Miguel's Pov
"Gusto po kayong makita ng inyong mga magulang, mahal na hari."
Bumukas ang pinto at iniluwa nun si mom na may isang ngiti sa kanyang labi. Tiniklop ko ang librong binabasa ko at isinantabi ito. Niyakap muna ako ni mom bago siya umupo sa harapan ko.
"How's Academy, son?" Tanong niya habang hindi maialis ang ngiti. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at pinatong ito sa lamesa.
"Going well, mom. The students are now having their training until they are prepared." Seryosong sambit ko at napatingin ako nang biglang hinawakan ni mom ang kamay ko.
"When the right time comes, you will choose a hard decision and I hope you will choose the right one."
Kunot noo ko siyang tiningnan at magtatanong pa sana nang bigla na lamang itong tumayo at naglakad palabas ng silid. Napailing na lang ako sa sinabi ni mom. She's really weird sometimes.
~~~~
"Your Highness..."
Ngumiti naman ako sa kanila at sinenyasang tumayo at ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa. Nandito ako ngayon sa akademya upang tingnan kung may progreso ba ang kanilang ginagawang pagsasanay. At sa nakikita ko naman ay may nagbabago.
Kita ko sakanila ang pagtitiyaga at pagsisikap upang magawa nila ng tama ang kanilang page-ensayo. Lumapit naman ako sa mga ilang professor at binigyan sila ng habilin. May mga sinabi ba akong ilan sakanila pagkatapos ay umalis na ako doon dahil nararamdaman kong naiilang sa akin.
Habang naglalakad ay may nakita akong bulto ng isang anino kaya agad ko itong sinundan ng patago. Nakarating kami sa likod ng akademya kaya agad akong nagtago sa likod ng isang pader.
Nakasuot ito ng isang pink na damit at may kausap itong naka-cloak. Naikuyom ko naman ang kamao ko dahil dito at nakikinig sa mga pinaguusapan nila.
"Anong ginagawa mo dito?!" Luminga linga pa ito sa paligid kaya siniksik ko pa ang sarili ko. "Umalis ka na. Baka may makakita pa sa atin dito. Pinaghihinalaan na ako!" Lihim akong napangisi.
You witch!
"Binabalaan kita, Prinsesa. Sa oras na trinaydor mo kami, papatayin namin ang buong angkan mo at wala kami ni isang ititira." Pagbabanta nito. Hindi na ako nag-abala pang sumilip at nakinig na lang sa mga sinasabi nito.
"I know. I know. Ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko kaya huwag mo akong pagbantaan. Kapag kayo ang hindi sumunod sa mga sinabi niyo...isisiwalat ko lahat ng balak ninyo."
Naningkit naman ang mata ko. Ano na naman ang balak nila? Hindi na talaga sila nagtatanda. Kailangan ko gumawa ng hakbang at unahan sila sa mga balak nila.
Humakbang ako paatras ng dahan-dahan at nang makaalis na ako ay may bigla akong nasagi upang bumagsak ito sa lupa at nakagawa ng isang ingay.
"Shit!" Mahinang mura ko. Damn! Hindi ako nag-iingat. Kapag nakita nila ako at nalaman nilang nakikinig ako ay may gawin silang hindi maganda sa akin. But hell, I'm the king!
"Damn! Sino 'yun?! May nakikinig sa atin! Huliin mo at dalhin mo siya sa akin!" Sigaw nito.
"Bakit ako?! Ikaw kaya ang manghuli doon! Ako pa ang inuutusan mo!" Sigaw din nito. Mukhang nagtatalo pa ata ang mga ito.
"Ikaw ang may kasalanan! Kung hindi dahil sa kapabayaan mo kaya may nakarinig sa atin! Kapag nakita ka niya, malilintikan ka, mahal na prinsesa."
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...