TLT 24

428 19 2
                                    

Chloe's Pov

Napahawak ako sa sentido ko habang nakatingin sakanilang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko kung paano sila papatigilin. Masyadong mainit ang ulo nilang dalawa. Napatingin naman ako kay Aubrey na parang gustong gusto ang pinapanood niya habang ako ay sumasakit ang ulo ko sa mga posibilidad na mangyayari.

"Aubrey, try to stop them okay? Tatawagin ko ang iba." Sabi ko dito.

"Sige. Gagawin ko ang makakaya ko. Dalian mo ah." Tumango ako sakanya at agad nagtungo sa akademya.

Lakad takbo ang ginawa ko para lamang makarating sa field. Halos hingalin ako sa pagtakbo at kailangan ko pang magpahinga saglit bago makarating dito. May mga ibang estudyanteng napapatingin sa akin at agad kong nakuha ang atensyon nila.

Unang tumakbo sa akin si Blue na agad ikinapula ng aking mukha. Damn! Kung kailan naman ako kinikilig tsaka may nangyayaring hindi maganda. Nakakainis naman oh!

"Hey, anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba? Bakit ka ba tumakbo?" Sunod sunod nitong tanong sa akin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga tsaka nagsalita.

"Sa akin wala! Pero kila April at Akira meron!" Sigaw ko upang mataranta ang nga ito.

"What happened to them? May kalaban ba? May dumukot ba sakanila?" Nag-aalalang tanong ni Wayne sa akin. Umiling ako.

"Enggkk! None of the above. Nag-aaway ang dalawa at paniguradong masisira ang quarters. Aubrey is trying to stop them." Pagsasabi ko. Napahawak naman ako sa balikat ni Blue dahil nanginginig ang mga binti at mabuti na lang ay agad niya akong binuhat.

"Let's go. Prof, kayo muna ang bahala dito. Babalik kami pag-ayos na ang lahat." Tumango ito sa sinabi ni Miguel.

"Dalhin ko lang siya sa clinic." Agad kami nagpuntang clinic habang bitbit ako ni Blue. Mahigpit ang kapit ko sa leeg niya at natatakot na mahulog ako.

"Hindi naman kita bibitawan eh. I'm holding you tight, so don't worry. Just rest. Malayo ang tinakbo mo. May kapangyarihan ka naman pero hindi mo ginamit. Hay naku." Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya. Oo nga at muntik ko nang makalimutan na may kapangyarihan pala ako. I was busy thinking to stop them.

Sinunod ko ang utos niya. Nagpahinga ako sa dibdib niya at mas lalong siniksik ang sarili sakanya. Naamoy ko ang kanyang pabango. Isa pa ito eh. Nakakainis. Masyadong mabango kahit pinagpapawisan ay mabango pa rin. Ang sarap amoy-amuyin, hindi nakakasawa ang amoy niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kanyang mga bisig.

~~~~

Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakapatong sa aking tyan. Minulat ko ang mata ko at doon ko napagtanto na nakayakap siya sa akin habang natutulog. Mabibigat ang paghinga tanda ng tulog na tulog ito. Tinaas ko ang kanyang braso at pumaharap sakanya at ngayon ay kitang kita ko siya ng malapitan.

I swear, he's so handsome while sleeping. Kahit hindi naman ata tulog ay gwapo pa rin eh. Kaya maraming mga babae ang nagkakandarapa dito sa lalaking ito. Napahawak ako sa kanyang mukha at sinimulan ko itong sinuri sa kanyang saktong makakapal na kilay, pababa ng mata, ang matangos na ilong, at sa kanyang mapupulang labi na kay sarap halikan. Napahinto ang kamay ko sa kanyang labi habang tinititigan siya doon.

His lips were tempting me to kiss him. It is inviting me to kiss him. Bakit nakakaakit ang labi niya?

Napailing ako. Erase. Erase. Don't kiss him, Chloe. Baka mamaya magising siya—Ah! Bahala na!

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon