Skylar's Pov
"Mom, are you really sure about that?"
Hindi ako sigurado kung ilang beses na niyang tinanong 'yan kila mama at papa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses. I think 20? Yeah, I guess.
Umirap naman sa kawalan si mama at kulang na lang ay kutungan niya si Miguel sa pagiging makulit nito.
"Hep hep! Bago ka magratatatattat mom, tanungin mo kaya muna ang kambal?" Pagpigil nito kay mama na magsalita.
Gamit ang daliri ko ay nilinisan ko ang tainga ko pagkatapos ay tiningnan ko kung may dumi. Nang makita na may duming nakuha ay pinitik ko 'yun. Sakto namang napunta sa nakangangang bunganga ni Jessica kaya napatakip na lang ako ng bibig. Sakto namang sinarado niya ito kaya lihim akong napangiwi.
Eww. Hindi ba niya naramdaman na na-shoot ang dumi ng tainga ko sa bibig niya? So gross. Kababaeng tao hindi man lang naramdaman. Ang manhid naman ng kapatid kong 'to.
"Hey Sky! Are you listening?"
Napatingin naman ako kay Miguel na nakakunot ang noo. What? Did he say anything?
"May sinasabi ka ba?" Inosenteng tanong ko dito kaya napailing na lang siya.
If he's thinking kung paano niya ako naging kapatid, isa lang ang masasabi ko. Ang ganda ko. Hindi na 'yun nakakapagtaka dahil 'yun ang totoo.
"He's saying kung okay lang daw ba sainyo na ipakilala sa mundo natin? Mukhang hindi pa daw kasi kayo handa." Sabi ni mama upang matawa naman ako.
"Are you kidding me, Miguel? Kami hindi handa? Sa lakas ba ng confidence namin na humarap sa madla sasabihan mo kaming hindi pa handa? Marami na kaming napagdaanan na ganyan. Easy pissie, dude." Tapos sinabayan ko pa ng ngiti.
I know I may sounds crazy but that's the truth. Napakilala na nga kami sa England nung niligtas namin ang Reyna doon tapos hindi pa handa? It's just a piece of cake fellas.
I started to eat grapes, chomp it like a bubble gum, feel it with my tounge and lunok it with full force.
"Oh, whatever Sky. Wala ka talagang kwentang kausap." Anito pero hindi ko na lang pinansin.
Wala naman ng patutunguhan ang pag-uusap naming ito. Napatingin ako sa bowl at nakitang wala na itong laman. Ano ba 'yan kulang. Parang gusto ko pa. Gusto ko nang...
"What the hell is that smell?!" Reklamo ko dahil pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko.
Napahawak ako dito at maging sa bibig ko. Tinakpan ko pa ang ilong ko dahil sa sobrang pangit ng amoy. Hindi ko ma-explain basta ang pangit. Ayoko ng amoy.
"Garlic sis. Bawang sa tagalog." Sabi ni Jess na ikinairap ko sakanya.
"Bwuukk!"
Nakagat ko naman ang labi ko dahil para akong masusuka na ewan. Dali akong nagtungo sa isang cr na malapit dito at doon ko nilabas ang mga masasamang pagkain. But to my surprise, walang mga pagkain. Parang tubig lang ang nilabas ko. I know I'm being weird sometimes but I almost being weird these past few days.
Feeling ko palagi akong pagod at walang gana. Walang gustong gawin sa buhay. Tapos kumakain ako ng mga weird na pagkain. I'm not into that kind of food. Parang mga exotic ang kinakain ko. And at night, I'm craving for some foods. I'm not the usual me sa totoo lang.
And hindi pa ako nadadatnan ng monthly period ko. It supposed to be last week pero wala. Napatingin ako sa salamin at ilang segundong nakatulala. Hanggang sa maproseso ng utak ko.
OH MY GOD!
"Don't tell me..."
Napatingin ako sa tyan ko at napahawak ako dito. Hindi naman kaya imagination ko lang? But I'm weird. Tsaka ganito ang mga nababasa ko sa article noon nung nasa mundo pa kami ng mga tao.
"Sky! Are you okay?!"
Napatingin ako sa pintuan kung saan rinig ko ang malakas na boses ni Jess habang kinakatok ito. Napabitaw ako sa hawak ko sa tyan. I composed myself at binuksan ito.
"Yes, I'm okay. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Babalik lang ako sa kwarto ko." Sabi ko sakanya na ikina-kunot ng noo nito.
"O-okay."
Nilagpasan ko na siya hanggang sa nakarating ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama habang iniisip lahat ng mga nangyayari sa akin. Imposible kaya? Yes, we did it but I lend him some protection. Sigurado ako doon. Nakita ko pa ngang sinuot niya 'yun eh. Hindi naman ako namamalikmata nung mga oras na 'yun. Imposibleng butas 'yun. Tss.
Did I forgot some memories? Imposible din. Kung tinanggal niya ang protection baka nga. Napahawak ako sa tyan ko. Hindi naman ako pwedeng nagkamali. Kakaiba ang nararamdaman ko. Should I ask him if he remove it and tell him? Siguro para malaman niya. Ang tanong sure ba ako?
"Buntis ka Ate."
Napabangon ako ng wala sa oras nang marinig ko ang boses niya. Nakita ko naman siya na nasa tapat ng pinto ng kwarto ko.
"Ano ka ba naman Rian. Ginugulat mo ako eh." Nakangusong saad ko pero ngumiti lang siya at lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang tyan upang mapabilis ang tibok ng puso ko.
"Buntis ka at ang Hari ng DarkLand ang ama." Napangiti ako. Ibang klase talaga.
"How sure you are?" I asked her.
"Ate naman!" I laughed when she pouted at me.
"I was just kidding. But how did you know?" Pinaupo ko naman siya sa tabi ko.
"Ate may mga bagay lang talaga na hindi natin inaasahang mangyari. I could feel it." Napatitig ako sakanya. Saan naman niya nakuha ang mga bagay na 'yun? Tsk, tsk, tsk. Sa susunod hindi ko siya ilalapit kay Jessica. Kung ano-ano ang wisdom words na nasasabi niya o kaya naman kay papa.
Napahawak siya sa kamay ko. Her eyes saying something. Hindi ko lang mahulaan kung ano dahil hindi naman ako manghuhula.
"Magiingat ka palagi, Ate. Kayo ni Ate Ashley." Ginulo ko naman ang buhok niya. Masyadong seryoso 'tong batang 'to.
"Rian, kahit hindi mo sabihin magiingat talaga kami. You're acting weird ah." Pagbibiro ko dito at tumawa ako pero mukhang hindi naman siya natawa. She remained her seriousness.
"Darating na siya, Ate. Maghanda na kayo sa pagdating niya dahil sisirain niya kayo. Wawasakin niya ang lahat at wala siyang ititira."
Bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko. Kita mo 'yung batang 'yun! Aalis nang walang paalam. Pero bago pa ako makapagreact ay nagtaka na ako sa sinabi niya.
Sinong darating? At ano, maghanda? Anong ihahanda namin, pagkain? Wawasakin at walang ititira? Hindi ko aakalain na mas weird pa ang batang 'yun kaysa sa akin. Nevermind.
"Parang gusto ko nang siopao ngayon. Hmm, saan kaya ako makakakuha nun?"
——
A/N: I guess eight chapters left na lang😅
![](https://img.wattpad.com/cover/156623680-288-k935084.jpg)
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...