Stephanie's Pov
"Steph, let's go?" Ced asked and I nod.
Papunta kami ngayon sa palasyo nila Miguel. May magaganap daw na unting salo-salo para sa amin. Para na rin daw namin itong mini reunion, though, may kulang sa amin. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa amin. Parang dati lang, kompleto pa but now, kulang na. Siguro nga ganun. May mga darating na hindi mo maaasahan at may aalis na lang bigla. Hindi naman natin 'yun maasahan. Expect the unexpected ika nga nila.
"Are you really okay?" Ngumiti ako sakanya at tumango at hindi nagsalita.
After what happened, naging tahimik na ako. Hindi ako makausap ng maayos kahit si Ced. Kung kakausapin nila ako ay tango at iling ang sagot. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero dahil yata sa mga nangyari. Na-trauma yata ako. But I recover immediately. Pero hindi pa rin ako masyadong nagsasalita hindi katulad dati. Alam kong maghihilom ang sugat na nakatanim sa puso ko pero hindi ngayon.
Nakarating kaagad kami sa palasyo at sumalubong sa amin ang mga kaibigan namin. Dali-daling tumakbo patungo sa direksyon ko si Chloe at April at sinalubong ng yakap.
"Gosshh! Okay ka na ba? Wala nang masakit sayo?"
"Kamusta ka na? Sorry dahil wala kami nung mga panahon na kailangan mo kami."
I smiled at them and feel the sincerity. "I am fine now, don't worry. Tsaka ayos lang 'yun April, I understand it. Kailangan rin kayo sa palasyo niyo." They hugged me once more at humiwalay din kaagad.
Gosh, I missed them both.
"Hoy mamaya na 'yan! Tara na doon sa hapagkainan at nagugutom na ako!" Sabay sabay kaming napairap dahil sa sinabi ni Nathan.
"PATAY GUTOM!" Sabay na sigaw naming tatlo tapos nagkatinginan at tumawa.
"TSE! Kasi kayo hindi! Kaya ang papayag niyo!" Pambawi nito.
"Excuse me, Nathan! Hindi kami payat 'no! Sexy kami! SEXY!" Pagpameywang pa ako at pinandilatan siya ng mata. Napakamot naman ito.
"Hehe. Sabi ko nga sexy kayo." Nagapiran naman kaming tatlo pagkatapos ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa hapagkainan. Napapailing na lang sila sa amin.
Nang makarating kami ay nakita ko na kompleto na silang lahat doon. Nandun na rin si Ice katabi si Ash at si Sky ay katabi si...
"Van..." we whispered.
Anong ginagawa niya dito? 'Di ba dapat nasa kulungan siya? Paano siya narito? Tumakas? Imposible! Pero anong...
"I set him free, guys. So sit down so we could start eating." Utos ni Jess at umupo naman kami pero nakatingin pa rin kami kay Van na tahimik lang. Hindi na lang ako umimik at nakaramdam ang awkwardness. Maging sina Tito at Tita ay mukhang naramdaman ito kaya pumalakpak siya ng tatlong beses upang makuha namin ang atensyon niya.
"Kumain na muna tayo and later they'll explain." Saad nito at may pumasok na may mga dala ng pagkain at nilapag ito sa mesa.
"Ayan! Sa wakas!" Pinakiskis ni Nathan ang mga palad nito at nag-heart shape na ang mata tapos kumikinang kinang na dahil sa pagkain. Hinayaan ko na lang ito at nag sandok na rin.
Iba't ibang putahe ang nakalagay sa plato ko. Paano ba naman kasi si Nathan naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Ga-bundok na ang plato. Napasimangot naman ako dahil dito tapos ang iba naman ay natatawa na lang sa ginagawa ni Nathan. Gandang kutusin nitong lalaking 'to eh. Pero I can't help myself to surpress my smile.
Habang kumakain ay kung ano-ano ang napapag-usapan namin. Minsan tumatawa minsan naman mga asaran nila. Kung saan saan napupunta ang topic at hindi mo malaman kung ano ang totoong topic nito.
"Curious lang ako, noon pa kasi ako nagtataka eh." Sabi ni Kurt kaya napunta lahat sakanya ang atensyon. "Paano nakapasok sila Sky at Ash dito? Walang nakakaalam kung paano. Paano nila nalaman na isa silang mage? Paano sila napunta dito?" Tanong nito.
Oo nga 'no. Kahit ako din ay nagtataka. Kasi kung makakapasok ka sa mundo namin ay alam ko ang exact na lokasyon at oras. Hindi ka naman basta-basta makakapasok at tsaka bibihira lang makapasok ang isang mage na nanggaling sa mundo ng mga tao. Lumilipas kasi ito kada isang dekada ang nakalipas.
"Do you really want to know?" Sky asked and there is something in her smile. Creepy smile.
"I'm curious about it, too." Pagsasabi ng totoo ni Blue. See? Lahat kami nagtataka.
"You sure? You will regret it if you knew." Kibit balikat na sagot ni Ash habang sumusubo ng pagkain.
"We want to know. We have the right to know the truth, right twins? Besides how did you alive, Jess? You're still a mystery." Aniya naman ni Miguel and then Jess smirk creepy.
"Tapusin niyo muna ang pagkain bago kayo magtanong. Doon kayo sa garden para maaliwalas ang paligid." Sabi ni Tita sa amin at tumango kahit na kating kati na malaman ang dahilan.
Right after we eat, nagtungo agad kami sa garden at doon kami tumambay. Kanya-kanyang pwesto habang ang kambal naman ay hindi pa rin maalis alis sa mukha nila ang ngisi. Err. Parang gusto ko yatang mag-back-out ah. Parang may mga sekretong mabubunyag.
"Okay. Ask, Royalties and we pleasure to answer all your questions." Sambit ni Sky kaya nagumpisa na kaming magtanong.
"Katulad nga ng sinabi ni Kurt, gusto namin malaman kung papano kayo nakapasok dito? We all knew that the portal opens every decade. How? Wala pang isang dekada simula nung magbukas ang portal. Tsaka ganun din sa tanong ni Miguel." Puno ng kyuryusidad na wika ni Jerome.
"Tapos lilitaw ka na lang bigla-bigla." Dagdag ni Ice.
Tumikhim si Jess upang mapabaling sa sakanya ang atensyon. She smiled.
"I'm the reason why did they enter our world. Kahit wala pa ang isang dekada ay muli kong binuksan ang portal para sakanilang dalawa. I even told them where the exact location and time is. So I am the reason behind it." Napaamang naman ang bibig namin at hindi makapaniwala. I mean, she is...how?
"Ha? Paano? You're dead and how come you're alive? Teka ang gulo. Explain mo nga ng maayos." Naguguluhan na sambit ni Miguel. So hindi niya alam?
Jess laughed at us and shrugged. "Yes, I did. But not really dead. Remember who am I, Miguel."
She's the only one who's holding the four elements. Fire, Air, Water, and Nature. Pero kahit ganun ay magulo pa rin. Tsaka not really dead? What does it mean? Wala pa rin akong maintindihan. Tumawa ulit siya.
"I am Princess Jessica Collins White, holder of four elements; Fire, Air, Water and Nature. Without me, everything will be in chaos. I am the Legendary Princess."
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...