TLT 3

600 27 0
                                    

Miguel's Pov

Sa loob ng tatlong araw wala kaming ibang ginawa ang mangumbinsi. Sa tatlong araw na 'yun palagi akong sinasamahan ni Britney at hindi niya ako iniwan. Palagi ko siyang nasa tabi. Saksi siya sa mga nangyayari sa akin at sa tuwing umaalis kami ay inaasar niya ako. Ginagawa niya lang 'yun para gumaan ang pakiramdam ko.

Sa pangalawang araw, tatlong kaharian ang pinuntahan namin. Una sa kaharian ng Firey Kingdom, talagang nag set ako ng appoitment dahil 'yun ang sabi ni April. Kapag hindi ko 'yun ginawa hindi ako papapasukin ng kahit na sino kaya wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Pero kahit ginawa ko 'yun ay wala pa rin akong napala, she still rejected me. His brother? He's not here, he's doing a mission that's why he's not here. Tinawanan lang ako ni Britney sa nangyari.

Sa pangalawang kaharian ay sa Aero Kingdom, isang malakas na suntok ang binigay sa akin ni Kurt nang sinabi ko sakanya ang sinabi rin ni Jessica. Galit din siya sa akin. Still, rejected.

Sa pangatlong kaharian ay sa Fowl Kingdom, si Wayne na ang namumuno. At sa limang kaharian na napuntahan namin, iisa lang ang pumayag at 'yun ay si Wayne. Pero bago siya pumayag ang ginawa niya sinapak niya muna ako at hindi nagawang bumawi.

Kaya laking tuwa nung sinabi niya na papayag siya para lang malaman kung nasaan ang mga kapatid ko. He's willing to help me but still, galit pa rin siya sa akin.

Sa pang-apat na araw ay pumunta kami sa kaharian ng Aqua Kingdom. Kasama kong naglalakad si Britney na kasalukuyan kumakain ng cotton candy. Habang ako naman ay tinitingnan ang paligid. Napag-alaman ko na palaging lumalabas si Akira kaya siya muna ang una kong kakausapin.

Ang hindi ko mahanap ngayon ay sina Van at Kath. Wala na akong balita sakanila at hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. Pero sana ligtas silang dalawa.

"Shin sa tingin mo ano na naman ang matatanggap mo?" Saglit akong napatigil upang maramdaman ko ang ulo niya na bumangga sa likuran ko.

"Aish, pati ba naman likod ang tigas."

"May sinasabi ka?" Humarap ako sa kanya at umiling iling siya.

"You really do like to pissed me off, do you?" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Ha-ha-ha, of course not! I'm just asking you know." Inirapan ko na lang ito at maya-maya pa ay napatigil ang mata ko sa pamilyar na tao.

Hindi ako maaaring magkamali sa nakikita. Nandito siya! Nakikita ko!

Agad akong umalis ng hindi nagpapaalam kay Britney at rinig na rinig ko ang sigaw niya sa akin pero hindi ako lumingon man lang dahil mas hinahanap ng aking mata ang kapatid ko. Si Skylar. Nandito siya at bumibili ng kung ano.

Maganda ang ngiti niya na parang walang problema. Agad itong umalis kaya dali ko siyang sinundan. Halos may mga nakabungguan na ako para lang mahabol si Sky at naiinis na rin ang iba sa akin pero wala akong pakialam.

"Sky!" Hindi siya lumingon. Baka hindi lang niya narinig.

"Sky!"

"Sky! Wait!"

Kahit anong pagtawag ko sa pangalan niya ay hindi niya ako naririnig o nagbibingihan lang?

Halos tumakbo na ako dahil sa bilis ng paglalakad nito at nakihalubilo pa ito sa mga bumibili dahilan ng pagkawala nito sa paningin ko. Pilit ko pa ring hanapin pero wala na talaga. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid pero wala pa rin. Damn it!

Malapit ko na siyang mahawakan! Bakit ganito pa ang nangyari?! Shit!

"Shin..."

"What?!" Ramdam ko ang pagkagulat nito dahil sa pagsigaw ko.

"I-I didn't mean it," saad ko sa mababang tono pero ngumiti siya na hindi abot sa tainga.

"I already saw Princess Akira and I told her everything. All you need to do is to convince her. Sa tingin ko pangalawa na siya na maaaring tumulong." At tumalikod na sa akin tsaka naglakad. Is she mad at me?

——

"Galit ako sa'yo, alam mo ba 'yun?" Mahinang sabi nito sa akin.

"I know..." tumawa ito ng pagak at may namumuong luha sa mga mata niya.

"You're the Crown Prince pero ano? Wala kang ginawa. Sinunod mo ang sinabi ng mga pesteng councils na 'yun. For what? I don't understand even a single detail!" Napahilamos ito ng mukha.

Nandito kami sa hindi masyadong pinupuntahan ng mga mages. Malapit kami sa palasyo nila Akira at dito niya kami dinala para mag-usap. Si Britney naman ay nakaupo sa ugat ng puno habang nakapikit, ewan ko kung natutulog ba ito. Medyo malayo siya sa amin at sapat na para makita ko ang maamo niyang mukha kahit na nagagalit si Akira sa akin.

"I didn't wish for you to understand, Akira. I did that para sa lahat...sa ikakabuti ng lahat." Tiningnan niya ako ng mariin.

"Ikakabuti ng lahat? I wish we all understand your plan, Miguel. Para naman malaman namin at hindi kami nagmumukhang tanga. You agreed to those fucking councils, sa amin ba, sinabi mo? Sinarili mo eh! You're fucking selfish!"

Kapag sinabi ko ba papayag sila? Kapag sinabi ko ba magagawa nila? Kapag sinabi ko ba sakanila ang mga dahilan kung bakit ako pumayag sa kagustuhan ng mga councils na 'yun, hindi nila ako kamumuhian? Am I wrong? Wrong with my decisions?

Selfish na ba ang ginawa ko? Ayaw ko lang sila madamay sa gulo pero kahit anong anggulo ang gawin ko nadadamay pa rin sila. Tama siya, selfish ako.

"Want back the old us? Ikaw mismo ang sumira nun, Miguel. Nagdesisyon ka magisa habang kami pinagmumukha mong tanga. Is that what you called friends? Betraying you friends?"

Humakbang ito palapit sa akin at itinaas niya kanang kamay niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit dahil alam kong masasampal na naman ako. Pero ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin akong nararamdaman na sampal mula sakanya.

"Kahit saang anggulo pa rin tingnan, naging magkaibigan pa rin tayo at may pinagsamahan. I also want back the old Royalty, not because of Sky and Ash, but because of the friendship that we created since we are kids. Pumapayag na ako." Unti-unti kong naimulat ang mata ko at umaagos ang mga luha sa mata nito.

"Akira..." akmang hahakbang ako para lapitan siya ng bigla niyang iniharang ang kamay niya kaya hindi ko naituloy ang paghakbang.

"Gagawin ko ito para bumalik tayo sa dati at kapag nagawa mo 'yun, WE will help you to find the twins. The Princesses of WhiteLand Kingdom." Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

"H-how about—" hindi niya ako pinatapos magsalita ng bigla siyang naglakad at nilagpasan ako.

"Ako na ang bahala kay Blue. I will make him understand and say yes also." Napangiti ako.

"Thank you, Akira. Thank you."

——

Kahit anong galit ng kaibigan mo sa'yo. Kahit anong kasalanan pa ang nagawa mo. Kahit mabigat man 'yan o hindi. Pinagtaksilan mo man siya o hindi, handa pa rin silang tumulong sa'yo. Dad was right. Friendship is more powerful than love and I am so thankful that I have a friends like them.

Sa kabila ng mga nagawa kong mali sakanila, kahit nakatanggap ako ng mga suntok, sampal at mga masasakit na salita, in the end they still willing to help me.

Gusto ko rin na bumalik kami sa dati. Ang dating Royalties na kilala ng lahat. I want them to be back.

"Ang saya saya naman ng kamahalan," napatingin ako sa pumasok sa silid ko at tiningnan niya ang hawak kong picture. "So, what now?" Taka ko siyang tiningnan at napabuntong hininga naman ito.

Sila Aubrey at Chloe ay sinubukan kong kausapin pero ayaw nila. Ayaw nilang makita ako.

"Your plan. May mga pumayag na but still majority ang hindi pumayag." Aniya tsaka kumagat ng apple.

Muli akong napatingin sa picture frame kung saan makikita mo na lahat sila ay masasaya at walang problema na kinahaharap. Isang ngiti ang sumilay sa aking mukha kasabay ng isang plano na bumubuo sa aking utak.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon