TLT 15

466 16 2
                                    

April's Pov

"April can we talk?" Seryosong tanong ni Jerome sa akin habang nakatingin ako sakanya.

Biglang nagtilian ang mga kaibigan ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. Gosh, maguusap lang pero grabe sila makatili. Akala mo eh magbabalikan. Charot. Asa naman noh. Pero masyado silang ma-issue.

"Bakit ka pa magpapaalam? Hilain mo na 'yan! Kaloka kayo! Kausapin mo na nga 'yan April. Naiimbyerna ako sa inyo!" Nanggigigil na saad ni Akira na ikinatawa ko.

"Ang bitter mo." Turan ko sakanya at inirapan lang ako ng loka.

Nag-away kasi sila ni Wayne kaya ngayon napaka-bitter niya, daig niya pa ang kumain ng ampalaya sa sobrang bitter.

"Tara na nga."

Hinila ko naman si Jerome kaya todo sila sa pang-aasar sa akin. Grabe! Bakit sila sa akin nang-aasar? Bakit hindi nila problemahin ang sarili nila? Nakakagrabe sila ah. Ako pa talaga ngayon. Hmmp!

Nakarating kami sa labas ng quarters at nagtungo kami likod at bumungad sa amin ang malinis tsaka malinaw na sapa. Ang hangin ay napakasarap dahil nakakarelax.

"Anong pag-uusapan natin?" Agad na tanong ko sakanya.

"May ano...ah..."

"Ano? May ano?"

Napakamot naman siya sa batok niya at parang hindi alam ang sasabihin at nagaalinlangan pa. Nakatitig lang siya sa akin at sa totoo lang ay naiilang ako sa mga titig niya. May kung ano sa mata niya na hindi ko maintindihan. May gustong sabihin ang kanyang mga mata pero hindi niya masabi-sabi.

"Aalis na lang ako kung wala kang sasabihin."

Tumalikod na ako at hahakbang na nang bigla niya akong hinila sa braso upang mapasubsob ako sa matipuno niyang dibdib. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Shit! Ano na naman ba ito? Bakit ganito na naman?

He held my chin for me to look at his eyes. Hindi ko mabasa ang mga tingin niya. Ang hirap basahin. Sobra. Napalunok ako ng sariling laway ko. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na nasa bewang ko para mas mapalapit ako sa kanya.

"April..."

Bakit ganun? Pagbanggit pa lang niya ng pangalan ko may kung anong kumikiliti sa tyan ko. Ang lambing ng boses niya.

"April..."

"Hmm?"

"I love you and always be."

Bigla ko siyang naitulak ng malakas upang mabitawan niya ako. May kung anong kirot na bumahid sa puso ko. Hurt is visible in his eyes.

"I promise to love you eternity."

"Palagi mong tatandaan nandito ako para protektahan ka."

"Promise, April. Ikaw lang."

Napalunok ako. Mga ala-ala na matagal ko nang nilimot sa nakaraan. Muli na naman silang nanunumbalik sa akin. 'Yung mga sakit na naranasan ko, ang mga saya. Bakit? Akala ko okay na ako.

"April—"

"SHUT UP!" Mukhang nagulat siya sa sigaw ko dahil nanlalaki ang mga mata niya.

Lalapit pa sana siya ng bigla na lang akong umalis. Tumakbo ako patungo sa lugar na hindi niya masusundan.

Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko na. Akala ko pwede na ulit. Bakit ganun? Ginawa ko naman na kalimutan siya. Kahit na masakit ginawa ko pa rin naman. Pero bakit kung kailan nagiging maayos na ang lahat tsaka nanunumbalik lahat ng mga sakit? Kung kailan na ako nakakapag-moved on tsaka ko ito ulit mararamdaman.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon