Ashley's Pov
Kanina pa ako nakatitig sa mga kamay ko. Kanina pa—I mean nung isang araw pa ako nagtataka. Nung nagising ako isang araw ay may nakita akong hiwa sa kaliwang palad ko. Did I intentionally slit my palm while I am sleeping? No, of course not. Hindi ko naman gawain 'yun.
Nung araw ding 'yun ay nakita ko ang pagbabago sa akin. I feel like I become more powerful. Nagiinit din ang katawan ko noon. Hindi ko alam kung anong nangyari. I'm burning like hell.
Ngayon naman may kung anong tattoo sa palapulsuhan ko. It was like a sun and a moon. May mga nakasulat pa na hindi ko maintindihan. Parang isang Latin. I tried finding the same like this pero wala.
I sighed harshly. It's stressing me out and also creeping me out. Mukhang tama si Sky sa sinabi niya. I am acting weirdly. Pero wala naman akong natatandaan na kahit ano. Wala talaga. Kung anong ginagawa ko, kung saan ako nagpupunta, kung bakit iba ang nararamdaman ko at iba pa.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko.
"Hahahahaa! Hindi ko inaakala na ang prinsesang katulad mo ay isang tanga."
Napabangon ako mula sa pagkakahiga at nilibot ang paningin sa paligid. Wala akong nakitang kahit anong kakaiba. Wala akong nararamdamang kakaiba. Wala talaga.
I sighed again. Nagsuot ako ng longsleeve na hindi kita ang tattoo sa palapulsuhan ko. 'Yung sigurado na lagpas kamay ko para wala talagang makakita. I'm not planning to hide it by the way. I just need to find it out on my own.
Nagtungo ako sa hapagkainan at ako na lang ang hinihintay nung pagkarating ko. I immediately sat in the chair as they greeted me. I just smiled at them.
"Kambal ang baho mo." Biglang sabi ni Sky upang amuyin ko ang sarili ko.
"Hindi ah. Baka ikaw ang mabaho." Bawi ko dito pero hindi niya ako tinantanan ng tingin.
"Kambal ang pangit pangit mo. Mukha lang pinaglihi sa kabayo." Sabi nito upang manlaki ang mga mata ko.
"What the! Para sabihin ko sayo magkamukha tayo. Kambal tayo. Kung mukha akong pinaglihi sa kabayo ganun ka din!" Asik ko dito. Nilagay nito ang kamay nito sa baba nito na tila nagiisip.
"Ganun ba? Pero mas mukha ka namang pinaglihi sa kabayo." Tapos humagikhik pa ito kaya napairap na lang ako.
"You're acting strange lately Sky." Naiiling na sabi ni Jessica. She laughed crazily while shrugging her head.
Nagumpisa na kaming kumain. Kung ano-ano pa ang pinag-usapan at tahimik lamang ako. Napatitig ako kay Sky na ngayo'y tumatawa. 'Di ko alam kung anong tinatawanan niya pero mukhang inaasar na naman niya si Jess.
"Patayin mo siya."
Bigla akong napahinto sa pagkain dahil may biglang nagsalita. Pasimple akong luminga-linga sa paligid pero wala akong nakita sa kanila na nagsalita. Kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkain. Pero wala pang sampung segundo nang marinig ko ulit ang boses.
"Patayin mo siya, Ashley."
Sa pagbanggit pa lamang ng aking pangalan ay bigla akong kinilabutan. Hindi ko alam kung bakit.
"Isa siyang sagabal sa plano. Patayin mo siya."
Napatitig ako sa maliit na kutsilyo na nasa harapan ko. Hindi ko alam pero bigla ko 'yun kinuha. Isang demonyong halakhak naman ang narinig ko.
"Ganyan nga, aking alagad! Ngayon patayin mo ang iyong kakambal. Isa siyang sagabal sa plano."
Napatingin naman ako kay Sky na ngayon tumatawa pa rin. Napatingin ako sa paligid at hindi nakatuon sa akin ang atensyon nila. Napangisi naman ako. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kutsilyo at matalim na tiningnan ito.
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...