A/N: I need book cover guys🥺 may kakilala ba kayo?
—
Miguel's Pov
"Mahal na hari, ang sunod-sunod na pagsabog sa iba't ibang kaharian ay kagagawan ng mga DarkLand. Nag-uumpisa muli silang sumalakay at ang kanilang puntirya ngayon ay ang malalakas na mga kaharian." Saad ng tagapag-mensahe.
"Doblehin ang seguridad sa mga ibang kaharian. Ipagbigay alam niyo 'yan sakanila." Tangi kong sambit sakanya na agad niyang sinunod. Lumabas na ito ng aking silid at ininom ang laman ng kopita.
Ilang buwan na ang nakalipas at ang napakalaki ng pagbabago. Mas lalong lumakas ang kapangyarihan ko, ang mga mata ay mas tumingkad ang kulay. Naitalaga na rin ako bilang isang hari ng buong WhiteLand Kingdom. Sa araw na dapat iyon ay masaya ako dahil ako na ang hari ngunit iba ang nararamdaman ko ng panahon na 'yun.
Lungkot, galit at pangungulila. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang mag kulang sa akin na hindi ko maipaliwanag. Dahil ba sa sinabi ng mga magulang ko? Natatandaan ko pa ang bawat detalye na iyon at hinding-hindi ko makakalimutan.
...flashback...
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa palasyo. Wala akong matandaan kundi ang pagkawala ko ng malay sa Mt. Kampo kung saan may malakas na enerhiya akong naramdaman at bumalot sa aking katawan.
Gumising na lang ako na nasa silid na ako at naguusap sina mom at dad. Nung una hindi ko alam ang gagawin ko. Kusang pumatak ang mga luha sa mga mata nang marinig ko iyon.
"Buhay ang kambal, mahal." Nanghihina na sambit ni mom kay dad.
Alam ko na buhay sila pero hindi ko sila kilala. Hindi ko kilala ang mga kapatid ko. Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin.
"Hindi ako nagkakamali nun. Ang magpinsan na iyon ay ang nawawalan nating anak." Masayang sambit ni dad na ikinagulat ko.
Paano? Hindi ko alam kung paano pero isa lang ang naiintidihan ko. Sina Ash at Sky, ang trinaydor namin ay ang mga kapatid ko. Sila ang nawawala kong kapatid. How I am dumb for not noticing it?! I am so fucking stupid! Wala akong kwentang kapatid! Wala akong kwentang kuya! Hindi ko sila nagawang protektahan. Wala man lang akong nagawa para sakanilang dalawa. Pagta-traydor lang ang nagawa naming mali sakanilang dalawa.
...flashback ends...
Labis akong nagsisisi. Sana noon pa lang nagawa ko na hanapin sila, sana nandito sila sa piling namin. Nandito sana sila na kasama namin. Alam kong nangungulila sila pero wala man lang akong nagawang tama para sa kanila.
Ang pagprotekta lang ay hindi ko pa nagawa. Isa akong walang kwentang kapatid.
Kaya simula nung umupo ako sa trono ay ginawa ko ang lahat para hanapin sila. Alamin kung nasaan sila nakatira ngayon dahil bigla na lamang sila nawala na parang bula. Ginawa ko ang lahat na hanapin kahit saang lupalop pa ng mundo sila pero...wala.
No signs of them. Even single trail, wala.
"Mahal na hari, umiiyak na naman po kayo."
Napapahid na lang ako ng luha sa pisngi. Hindi ko na rin pala namalayan na umiiyak na naman ako. Ang saklap nga naman ng buhay, oh!
"Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti siya sa akin at parang isang ngiti lang ay nawala na lahat ng sakit at pangungilala na nadarama ko.
"Nandito po ako para ipagbigay alam sainyo na may bisita kayo. Hinihintay po kayo sa silid-aklatan," sabi nito at bago naglakad palabas ay humarap muli ito sa akin. "Isa pa pala, mahal na hari. Ang pangit niyo talagang umiyak. Tsk, tsk, bawas pogi points 'yan sa kababaihan." At tuluyan na siyang lumabas sa aking silid.
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...