TLT 7

540 22 0
                                    

Jessica's Pov

"How are they?" Pagtatanong ko kay Michelle na kakalabas lang ng kwarto.

"Tulog pa rin. Ilang buwan na at hanggang ngayon ay tulog pa rin. Kung tawagin ko na kaya ang mga prinsipe nila at halikan para gumising na ang mga sleeping beauty natin?" Iiling iling na sabi nito bago ako nilagpasan. Natawa na lang ako tsaka pumasok sa kwarto nila.

Bumaba ako mula sa bahay at naabutan ko sila na prenteng nakaupo sa sofa habang naglalaro ng uno. Natapos ba nila ang mga pinapagawa ko? Napailing na lang ako sakanila.

"Ha! Ano ka ngayon! Plus four!" Tatawa tawang sambit ni Keifer.

"What the fuck?! Anong akala mo ikaw lang? Plus two!" Sigaw ni Trisha.

"Mga traydor! Ano 'to plus six?! Gosh!" Iritang sambit ni Hannah na sa tingin ko siya ang bubunot ng anim na cards.

Agad dumako ang tingin ko sa pintuan nang may nararamdaman akong presensya dito habang ang lima na kasama ko dito ay busy sa paglalaro. Bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha nitong malungkot at nagmumugto ang mga mata.

"Teka—wait, what happened to your eyes?" Tanong ni Michael nang makita niya na lumapit ito sa akin.

"Hoy Britney may nagpaiyak ba sa'yo?! Sabihin mo!" Sigaw ni Keifer na agad siyang kinurot at binatukan ng dalawang babae.

"My mission's done." Sapat na para marinig naming lahat.

"Really?" I smirk. "I don't think so." Sabay inom ng alak kasabay ng pag-angat niya ng tingin sa akin.

"Jessica, anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Trisha kaya nadako ang tingin ko sakanya.

Nagkibit balikat ako sakanya at muling binalik ang tingin kay Britney. "You go back." Nanlaki ang mata niya.

"Pero tapos na ang misyon ko! Hindi na ak—"

"Babalik ka! Kailangan ka niya, Britney. Miguel need you. Alam kong ganun ka din." Madiin kong sabi sakanya. Umiling siya sa akin.

"No. He doesn't need me anymore, Jessica. Tapos na ang misyon ko dito." Naikuyom ko ang kamao ko.

"This is an order, Britney! Go back with him!" Ngumisi siya sa akin.

"You can't order me like that, Princess Jessica. Remember that I'm always higher than you. Staying with him, he will just hurt. But don't worry, I'm not going to leave him. I'm always guiding and protect him no matter what. You have my words, Princess Jessica."

Napalunok ako sa sarili kong laway at walang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga sa mga sinabi niya.


April's Pov

Miguel snap his fingers three times and stood up while smile is written on his face. What now?

"Tama! Tama 'yung sinabi ni Kurt!" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

What does he mean na tama si Kurt? Tungkol ba sa example niya kanina lang? Baka 'yun nga dahil 'yun lang naman ang sinabi ni Kurt. Pero paano naging tama 'yun? Gosh! I need explanation!

"Tama ako? Weh 'di nga? Yahooooo! May tama rin akooo!" Masayang sigaw ni Kurt habang nagtatatalon.

"Oo may tama ka talaga." Saad ni Steph na kumakain ng chips na hiningi kay Nathan.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon