Stephanie's Pov
Inayos ko ang sarili ko at inihahanda sa laban. May mga sumugod na Darkanians dito sa kaharian namin at tumutulong ang ibang mga kawal lalo na si Ced. Hindi ko rin kayang manood at maghintay dito habang sila nakikipaglaban.
Agad akong dumating sa kinaroroonan ng mga kalaban at kita ko kung paano nahihirapan ang iba. How can be they this powerful right now? Nakakapagtaka, kung dati madali silang mapabagsak ngayon naman hindi basta-basta. That's why they have guts to get here. I hate their guts, really. I hate them right now and I want them to burn literally until their body turn into ashes.
They are the reason why my friend died. They are the reason why Wayne is hurting and he need to stay away. Damn them! Gusto ko silang pabagsakin! Gusto ko g maranasan nila ang mga nararanasan namin. Gusto kong maranasan nila kung paano namatay si Akira!
They'll face the wrath of mine.
Lahat ng mga nagtatangkang humarang sa dinaraanan ko ay walang awang pinapatay ko. They're not even worth to live. I will send them not in the paradise but in hell. Doon sila nababagay. Doon sila nararapat.
Malalakas na kulog at kidlat ang pinakawalan ko. All I feel is anger. That's all. Hindi ko pinansin ang mga pagmamakaawa nila sa akin. I'm unstoppable. Dinig na dinig ko ang mga daing ng bawat nadadaanan ko na mga Darkanians, mga pagmamakaawa nila na hindi ko pinapansin.
"M-maawa k-ka, P-prinsesa. M-may mga m-magulang p-pa a-ako." Sabi ng isang kalaban na nakaluhod sa harapan ko at punong puno ng dugo ang katawan nito. Halatang nahihirapan at nagmamakaawa sa akin.
Pinantayan ko siya at tiningnan sa mata. Mas malamig pa sa yelo kung ako'y makatingin habang nagmamakaawa ito.
Ngumisi ako. "Give me a reason why would't kill you." Kita kong lumunok siya at halata sa kanyang mga mata ang takot, nanginginig na mga binti at kamay. Tss. Ganito ba kung i-ensayo ni Van ang mga Darkanians?
Mga takot na parang pusa kapag nakaharap nila ang kalaban. Mas lalo naman akong napangisi sa sagot niya at matapang na sinagot.
"I can offer my life. I will serve you, Princess. I will do everything for you...just let me live."
Umayos ako ng tayo at pinakatitigan siya. "Leave." Malamig na sabi ko at mukhang nagulat naman ito.
"H-ha?"
Umirap ako sa kawalan. "I said leave. I don't want a darkanians like you to serve me...but," I paused and let out a smirk. "I will take this an opportunity besides you offer to serve me." Kumunot ang noo niya. Nilahad ko ang kamay ko at pinakatitigan 'yun. Pero 'di kalaunan ay tinanggap niya ito.
"What do you mean by what you said?"
Ngumisi ako at sinabi ang mga kailangan ko. Alam kong labag sa kalooban niya but I don't care about that anymore. Sa akin siya kampi at wala siyang magagawa doon.
Days passed and he did what I told him. I didn't bother to know his name. Basta pinapagawa ko ang inuutos ko. Sa mga nagdaang araw ay alam ko kung ano ang mga pinaggagagawa nila. He's true to his words.
Nagtangka silang sumugod sa WitchyLand Kingdom kung saan ang palasyo nila Chloe. Sinabi ko ang balak nila at nagawan agad nila ito ng paraan. Wala masyadong nagawang pinsala ang mga ito at mabuti na lang 'yun.
Sunod nilang sinubukan na sugurin ay ang kaharian nila Kurt ang Aero Kingdom. Katulad ng ginawa ko sa una ay ganun din. I warned them about what will happen. Wala silang nagawa kundi ang sundin ito. Dahil alam nilang anumang oras ay susugod at susugod ang mga ito. Napagtagumpayan naman nila.
Sa ngayon tahimik ang mga ito at 'yun ang sinabi ng lalaki sa akin kanina. Nakipagkita ako sakanya upang malaman kung ano ang mga ginagawang hakbang ng mga Darkanians. Sa ngayon, wala silang ginagawang hakbang at kung sakaling nagpa-plano sila ay kailangan naming mapaghandaan 'yun.
"Mahal na prinsesa, may itatanong sana ako." Sabi niya habang kumakain. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Pagkatapos kong takutin ito ay hindi na ako nagabalang tanungin ang ngalan nito.
Hindi ako sumagot pero nagtanong pa rin ito. "Kilala mo ba kung kanino ito?" Pinakita niya sa akin ang tela na kulay rosas. Taka ko itong tiningnan.
"May nagpupunta sa kaharian nitong mga nakaraang araw. Ang weird dahil kakaiba ang pakiramdam ko sakanya. Sa tingin ko babae ito. Sakanya ang punit na tela na ito. Dahil alam kong sainyong magkakaibigan ay isa lang ang mahilig sa kulay rosas." Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin.
"Sa tingin ko parehas lang tayo ng naiisip. Sa tingin mo, prinsesa, anong ginagawa niya sa palasyo?" Tanong niya pero para sa akin isang palaisipan 'yun.
Umiling ako. "Maraming nagmamay-ari ng ganito, lalaki. Hindi tayo parehas ng iniisip." Matabang na sabi ko dito.
"Sabi mo eh. Tsaka hindi lalaki ang pangalan ko. Grabe ka naman, prinsesa. Gian ang pangalan ko 'no." Asik nito sa akin at inirapan ko na lang siya.
Nakaupo kami sa isang trunk ng puno. Madalas na hindi ako nakakasama sa mga kaibigan ko dahil sakanya para sa mga plano ng Darkanians. He's willing to do that naman eh at mukhang nage-enjoy siya sa pagiging traydor sa sariling kaharian.
Bumaba ako na agad niya akong sinunod. Nagmumukha siyang buntot ko pero wala akong pake. Bahala siya. Pwede naman na siyang umuwi eh.
"Steph!"
"Mahal na prinsesa!"
Napahinto ako sa paglalakad ng may dalawang tumawag sa akin. Napatingin ako kay Nathan na nakangiti sa akin at tumingin din ako kay Gian na papalapit sa akin.
"Steph saan ka galing?" Tanong niya nang makalapit sa akin.
"Prinsesa, may ibibigay sana ako." Sabi naman ni Gian. Napatingin naman si Nathan kay Gian at ang kaninang nakangiti ay naging malamig ang mata.
"Who's that, Steph?" Tanong ni Nathan at napatingin ito sa uniform niya. Napalunok ako. Patay.
"He's a Darkanian! What do you want?" Tinago ako ni Nathan sa likuran niya.
"Sa'yo mahal na prinsipe, wala, pero sa prinsesa meron." Saad nito. Kita ko naman na parang wala lang sakanya kapag nakaharap si Nathan. Ako ang kinakabahan eh.
"Bakit kayo magkasama? Anong kailangan mo sakanya? Sino ka ba?" Sunod sunod nitong tanong dito.
Napailing ito tsaka tumawa. "Isa lamang akong lumalabas at masok dito. I'm harmless, Prince. Nothing to worry about," bumaling naman ang tingin niya sa akin pagkatapos ay ngumiti. "Sa susunod ko na lang ibibigay, Prinsesa. Magkikita pa naman tayo eh. Ingat!" At walang pasabi na naglaho ito at kaming dalawa ang naiwan ni Nathan. Para naman siyang napahinga ng maluwag dahil dito at hinarap ako.
Magkasalubong ang kilay niya at masasamang tingin ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tingin pa lang niya. Wala ring ekspresyon ito.
"Isang tanong, isang sagot, Stephanie." Malamig nitong sabi sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"A-ano 'yun." Damn! Nauutal pa ako ngayon. Lumapit pa siya ng bahagya sa akin at magkalapit na ang katawan namin.
"Anong kaugnayan mo sa isang darkanians?" Sabi na nga ba ang 'yun ang tatanungin niya. I should tell him because he needs to know. Alam kong napaghahalataan na nila kung saan ko nalalaman ang mga ito. I sighed and look directly in his eyes.
"He's someone that important to me right now." Hindi ko alam pero mas lalong dumilim ang mukha niya. Lalo akong kinabahan dahil dito.
Hindi siya ang Nathan na kilala ko. Ibang iba sa Nathan na palaging gutom at nakangiti. Masayahin, pero ngayon madilim ang mukha. My hands were trembling.
"Is he?" He asked and I gradually nod. "I will kill him when I see him in DarkLand. I don't want him to be important to you. Gusto ko ako lang. Dapat ako lang ang importante sa'yo."
—
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...