TLT 4

572 25 8
                                    

Miguel's Pov

...flashback...

"Mom, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay mommy pero isang ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

Ang weird ni mommy ngayon. Hindi ko siya maintindihan. Basta na lang niya ako ginising sa tulog ko at niyaya niya kami na pumasyal. Hindi ko naman alam kung saan kami papasyal. Hindi ko din alam kung alam kung sino ang pupuntahan namin.

Sa totoo lang ngayon lang ulit ako nakalabas sa aming palasyo matapos ang dalawang buwan. Nagkaroon kasi ako ng trauma dahil sa digmaan at dahil sa nangyari sa ate ko at ang pagkawala ng mga kapatid kong kambal. Halos hindi ako makausap ng kahit na sino kahit sila mom and dad. Pero ginawan nila iyon ng paraan, palagi nila akong kinakausap, kinukuwentuhan at kahit na patawanin.

Nakakarecover naman na ako at nakakausap na. Ang problema nga lang wala akong kaibigan kaya kahit anong saya ay nalulungkot pa rin ako.

"We're here na."

Nasa isang park kami at dito pala ako dinala ni mom. May mga nakikita akong mga bata na naglalaro at ang kanilang kasuotan ay magagara. Sa tingin ko ay tulad din nila ako...isang maharlika.

May tumingin na isang batang babae at tsaka ito sumigaw. "Si Auntie Roxanne! Hi Auntieeee!" Kumaway ito tsaka patakbong nagtungo sa amin. Kilala niya si mom? Sino ba siya? Lumapit din sa amin ang iba pang mga bata at binati rin si mom. Samantalang ako naman ay biglang nagtago sa likod.

Ang iingay naman nila. Sino ba sila? Bakit nila kilala ang mommy ko?

"Hi kids. Mukhang namiss niyo ata ako ah." Sabay sabay silang nagsalita ng 'opo'.

"Auntie, sino po 'yung nasa likod niyo? Ang prinsipe po ba 'yan?" Magiliw na sabi ng isang batang babae kaya napatingala ako kay mom. Mas lalo akong nagtago at mahinang tumawa ang mommy ko. Humarap si mom sa akin, lumuhod at ngumiti.

"Anak, they are the other royals from different kingdoms. You need to make friends and promise they're kind, pretty and handsome." Nakarinig naman ako ng mga hagikhikan sa likod.

"Told you, I'm pretty!"

"Auntie said that I am handsome."

"Yieee! I'm that really pretty?!"

"Oh my gosh, pretty daw akoooo!"

"Hell no! Auntie said we are all pretty and handsome. Don't make it yours, duh."

"Oh come on guys, don't make it for you. I'm the one who's handsome."

"Heh, handsome? Dream on, Kurt!"

They are look so happy. Are they really kind? O puro kahanginan ang laman ng utak nila?

"Ganyan lang talaga sila anak pero mababait sila. Go and play with them, I'm sure that you'll love them."

I did what my mom told me. I befriended with them and mom's right. They are kind. Masayahin sila at palaging nakangiti. Palagi silang nag-aasaran at hinding-hindi 'yun mawawala sakanila. I found them cool kasi kahit na isa silang maharlika parang isang normal na bata sila kung kumilos.

Days had past, naging mas malapit kami sa isa't-isa. Palagi akong nakikipaglaro sakanila. Palagi ko silang nakakasama kahit na may nga bantay kami.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon