DOB XXV / This is the end
Sebastian Point of View
Nabali ang paningin namin lahat sa sinabi ni Esfer.
"Sino sila?" Saad ko
"Panginoo--" Naudlot pananalita ni Esfer nang biglang mag salita si Callidora
"Seb! Hindi ako natutuwa sa naamoy ko ngayon!" Huh!? Ano sinasabi niya bakit bigla siyang tumakbo?
"Callid teka!" Pag pigil ko sakanya, ngunit hindi niya ata ako narinig.
"Esfer! Sino ba talaga ang mga bisita natin?"
"Panginoon, ang mga bisita po natin ay ang mga bampirang lobong sugatan. Sila po ay mga lobo ng Toreador. Lahat sila malapit ng mamatay sa---" naudlot ulit ang pananalita ni Esfer ng biglang sumigaw si Callidora kasabay ng pag sigaw niya ang pag wawala niya sa ibaba gamit kapangyarihan niya
"Hindi pwede!!"
"Hindi!!"
"Hindiiiiii!!"
"Gioooo Mahaaaall bakiiiit!!" Mga sigaw na narinig namin sa ibaba. Dahilan naman ng pag mamadali namin bumaba. Dahil sa pag sigaw ni Callidora, pati si Alice ay sumama na rin sa akin para alamin kung ano ba talaga ang nangyayari.
Hindi pa kami nakaka baba mula sa hagdan. Nakita nanamin ang mga bampirang lobong sugatan, nakapila ito sa harapan ni Callidora na siyang kanina pa yatang umiiyak. Naka luhod ito sa mga lobong sugatan.
"Callidora!! Kumalma ka! Wag mong sayangin kapangyarihan mo!"
Hindi kami makalapit dahil, may naka palibot sakanya na isang malakas na hangin. Isang malakas na hangin na may kayang pumatay ng maraming tao o bampira pag siya ay tinamaan nito.
"Seb anong nangyayari?" Bungad na tanong ni Alice
"Mga lobo! Ano ba ang nangyayari" tanong ko sa mga lobong nakikipag laban sa kapangyarihan ni Callidora
"Panginoon Sebastian, si Panginoong Gio ay Patay na"
"Ano!" Pagka gulat ni Alice
Hindi ako makapaniwala! Isang napaka taas na bampira, napatumba nila Baron ng basta basta? Iba na ang ibig sabihin nito.
Pag natalo si Ambrogio at namatay. Lahat ng miyembro ng Toreador ay manghihina at unti unting mamatay dahil sa pagkamatay ng bampirang bumuo sa angkan nila. At kapag ito ay nangyari, wala na katapusan na ng mundo!
Pag nanghina ang buong angkan ng Toreador. Wala nang kahirap hirap nilang papatayin si Zero dahil wala nang mag tatanggol sakanya.
"Callidora!!" Bulyaw ni Alice na siyang ikinagulat ko dahil sa biglaang pag suka ng dugo ni Callidora.
Dahil sa tagal ng nabubuhay sa mundo si Alice. Walang takot niyang pinasok ang nakakamatay na hangin na naka palibot sa paligid ni Callidor.
Hinawi lang ni Alice ito nang walang nangyari. Hinawi niya ito ng dalawang kamay saka siya pumasok sa loob para yakapin at pakalmahin si Callidora.
Ang mga bampirang lobo naman na sugatan ay tuluyan na nag laho na parang isang abo. Tuluyan na silang namatay dahil wala na si Ambrogio. Habang si Callidora naman ay nanghihina na at unti unti ng nawawala ang nakakamatay na hangin na naka palibot sakanya.
"Callidora kumalma ka lang, tumigil kana sa kakaiyak. May isa pa tayong pag asa. Yun ay si Zero"
"Callidora tama si Alice. Mag tiwala na lang tayo kay Zero" saad ko
BINABASA MO ANG
Droplets Of Blood 2018
VampirAlrights Reserved Completed Date Started: July 2018 Date Finished: January 2019 2 STORY IN 1 BOOK ! [BOOK 1 DONE] [BOOK 2 DONE] TAGALOG VAMPIRE STORY #1 Tagalog Vampire Clan Story #15 Dramatical Murder #7 Filipino Teen Fiction Heaven and hell have c...