DOB II / Toreador's Manor
Zero Point of View
"Tara na kaya mag Almusal!"
Pag aayaya ni Xena nung biglang tumahimik sa kwarto dahilan nung bagay na bumagsak sa itaas.
"Papaano sila? Iiwanan na lang natin mga kasama ko?"
"Oo, hindi naman yan mawawala mga yan. Kaya tayo."
"Tama si Xena, tayo na samahan mo kaming mag almusal. Para naman makapag kwentuhan tayong tatlo."
Sambit ni tatang nung binuksan na niya ang pinto ng kwarto.
"Sige na nga"
Pagpayag ko, sabay lumabas na kami ng kwarto ni Xena. Papuntang kusina nila.
Grabe ang laki pala ng manor na to hindi pa ako naka kita ng ganitong ka antique na bahay. Tapos ang gaganda pa ng mga display na vase. Hindi ko mapigilan sarili ko na hindi umikot para tignan ang paligid ng manor.
Pero hindi lang magagandang vase o gamit ang makikita mo dito. May mga kakaibang gamit dito sa manor na may naka tatak ng isang simbolo. Hindi ko alam kung anong klaseng simbolo mga to pero pag tinignan mo silang lahat mag kakaparehas sila.
Nacucurious tuloy ako kung bakit may mga ganun simbolo. Baka naman sa pinag bilhan nila ng gamit ewan ko ba bahala na. Maiba ko naman hindi lang mga bagay na may nakaukit na simbolo ang makikita mo dito kundi pati narin ang mga kakaibang statue at tsaka pintura. Makikita mo itong mga statue na to sa kada corner ng manor na madadaanan mo.
Yung mga pintura naman nila mag kakaisa lang puro red and black. Teka, pati pala yung kulay ng pader ng manor red and black na. Sa tuwing tumitingin tuloy akon sa paligid hindi ko maiwasang tayuan ng balahibo pambihira. Pano ba naman lahat ng makikita mo itim. Para kang nasa hunted house.
"Xena bakit parehas parehas kulay ng mga gamit dito? Pati na rin kulay ng mga pader. Halos lahat red and black ang kulay."
Pabulong ko na tanong kay Xena nung lumapit ako. Nag lalakad kasi kami papuntang kusina, kaming tatlo nila tatang. Eh nasa pinaka likod ako edi lumapit ako para mag tanong.
"Ahh, pina sadya daw yan nung unang una naka tira dito. Kahit nga ako na kucurious rin. Pero yan ang sabi ng mama ni Miss nung bago pa ako dito."
"Siguro favorite color niya is Red and Black."
"Siguro nga. Hayaan mo na, hindi ko na nga pinapansin mga kakaibang bagay dito. Kasi sa tuwing pinapansin ko mga ito. Kinikilabutan ako na ewan. Para bang may nag sasabi sa akin na wag kong tignan mga ito."
Dahil sa sinabi ni Xena. Hindi na ako nag tanong pa tungkol sa mga naka display dito sa manor at baka pag nag tanong pa ako eh pagalitan pa kami ng mga nakatira dito. Speaking of nakatira.
Hindi ko pa nakikita yung totoong nag mamay ari nitong bahay nato kahit man lang yung babae na sinasabi nila hindi ko pa nakikita. Simula nung nagising ako.
Makakausap kaya namin siya? Pag nagising yung dalaw? Sana kausapin niya kami kahit makita lang namin siya ok na. Tutal yung manor at yung babae lang naman ang pinuntahan namin. Uuwi rin kami pagkatapos namin kausapin yung babae.
Sa pag lalakad namin biglang napa tigil sila tatang at xena sa harap ng isang malaking pinto. Saka naman ito binuksan ni Xena.
Nung pag kabukas ni Xena. Nang laki mga mata ko dahil sa nakita ko. Yung dining room nila ang laki tapos lamesa nila ang haba tingin ko kahit benteng tao ang kumain dito magkakasiya ang lahat. Dahil sa lawak at haba nito.
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampireAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction #1 Manor Heaven and he...