A/N: I'll be using third persona. Laman nito ay puro mga kabaliwan at ka-echosan ng author niyo. Chos. Naguguluhan ba kayo? Basahin niyo na lang. Malalaman niyo rin😉😂
Third Person's Pov
Lahat sila ay tahimik habang prinoproseso ang sinabi ni Jessica sakanila. May mga katanungan pa rin sa mga isip ang mga ito. Kailangan nilang magsabi dahil baka sumabog ang utak nila kakaisip ng mga dahilan o rason kung bakit at paano. Bakit nangyari ang mga bagay na 'yun? Paano 'yun nangyari?
...Flashback...
Nagsimula ang lahat sa isang pangitain ng isang bata. Nagulat ang magasawang White dahil sa biglaan nitong pagdating. Noong mga panahon na 'yun ay tahimik pa ang buong mundo. Punong-puno pa ng kasiyahan ang lahat. Walang naaapi at kabutihan lamang ang dala. Ngunit dahil sa sinabi ng isang bata ay nagpagimbal sakanilang nararamdaman.
"Ang anak na iyong isisilang ay siyang magbabago sa lahat.
Ang mga batang ito ay siyang magdadala ng panibagong suliranin.
Mga pangyayaring hindi inaasahan.
Ang pagiging ganid sa kapangyarihan
ay siyang magdadala sa walang katahimikang gulo."Bahid sa kanilang mga mukha ang takot. Naiintindihan nila ang sinasabi nito at napahawak siya sa kanyang tyan na maliit pa lamang. Mga bata. Kung tama ang nasa isip ng reyna hindi lang iisa ang kanyang pinagbubuntis. Maaaring dalawa o tatlo o apat ang mga ito.
"Anong mangyayari? Ano ang gagawin namin?" Tanong ng hari na puno ng pangamba para sa kanyang mag-ina lalo na sa kanyang mga anak.
Muling lumiwanag ang mata ng bata at nagbigkas ng mga salita upang gumuho ang mundo ng mag-asawa. Umiling ang reyna at nagbabadyang tumulo ang luha nito.
"Gagamitin ang mga sanggol sa kasamaan.
Sasakupin ang buong sangkatauhan.
Isa lamang ang solusyon.
Ang mamatay ang panganay na anak."Tinuro niya ang bata at kung ano-ano ang pinagsasabi. Hindi pwede! Hindi niya ito matatanggap. Hindi pwedeng mawala sakanya ang kanyang mga anak. Hindi niya ito mapapayagang mangyari.
"No! Pinagloloko mo lang kami! Hindi mawawala ang anak ko sa amin! Hindi ko papayagang mangyari ang mga bagay na 'yun." Lumapit siya sa bata at lumuhod tsaka niyugyog ang mga balikat nito.
"Sabihin mo sa akin, may ipa bang paraan. Hindi mawawala ang anak ko sa amin. Tell me there is another way!" Halos humagulgol na sa iyak ang Reyna Roxanne. Nilapitan siya ng asawa na si William at nilayo sa bata ngunit nagpupumiglas ito.
"Paniguradong may ibang paraan. 'D-diba, m-may iba pang paraan, William?" Niyakap nito ng mahigpit si Roxanne at napatingin sa bata na umiiling.
Wala na. Walang ibang paraan. Nakakatawa lang dahil sa dinami-dami ng pwedeng mawala ay anak pa nila. Kung mawala man ang isa sa mga anak nito ay hindi niya kakayanin. Mawala lahat ang mayroon sa kanila pero huwag ang anak nila. Mahal na mahal nito ang mga anak nila.
Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ng hari. Pero nagawa pa rin nitong magtanong sa bata.
"Sa pangalawang anak ko...si Miguel Shin, anong mangyayari sakanya?"
Isang matamis na bata ang binigay sakanya habang hinahaplos nito ang buhok ng kanyang asawa na mahimbing na natutulog dahil sa kapaguran.
"Isang magiting na pinuno balang araw, mahal na hari. Ang iyong anak na punong-puno ng pagmamahal sa kanyang nasasakupan." Napangiti rin ang hari dahil sa sinabi nito.
Magiging isang magaling na hari ang kanyang anak. Ang sunod na titingalain ng lahat. Ang anak niya na walang ibang hinangad kundi ang kabutihan ng sanlibutan. Handang tumulong sa kahit na sino at walang tinatapakan na kahit isang mage.
Umalis ang bata ngunit hindi nila alam na may nakikinig na pala sakanila nung mga araw na 'yun. Sinundan ng isang napakagandang batang babae ang bata na naglalakad sa labas ng palasyo. Mabilis niya itong sinundan at hinawakan sa kamay. Ngunit may naramdaman itong kakaiba.
"Ikaw marahil ang batang propesiya, tama ako 'di ba?" Kabang kaba na tanong ng batang babae dito. Humarap sakanya ang bata at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Ako nga, mahal na prinsesa. Kinagagalak kong makilala ka. Ako nga pala si Rianna Salvador." Ngumiti ito pabalik.
"Tama ba ako ng rinig kanina? Mamatay ako? Pero bakit? Anong mangyayari?" Sunod-sunod na tanong nito sa batang Rianna. Hindi ito umimik at halos bumagsak ang balikat nito.
Totoo nga na mamatay ako. Pero sa anong dahilan? Gusto niyang magtanong pa pero hindi nagsasalita si Rianna. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit siya mamamatay. Anong mangyayari sakanya? Hinawakan ni Rianna ang kamay nito upang mapatingin siya dito. Pinunasan nito ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.
"Jessica, marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang mga bibitawan kong salita ngunit sana maging malakas ka." Natahimik ito at biglang nagliwanag ang mga mata nito.
"Jessica, sa pagdating ng tamang edad ng mga kapatid mo ikaw ay muling mabubuhay. Kayo ang magiging susi ng kaligtasan ng ating mundo."
Tama siya. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng bata. Gulong gulo ang isipan niya nang mga panahon na 'yun. Tulala siyang nakauwi ng kanilang palasyo. Isa lamang siyang bata na walang kamuwang-muwang. Hindi pa gamay ang kapangyarihang kanyang taglay. Anong susi? Umiling na lamang siya baka sakaling mawala sa isipan niya ang mga katagang binitawan ng bata.
Tanaw niya ang kanyang kapatid na nageensayo ng kanyang kapangyarihan pero kahit anong gawin nito ay walang lumalabas. Pinuntahan niya ang kanyang kapatid at binuksan ang palad at lumabas ang kapangyarihan nito.
"Anong ginagawa mo?" Inosenteng tanong ng batang Miguel. Umirap si Jessica dito.
"Duh, ano pa nga ba? Edi use my power." Mataray na sambit nito. Nanlalaki ang mga mata ni Miguel habang nakatingin kay Jess. Sinunod nito ang sinabi ng kanyang ate.
Halos mamangha si Jess sa ginawa ng kanyang kapatid. Gumagawa ito ng snowman at napupuno ng nyebe ang paligid nila. Kontroladong-kontrolado na ni Miguel ang kapangyarihan nito kahit sa murang edad pa lang. He has no power. But he can inherit it through someone.
Ilang buwan ang nakalipas ay lumalaki na ang tyan ng reyna. Nalalapit na rin ang panganganak nito at mas nangangamba siya sa mangyayari para sa kanilang mga anak. Ilang buwan siyang naghanap ng kasagutan ngunit wala ni isa. Naghanap siya ng pwedeng solusyon pero wala.
Ilang araw nakalipas bago mangyari ang lahat, muling nagpakita ang bata na si Rianna sa harap ng isang batang lalaki. Mahimbing itong natutulog. Nagliwanag ang kanyang mga mata at kasabay nun ay ang pagpapakita ng isang batang babae sa kanyang panaginip.
"Isang hindi pwedeng pag-iibigan ang mamumuo sa pagitan ng dalawa.
Sa kanilang pagsilang ay ang kanyang pagsilang.
Mabibigat na tungkulin na dapat ninyong gampaning mabuti,
Para sa huli'y walang magsisisi."To be continued...
—
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasiMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...