Miguel's Pov
"Royale Grand Ball? And all the Royal Family will be attending that ball?" I nod when mom's asked a question.
Agad akong umuwi pagkatapos kong sabihin kay HM na magiging masqeurade ang theme ng ball. I want everybody to be mysterious on that day. Nagaganap ang Royale Grand Ball ay nagaganap every five years o kaya something special happens. Pero sa tuwing ball ay hindi nagpupunta ang mga royal family so I decided to invite all the family belongs to the royal.
"I already sent an invitation to every royal family, mom, dad. I'm also expecting you two there." Sabi ko sakanilang dalawa.
Napakamot na lang sa batok si dad samantalang si mom ay halatang excited dahil hinila na ni mom si dad at kailangan pa nilang pumili ng mga gowns for next week. Hindi naman halatang excited ang nanay ko, ano?
Nasabi ko na rin sakanila na we will be attending the ball at halata sakanila ang excitement at saya sa mga mata nila. When I announce it to them ay halos pasalamatan pa ako ng mga girls dahil daw masqeurade ang theme, para daw mag makasayaw sakanila na ibang lalaki dahil sawang sawa na sila sa pagmumukha ng mga boys. Natatawa at naiiling na lang ako sa mga kakulitan nila.
"Hey, hey, stop arguing. Better na maghanap na lang tayo ng gowns and you too, boys. Para naman magmukha kayong disente." Hindi ko alam kung nangaasar ba si April o ano eh.
"Umalis na nga kayo, siguraduhin mo lang na may sasayaw sayo April kung hindi..."
"Kung hindi ano Jerome?" Tumalim ang tingin ni April dito.
"Psh, wala!"
Hinila na rin siya ng mga babae kaya umalis na sila at naiwan lang kaming mga lalaki dito.
"Hindi halatang may gusto ka pa sakanya. Hahahaha!" Natatawang usal ni Wayne na halatang inaasar nito si Jerome.
"Anong gusto ka dyan, Wayne. Ang tamang word ay 'mahal'. Ulitin mo." Paguudyok ni Blue kay Wayne.
"Dude, ano ako uto-uto? Pero sige, para sa kapakanan ni Jerome. Hindi talagang mahal mo pa, Jerome. Ayan, revised na ang pag kakasabi ko ah." Nag-apiran naman ang dalawa at tawa ng tawa.
"Ulol! Anong mahal ang pinagsasabi—"
"Come on, you're being possessive again." Pagputol ni Cedric sa sasabihin sana ni Jerome. Tumikhim naman si Nathan upang mapabaling ang tingin namin sakanya.
Ilang saglit lang tumahimik hanggang sa ngumiti siya. "You better not to hurt my sister, again. Kung ayaw mong maluto ng buhay."
Biglang naghiyawan sila at sumama na rin ako doon. Tsaka halata naman eh. His being possessive as if he's the boyfriend. He's acting like that again. Pero alam ko naman na hanggang ngayon ay mahal pa rin nila ang isa't isa pero mas pinili nila ang ganito. Paano kaya nila na-handle ang walang ilangan sa kanilang dalawa?
"Advice ko lang sayo. Make a move baka mamaya maagaw pa siya ng iba. Naghihintayan lang kayong dalawa. Don't make it hard, Jerome. Matagal nang panahon 'yun nangyari and if you keep on doing that, you'll regret." Sabi ko at bigla silang tumahimik.
Anong problema nila? Bakit ganyan sila makatingin?
"Iba! Mukhang may pinagdadaanan ah."
"Well, he's inlove for sure."
"Ayan, ayan tayo eh. Mga inlababo ang mga kaibigan ko." Natatawang saad ni Cedric. Napailing na lang ako sakanila.
"How's Kane? Is he doing well?" Pagiiba ko ng tanong.
Simula kasi ngayon ay doon namin siya pinag-aral dahil kailangan niya pang matututunan kontrolin ang kapangyarihan niya at kailangan niyang pag-aralan ang mga defense. Kahit na ganito ay nag-aalala pa rin ako sakanya lalo na't galing siya sa mundo ng mga tao.
"He's doing well. His body needs to adjust, so, sooner or later lalabas din ang kapangyarihan niya." He got a point. Ang pinag-aalala ko lang ngayon ay sina Mica at Joan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapanatag ang loob ko at hawak pa rin nila ang dalawa.
Tumayo naman sina Blue at Kurt tsaka naginat.
"Sa ngayon 'wag muna tayong magisip ng kung ano-ano. Next week will be a big day and we need to unwind. Alisin na muna kung ano ang mga nasa isip natin. After that, doon ulit natin 'yun problemahin." Saad ni Kurt habang nagstretch ng katawan.
We agreed to him. Kailangan din namin magpahinga dahil sunod-sunod ang ginawa namin at ang mga nangyari. We need time for ourselves also.
~~~~
Madilim na ang gabi at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag. Hindi pa ako umuuwi sa palasyo at napagpasyahan kong dumito muna sa kagubatan na malapit sa akademya. Tanging maririnig lamang ang mga huni ng mga ibon, ang hangin na kumakapit sa aking balat at ang mga tuyong dahon na aking natatapakan.
Hindi ko alam kung ano ang nagudyok sa akin kaya ako napadpad dito. Pero marami akong iniisip na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa utak ko. Katulad na lang sa kapatid ko na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan siya nakatira, siya ang nakakaalam kung nasaan ang mga kapatid namin, sina Mica at Joan na hanggang ngayon ay wala pa akong balita, ang biglang pagpapakita ng councils matapos ang ilang buwan, ang mga knights at ang hindi mawala-wala sa isip ko ang sinasabi nilang traydor sa amin kaya nila iyon nagawa.
Napabalik lang ako sa reyalidad ng nakarinig ako ng kaluskos kaya napatingin ako dito. Nakacloak ito kaya agad akong nagtaka pagkatapos ay sinundan ko ito. Agad akong nagtago sa may puno nang makita ko itong huminto. Sumilip ako ng kaunti at may kausap naman ito na nakacloak din. Hindi ko marinig ang usapan nila at kung aalis ako dito tsaka papakinggan ay siguradong mabibisto ako kaya okay na ako dito.
Sino naman kaya ito? Anong ginagawa niya dis oras ng gabi? Talagang ngang mahina na ang barrier ng Academy dahil may nakakalabas at pasok na dito na mga kalaban. Hindi mo na din alam kung sino ang pwede mong pagkatiwalaan. Baka malay mo tinitira ka na pala patalikod ng hindi mo nalalaman.
Tumagal ang usapan nila at umalis na ang isa. Siya na lang ang naiwan kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko.
"I wish, I didn't see it." Malamig na sabi ko.
Mukhang hindi ito nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. May kung ano sa puso ko na biglang kumirot.
"Why? Bakit mo ito ginagawa? Kailan pa?" Tanong ko dito pero hindi siya nagsalita o kung ano-ano. Sa halip ay humarap ito sa akin pero hindi ki nakikita ang kanyang mukha.
Sumugod siya sa akin pero agad ko ding naiiwasan. Nahuhuli ko ang kanyang mga galaw pero agad siyang gumagawa ng mga depensa na hindi ko kaagad naiiwasan. Humugot ako ng malalim na paghinga at tinaas ang kamay tsaka kinumpas kaya napahawak siya sa kanyang leeg na tila nahihirapang huminga.
"Stop this and forget it." Halos bulong na sambit ko.
"H-hindi...p-patayin mo na lang a-ako." Nauutal na saad nito na agad akong umiling.
Napabuntong-hininga na lang ako tsaka ito binitawan. Tumalikod ako at naglakad pero bigla akong huminto para magsalita. Hindi ko na rin nakita ang naging reaksyon nito at agad akong umuwi sa palasyo.
—
![](https://img.wattpad.com/cover/156623680-288-k935084.jpg)
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...