Miguel's Pov
"Mahal na hari, muling lumusob ang mga kalaban."
Eto ang bungad sa akin umaga pa lang at napahilot ako ng sentido.
"Saan?" Tanong ko. "Sa hilagang bahagi." Kinuyom ko ang kamao ko. Ano naman ang gusto nilang mangyari? Pati mga inosenteng mages dinadamay nila.
"At isa pa kamahalan, gusto kang makausap ng tumatayong pinuno ng hukbo." Aniya kaya kumunot pa ang noo ko.
Bakit ako gustong makausap? Sa anong dahilan? Hindi na ako nagsalita pa at agad akong nagtungo sa hilaga kung saan sila sumugod. Nakarating ako sa lugar, maraming natutupok na bahay dahil sa apoy, mga bangkay, nagtatakbuhang mga mage at nagmamakaawa.
May mga nagsubok na sugurin ako pero hindi ako nag-aksaya ng oras para kalabanin sila at isang kumpas lang ng kamay ay naging abo na sila. Wala akong panahon para makipaglaro sa kalaban.
May isang lalaking nakatalikod sa akin habang may mga Darkanians na nakapalibot dito, may nakaluhod na isang mage at nagmamakaawang huwag itong patayin.
"Bitawan niyo siya." Utos ko ngunit hindi nila sinunod.
"Ano pang hinihintay niyo? Sundin niyo ang sinasabi ng kamahalan." Agad naman nilang binitawan ang mage at tumakbo ito ngunit bago pa siya makalayo ay bigla nila itong pinaslang.
Nagdilim ang paningin ko kaya pinatay ko ang dalawa at ang lalaking nakatalikod lang ang natira.
"Isang pagkakamali ang pagtapak mo dito." Malamig na saad ko at tumawa ito. Tawa ng isang demonyo. Humarap ito sa akin kaya mas lalong nandilim ang paningin ko.
"Isang pagkakamali? Hahahaha! Kayo ang pagkakamali, kamahalan. Tila nasisiyahan ka sa iyong posisyon, kamahalan." Aniya at may nakakakilabot na ngisi.
"Tigilan mo na ito, Archie. Ano bang kailangan mo?"
Tumawa ulit ito at biglang sumugod sa akin kaya hindi ko naiwasan agad. Nagkaroon ako ng sugat sa pisngi dahilan ng pagkakaroon ng dugo. Bigla itong naglaho kaya inalerto ko ang aking sarili dahil anumang oras ay susugod muli ito sa akin. At hindi ako nagkamali. Nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko at isang katawan ng babae ang sumugod sa akin.
Hindi ako makakilos. Hindi ko magawang makapagsalita. Para akong napako sa kinatatayuan ko habang siya ay nakangisi sa akin at pinaglalaruan ang espada at ang patalim nito.
"Tila nagulat ka yata, kamahalan. Hindi ko aakalain na ganito pala ang iyong magiging reaksyon." Tumawa siya.
Nakalapit siya sa akin, hinawakan ang dibdib ko at pinaikutan niya ako. Pinasadahan ko siya ng tingin at walang pagbabago sa kanyang mukha. Pero, anong ginagawa niya? Bakit siya naririto? Bakit ganito ang nangyayari? Gusto kong magtanong pero walang lumalabas na kahit ano mula sa bibig ko.
Huminto siya sa harap ko at ngumiti ng matamis. Tila nawala ang demonyo sakanya at parang nanghihina siya kaya agad kong hinawakan ang bewang niya. Napasandal naman siya sa akin.
"K-kamahalan...t-tulungan mo ako. M-masakit—AAAHHHH!"
"B-Britney..."
Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko dahil ubod lakas niya akong tinulak at muling nanumbalik ang demonyo sa kanya. Naging itim ang mga mata nito at biglang sumugod.
Hindi siya si Britney. Ginagamit lang nila si Britney laban sa akin. Pero...paano nila...hindi! Ilusyon lamang ito. Hindi nila magagamit si Britney laban sa akin. Isa siyang dyosa at kayang-kaya niya itong labanan.

BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...