TLT 8

562 26 1
                                    

April's Pov

Nakarating kami sa mundo ng mga tao na madilim ang paligid. Gabi na kaya ganito. Muntikan pa ako nawalan ng balanse at mabuti na lang agad akong nahawakan ni Jerome sa bewang at napahawak ako sa batok niya. Pagkatapos ay umayos kami ng tayo at pinagmasdan ko ang paligid.

Nalanghap ko ang hangin, sariwa ang hangin dahil nasa kagubatan kami ngayon. Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin ngayong gabi. Ang kailangan namin ngayon ay ang matitirahan pansamantala.

Nagumpisa na kaming maglakad at mga yabag namin ang naririnig. Mga tuyot na dahon at huni ng mga ibon. Tinalasan ko rin ang pakiramdam ko baka mamaya may biglang sumugod sa amin at bigla kaming patayin.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang hinawakan ni Jerome ang braso ko.

"Ano?"

"Kailangan natin ng ilaw baka mamaya may ahas at tuklawin tayo." Napairap naman ako dito sa sinabi niya.

Kalalaking tao takot sa ahas. Gosh! Gamit ang hinlalaki ko ay may apoy na lumabas dito at muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Nakalabas kami ng gubat na walang tumutuklaw na ahas sa amin. And now, we are nowhere to go. No house to stay at night, no foods, don't know where are we and last, I can see a lot of cars dude. So apparently, we are in the city in the mortal world.

"Maghanap tayo ng matutulugan." Jerome said and I nod at him as we walked again in the middle of the night.

Sari't saring ingay ang naririnig namin, mula sa mga busina ng mga sasakyan, mula sa mga ingay ng tao at wang wang ng ambulansya. But I don't mind that.

Nakahanap naman kami ng isang bahay pero hindi ganun kalaki at sakto lamang para sa aming dalawa. Nagbigay si Jerome ng dalawang ginto at halata sa mukha ng ale na nagtataka at parang hindi naniniwala sa ginto na binigay.

"Miss that gold is true, kahit ipacheck mo pa 'yan." Bored na sabi ko at mukhang naniwala naman na at binigay sa amin ang susi ng bahay tsaka ito umalis. Napailing naman ako at pumasok kami sa bahay.

Malinis naman at kulang nga lang sa gamit pero okay na rin dahil ilang araw lang naman kami magtatagal ni Jerome dito. We just need to buy some clothes, foods for stocks. Wala na kaming balak magstay dito at maggala. Maybe soon after the shits in our world but for now, focused on the mission that gave to us.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis sa bahay na tinutuluyan namin para bumili ng mga damit at mga pagkain. Pero bago 'yun ay pinapalitan namin ang mga ginto na dala namin at binigay sa amin ang pera. Mortal humans are greed when it comes to money and power. Madali silang nasisilaw sa pera at kahit ginto ay ginagawa nilang big deal.

We can supply them golds if they want para naman hindi na sila maghirap at mangorap ng mga tao. Duh, too many golds at home.

After bumili ng mga kinakailangan namin ay dumiretso kami sa unibersidad kung saan nag-aaral ang isang Knight. Kailangan muna namin imbestigahan ang lugar at tingnan kung may kahina-hinala ba sa mga ito but unfortunately wala naman. They are simple students and have a responsibility and that finishing their studies. While us, we have a huge responsibility. Some of us will be the ruler of the kingdom and I wish to be like them. Walang inaalala at walang pinoproblema.

Natapos ang buong araw sa paghahanap pero ni isa ay wala kaming nakita. Hindi talaga madali ang paghahanap ng isang tao kung ayaw magpahanap.

Does he or she know about our existence?

Does he or she about his or her responsibility?

"We need a plan, April. Hindi natin mahahanap ang Knight kung magsusubaybay lang tayo doon. May naiisip kang plano?" Tanong nito habang kumakain ng chips na binili namin.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon