sa ak---" naputol ang pag sasalita niya ng may pumalo sakanya ng baseball bat sa harapan niya

"WAG!!!" Sigaw ko sa kwarto dahilan naman ng pagkaka balikwas ko sa kama.

Bakas sa mukha ko ang pagkatakot at ang pang hihihina ng katawan ko. Hiningal ako dahil sa panaginip ko. Buong katawan ko naman pinag pawisan

"Anong problema?" Takang Tanong ni Astrid sakin

"Bakit napa sigaw ka?" Tanong ni Elizabeth

Hindi ko sila sinagot, nang laki lang mga mata ko at napa hawak sa mukha ko. Putangina ano yung napanaginipan ko. Sino yung babae na yun. Bakit siya naka kulong at sino rin yung mga taong kasama niya.

Nanginginig buong katawan ko dahil sa napanaginipan ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko parang gusto ko siya pakawalan at kausapin pero paano ko siya kakausapin! Hindi ko alam kung saan siya naka kulong.

Napalingon na lang ako sa tabi ko ng may humawak sa damit ko. Pag lingon ko si Akeldama pala katabi ko. Bakit siya nandito? Bakit siya katabi ko at nasaan sila kuya? Agad ko naman hinawakan leeg ko baka kasi kinagat ako.

"Hoy! Kanina ka pa kinakausap nila ano problema? Bakit na ngangatog ka sa takot?" Sambit sakin ni Sandro

"Pasensiya na kung ganon! Pero may kulungan ba dito?"

"Wala bakit?" Tugon ni Sandro

Tssk! Nag sisinungaling pa! Alam kong may kulungan dito. Kulungan ng mga taong kinakagat nila hindi lang nila sinasabi sa amin.

"Wala kung ayaw niyo sabihin ako mag hahanap!" Sigaw ko sakanila sabay inalis ko kamay ni Akeldama ns naka kapit sa damit ko

May sinasabi sila sa akin, pero hindi ko ito pinapansin. Pinapansin ko lang yung panaginip ko na nag to throwback sa isipan ko ngayon. Na aawa ako doon sa mga taong naka kulong doon gusto ko silang pakawalan. Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at bago ko pa man buksan ang pinto ng kwarto ni Miss. Bigla siyang nag salita

"Wag mo na siyang puntahan pa! Kahit puntahan mo pa siya wala kang lakas para kalabanin ang mga nag babantay doon" sambit nito nung bumangon na at umupo sa kinahihigaan niya

Hindi ako nag padala sa mga sinabi ni Miss. Tinuloy ko parin ang kagustuhan ko na puntahan yung babaeng na nganga ilangan ng tulong namin. Malakas loob ko kasi may araw ngayon at tiyak na walang gaanong bampira sa labas.

Ang tanong saan ko ba hahanapin yung mga naka kulong at kung nasaan ba sila. Naka baba na ako sa 2nd floor, ito ako ngayon hinahanap ang daanan papuntang kulungan na kung nasaan sila naka kulong. Hindi ako patatahimikin ng pag iisip ko kung hahayaan ko lang ang mga taong nag mamakaawa sa amin.

"Zero!! Ano ba! Wala ka bang takot sa sarili?" Bulyaw sakin ni Miss sa likuran ko. Dahilan naman ng pag tigil ko sa pag lalakad

"Paano ako matatakot? Eh nasanay na ako sa inyo!"

"Nasanay? Paano pag namatay ka?"

"Akeldama ang makakapatay lang sakin ay ang sarili ko hindi kayo!" Tugon ko sa mga sinabi ni akeldama

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon