Miguel's Pov
Patungo kami ngayon sa palasyo ng yelo. Ang palasyo nila Ice na siya na ang namumuno na rin ngayon. Sa nagdaang buwan nagkakaroon pa rin kami ng komunikasyon pero hindi na katulad ng dati. Kung magkakaroon man kami ng komunikasyon ay patungkol sa mga kaharian ang napapag-usapan namin.
Hindi kami naguusap ng mga ilang bagay. Napansin ko rin na halos hindi rin siya makausap na kahit na sino. Palagi ko ring nababalitaan na nagpapakalasing siya at kung minsan ay hinahanap niya si Ash. Hanggang ngayon ay wala siyang tigil sa kakahanap kay Ash.
"Mah—I mean, Shin nandito na tayo. Grabe lalamigin ata ako ah." Napailing na lang ito habang ako ay naestatwa.
Ang sarap pakinggan ang boses niya lalo na kapag tinatawag niya ako sa second name ko. Para akong lumulutang sa ere tuloy. Ewan ko pero kinilig ako sa sinabi niya. Damn!
Bigla na lang niya akong kinurot kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan niya ako ng kilay. Napairap na lang ako at tuluyan nang bumaba tsaka inayos ang damit. Pinapasok kami ng mga kawal at yumuyuko ang mga tagapagsilbi sa tuwing nakikita ako o nadadaanan.
May nagguide pa sa amin patungo sa silid kung saan kami hinihintay ni Ice. Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang hari ng yelo na umiinom na naman ng alak.
"Enough of that, Ice." Sabi ko rito pero tinuloy lang ang pag inom.
"Don't tell me what to do, Miguel. Now, spill the beans." Tugon nito.
"Para tuloy akong kumakain ng yelo dahil sa lamig. Grrr." Napailing na lang ako sa kalokohan ni Britney.
"Ash..."
Agad siyang napatingin sa akin. Sabi na nga ba eh. Malakas talaga ang epekto ni Ash kay Ice. Bagay na bagay. Hot and cold.
"What about her?" And now he's interested.
"Jessica know where she is." Kumunot ang noo niya.
"Jessica? You mean—"
"Yes, my elder sister. She's alive and I don't know why. Nagpakita siya sa akin kahapon sa palasyo at alam niya kung nasaan ang kambal."
Yep, alam na rin niya na hindi sila magpinsan kundi magkambal silang dalawa. Hindi ko alam kung paano niya nalaman at basta na lang niya sinabi sa akin na hindi sila magpinsan. Alam kong may rason ang dalawa kung bakit nila 'yun nagawa. Nagawa nilang magsinungaling sa amin at itago ang totoo nilang katauhan.
"Did she tell you where she is?" Umiling ako at kita ko ang pagkuyom ng kamao nito.
"But she give me a mission."
"What mission?"
——
"That's imposible! How can she said those words and give you a freaking mission?! Hindi niya alam ang nangyari noon! Bakit ngayon lang siya nagpakita kung kailan nagiging malabo ang lahat?!"
Naikwento ko sakanya ang lahat. Kung bakit niya binigay sa akin ang misyong iyon. Alam kong napaka-imposible na mabuo ulit kaming Royalties. Nagkaroon na ng lamat sa aming lahat.
"Alam ko 'yun, Ice. Pero alam naman natin na gustong-gusto mo nang makita si Ashley, tama ako 'di ba?" It hit him. I was right. Malakas pa rin ang epekto ni Ash dito kay Ice.
"I'll find her alone." Matigas na sabi nito sabay inom ng alak.
Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas ng silid. Wala akong magagawa kung ayaw niya. Hindi ko mapipilit ang taong ayaw magpapilit.
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...