TLT 39

301 13 2
                                    

Third Person's Pov

"Oh, bakit hindi kayo nakaimik? Hahahaha! Ano tuloy ko pa?" Pang-aasar ni Jessica sakanila habang nakatulala.

Dahan-dahan silang napatingin kay Miguel na nakatulala rin at hindi makapaniwala sa kinuwento nito. Kilala ko si Britney noon pa? Pero bakit yata wala akong maalala? Right, she remove my memory with her. But why? Naguguluhan siya sa mga nalaman niya. Bakit nga ba?

Dumating ang servants at binigyan sila ng meryenda dahil hapon na. Napatagal ang kanyang kwento pero wala pa sa kalahati ang lahat. Tama, wala pa. Mag-uumpisa pa lang kung paano at ano ang dahilan.

"Kumain muna kayo." Sabi ni Ash dahilan ng pagbalik nila sa reyalidad.

Kumain nga sila hindi dahil gutom kundi hindi nila maproseso sa utak ang mga kinuwento nito. They are all shocked on what they've heard. Halata sa mga ito ang pagkagutom dahilan upang matawa si Jessica.

"Tuloy ko pa ba? Mukhang hindi niyo na kaya eh." Natatawang saad nito at uminom ng juice.

Humarap sakanya si Miguel na may tanong sa mukha. Mukhang alam na niya ang itatanong nito. Kumagat muna siya sa tinapay bago nagsalita.

"She have deep reason why did she do that. Like what've Rianna said, forbidden love at may mga mabigat na tungkulin. Sa tingin mo Miguel, ano ang mga 'yun?" Napaisip siya saglit habang nakatingin sa mga mata nito.

Ano nga ba? Biglang pumasok sa isip niya ang pagiging Crown Prince, ang susunod na tagapagmana ng trono ng kanyang ama. Ang paglitas sa mga nangangailangan. 'Yun nga lang ba ang dahilan? O meron pa?

"Maggagabi na. Hindi pa kayo uuwi?" Tanong ni Sky sa mga kaibigan nito.

"Pwede naman kaming matulog dito, 'di ba?" April asked to them and Jessica's smirk.

"Tuloy mo. I want to know the real reason." Malamig na sambit ni Miguel upang matawa ito at iiling iling. Napailing naman ang kambal dahil sa inasta nito. Mukhang enjoy na enjoy ang pang-aasar.

"Okay! I still lot more energy!" Hyper nitong saad.

...Flashback...

Pagkatapos niyang tanggalin ang memorya ni Miguel kasama siya ay agad siyang bumalik sa kanilang mundo. Ang mga mundo ng mga dyosa. Pinahid niya ang mga luhang nasa pisngi na natuyo na bago magpakita. Agad siyang napansin ng kapwa dyosa at nagaalalang pinuntahan ito.

"Saan ka galing? Alam mo bang nag-aalala kaming lahat sa'yo?" Puno ng pag-aalala ng batang lalaki. Ngumiti siya ngunit malungkot 'yun kaya napabuntong hininga na lamang ito.

"Paniguradong pinuntahan mo ang iyong kamahalan. Tsk, tsk. Maiba nga ako, anong gagawin natin dito?" Turo ng isang mataray na babae sa isang batang babae na nakahiga at natutulog.

"Gigisingin ko siya, Trisha. Katulad ng nasa propesiya." Tugon nito habang nakatingin sa batang babae. Napairap si Trisha sa sinambit nito.

"Paano mo naman 'yun gagawin?" Asik nito. Umirap din si Britney dito.

"Baka nakakalimutan mo kung sino ako." Galit nitong saad at natawa naman si Trisha.

"Ah, tama! Kilala nga kita. Sinakripisyo mo ang kaligayahan mo para dito sa batang babae na ito. Ano bang magagawa niya? Patay na siya." Tinulak ni Britney si Trisha at nilapitan niya ang babae.

"Hay naku, Trisha. Hindi nga patay 'yan eh. Tulog lang siya. Alam mo ba ang salitang tulog? Kung hindi mo a—"

"Alam ko! Hindi mo na kailangang ipalandakan sa pagmumukha ko!" Pagputol nito sa sasabihin nito at umirap.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon