TLT 49

293 12 1
                                    

Third Person's Pov

Pagkatapos ng usapan nila HM at Sky, umangat ito sa ere kasabay ng pagliwanag ng kanyang katawan. Mas lumiwanag ang kanyang katawan kasabay nun ay ang pag-iba ng pakiramdam ni Ashley o tamang sabihin ng Dark Goddess. Nararamdaman niya ang malakas na enerhiya at alam niya kung kanino ito nanggagaling.

Isang malalakas na pagsabog ang naririnig mula sa iba't ibang parte ng WhiteLand. Nararamdaman ni Sky kung saan ang mga portal at ahad pinapatay ang mga harang na nasa paligid niya. Sa isang pitik at kumpas ng kamay ay lahat sila ay nakabulagta na sa lupa at hindi humihinga.

Nakita si Sky ng mga Royalties na ibang-iba sa nakita nila. Nararamdaman nila ang malakas na enerhiya. Kung kanina ay halos mawalan na sila ng pag-asa ngayon naman ay halos ngumiti na silang lahat. Isa nga talagang makapangyarihan ang tulad niya. Manghang-mangha sila kung paano nila nakikitang makipaglaban ito. Kitang-kita nila ang pagngisi nito na parang wala lang sakanya ang lahat. Sa kabila ng mga sugat niya sa katawan ay wala na siyang iba pang nararamdaman.

Nagmukha na siyang manhid.

Sa isang iglap ang mga portal ay tuluyan ng nasira. Wala nang mga umaagilid kung saan-saan. Napapatingin at napapalabas ang mga mages sa kanya-kanyang pinagtataguan at kita nila kung paano makipaglaban ito. Kita nila kung gaano siya kalakas at walang pumapantay.

At sa isang iglap, nakarating siya sa kinaroroonan ng Dark Goddess na prenteng nakaupo sa trono. Nasa palasyo sila ng WhiteLand. Ramdam ang tensyon sa pagitan ng dalawa pero agad pumalakpak ang dyosa, tumatawa habang nakangisi.

"Nakakatuwa ka naman."

Sky smirked. "Hindi naman ako mukhang payaso kaya hindi ako nakakatuwa." Nawala ang ngisi sa labi ng dyosa at napalitan ito ng nanlilisik na mata.

Pinagkrus ni Sky ang kanyang braso sa dibdib habang nakatayo sa harapan ng nakaupong dyosa. Umiiling ito.

"Paano ba 'yan dyosa, mukhang tayo na lang talaga ang magtutuos. Wala na ang mga kampon mo na ubod ng kadiliman." She chuckled. "Akalain mo 'yun, maibabalik ko sila sa imperyno at ibabalik din kita kung saan ka nagmula."

"Kung ibabalik mo na din lang ako mas mabuti pang magsama-sama na lang tayo." Pumisisyon ang dyosa at sasabak na sa laban pero si Sky ay nanatiling kalmado at parang walang balak sumugod.

"Hala ka! Hindi ka pa ba na-inform?" Umiling ito habang tumatawa. "Ang impyerno ang palasyo namin. Mukhang hindi mo yata talaga kilala ang kinakalaban mo."

Sa isang iglap ay biglang sumugod ang dyosa sakanya, nagagawa niyang sanggahin ang mga atakeng ginagawa nito. Agad niyang sinipa ito sa tyan upang napahiga ito sa sahig, inupuuan ang tyan at hinawakan ang kamay at nilagay sa ulunan nito. She look at her eyes directly. She can't see emotions.

"Kambal, alam kong naririnig mo ako. Ako ito si Sky, kakambal mo." May biglang bumara sa lalamunan niya. Pilit na nagpupumiglas ang dyosa pero hindi ito nagtatagumpay.

"Alam kong nandyan ka, kambal. Naririnig mo ako, 'di ba? Naaalala mo ba ang Codes nating dalawa?" Nagsimula nang pumatak ang luha niya. Hindi niya alam kung may patutunguhan ang ginagawa niya pero eto na lang ang naiisip niyang paraan. Kahit imposible para sa kakambal niya ay gagawin niyang posible ang lahat. Kahit ano pa 'yun.

"Pero bago 'yun naaalala mo ba ang pangako ko sayo? Hahaha! Imposibleng hindi. Pero ipapaalala ko pa rin sayo. Naaalala mo nung mga bata pa—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang tuluyan nang makawala sa kanya ang dyosa. Agad siyang sinipa upang siya naman ang mawalan ng balanse. Hindi na siya nakapaglaban, nanghihina siya.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon