Droplets of Blood XVI

825 22 0
                                    

🕇DOB XVI / Blood Moon🕇

Ambrogio Point of View

Giyera, isa sa hinding hindi ko uurungan kahit sing dami pa sila ng langgam hindi ko sila tatakbuhan. Hindi ako natatakot mamatay, hindi ako natatakot kung maraming mamatay sa amin at higit sa lahat hindi ako takot kung ano man sabihin ng lahat sa amin.

Hanggang nabubuhay ako, hindi matatalo ang buong angkan ng Toreador! Kung si Red ay natakot dahil sa kanila, pwes! Ako hindi wala akong kinakatakutan kahit nasa puder pa ng Nosferatu ang nanay ko. Mas pipiliin ko pa ang mga pamilya ko at ang mga bampirang nabubuhay sa likod ng mga pader ng Toreador!

Hindi ko sasayangin ang pagkaka upo ko bilang pangalawang Diyos ng mga Toreador!

Apat laban sa isa ang nangyayari ngayon. Wala kaming gaanong kakampi o kampon para isabak sa labanan. Pero alam naming lahat na, nasa likod lang ang mga Vampire's Hunter. Nandito sila dahil nalaman nilang nandito si Zero. Akalain mo yun, sa haba ng panahon buhay pa pala sila Leo at Venus. Matapos nilang ipatira si Zero sa mundo ng mga tao

Pero kahit ganun man ang nangyari, hindi ako nagagalit o galit sa mga naging disisyon ng dalawa. Dahil wala akong karapatan na mag bigay utos o hatulan sila dahil sa ginawa nila. Nirerespeto at nag papasalamat ako sa kanila dahil sila ang bumuhay kay Zero. Kung wala sila, hindi mabubuhay si Zero ang totoong Diyos namin.

Pag nagising na si Zero sa pagiging taong bampira niya. Ako ay magiging kanan kamay niya at ang anak naman namin ni Callidora na si Akeldama ang magiging asawa niya.

"Hindi ako mag sasayang dugo para lang sa walang ka kwenta kwentang laban! Yan ang ipasok niyo sa sintido niyong inuuod mga Nosferatu!"

"Sumuko kana kasi Ambrogio! Wala kanang mga gaanong tauhan! Lahat sila namatay sa mga kamay ng mga miyembro ng Camarilla! Mahiya ka sa sarili mo Ambrogio dahil idinala mo pa dito yung taong bampira na dapat noon pa namin pinatay! Si Zero ang tinutukoy namin!"

"Kayo ang mahiya! Dahil kinakalaban niyo ang Diyos nating lahat! wala akong dapat ikasuko dahil walang mali sa ginagawa ko! Kayo ang may mali!"

"Wag kanang mag paliwag pa Ambrogio! Sugurin siyaaa at patayin lahat ng Toreador!!" Sigaw ng isa sa mga leader ng Nosferatu

Isang malakas na pwersa nanaman ang umatake sa paligid ng Manor namin. Pero kahit gaano pa ito kalakas, hindi mag papatibag ang mga tauhan ko. Yun ay dahil naniniwala sila kay Zero na mababago niya ang lahat.

Parang dinaanan ng buhawi ang labas ng Manor namin dahil sa dami ng nasira na mga gamit at pananim. Pati na rin ang mga gilid ng Manor namin na tila akala mo binaril ng baril yun pala pinag babato lang ito ng malalaking bato.

*Boooooom!*
*Hand Gun Shoot*
*Boooom!!*
*Rifle Shoot*
*Blagggg!*
*Whistle Bomb*
*Booooomm!*

"Takbo mga kupal!! Hahaha! Saan kayo pupunta!"

"Panginoon, nandito na po ang mga Vampire hunter's hindi paba kayo tatakbo?" Saad ng isa sa mga tauhan ko

"Bakit ako tatakbo eh nasa gitna tayo ng Giyera laban sa mga bampirang walang alam. Hayaan niyo sila ang umubos sa apat na mga kupal"

"Masusunod po" huling saad ng tauhan ko bago siya bumalik sa war zone

Bomba sa bomba, kutsilyo sa kutsilyo, kamao sa kamao at lakas sa lakas. Ang ginagamit ngayon ng mga bampirang sumusugod sa amin pati na rin ang mga vampire hunters. Ang mga vampire hunters ang nag pauso ng mga pang pa sabog at mga baril. Kasunod non ginaya naman ng mga miyebro ng camarilla ang mga Vampire hunters. Nag imbento rin sila ng mga baril at ang pasabog.

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon