Third Person's Pov
Continuation...
"Mahal na hari! Sumusugod ang mga taga-DarkLand sa palasyo!" Pagbibigay ng mensahe ng isang heneral na si Jared.
(A/N: kung naalala niyo si Jared na may lihim na pagtingin kay Roxanne. Nasa prologue siya ng Book 1 ng TLT. Wala lang. Share ko lang😂)
Nagkatinginan ang magasawa at biglang kinutuban ng masama ang reyna. Napahawak siya sa kanyang tyan kasabay nun ay ang malalakas na pagsabog na naganap. Napalunok ang reyna habang ang hari naman ay hindi mapakali sa nangyayari. Isang sunod-sunod na malalakas ulit ang nangyaring pagsabog.
Heto na ba ang sinasabi ng batang 'yun? Napailing siya. Hindi maaari. Anong gagawin niya? Sumusugod ang mga DarkLand sakanila at wala siyang magawa dahil buntis ito. Hindi niya matutulungan ang asawa na protektahan ang mundo dahil mas uunahin niya ang kaligtasan ng batang nasa sinapupunan nito.
Si Jessica! Agad siyang napatingin kay William at punong puno ng pag aalala ng mukha nito. Hinawakan niya ang braso ng asawa upang mapatingin siya dito.
"A-ang mga anak natin...sila Jess at Shin." Nanginginig na sambit niya.
Takot siya hindi dahil sa mga nangyayari kundi dahil sa kanyang mga anak. Kilala siya bilang isang brutal na walang awang pumatay pagdating sa mga kalaban. Pero pagdating sa pamilya ay nagiging mahina ito.
"Ako na ang bahala sakanila. You better stay here. For the safety of our children, okay?" Tumango ito kay William at agad umalis upang puntahan ang mga anak.
Kinakagat-kagat niya ang labi at maging ang kanyang mga kuko; mga bagay na kanyang nakasanayan kapag nababahala sa mga nangyayari. Palakad palakad ang ginawa nito pero napatigil siya nang nakaramdam siya ng sakit kaya napahawak siya sa upuan. Mas tumindi pa ang kirot na kanyang nararamdaman until her water broke. She screamed.
"AAAAAAAAHHHHHH!"
Napahawak siya sa kanyang tyan. Manganganak na siya! May mga pumasok na mga katulong nila at doon nila napansin na manganganak na ang kanilang reyna. Agad nilang pinahiga ito sa kama. May mga sinabi ang mga ito pero hindi niya naririnig. Tanging tambol ng kanyang puso ang kanyang naririnig.
"Mahal na reyna, naririnig niyo ba ako? Kailangan niyong umire."
Narinig niya. Umire siya at napahawak siya sa bedsheet ng kanilang kama. Ilang ulit niyang ginawa 'yun hanggang sa nakalabas ang anak niya. Nakahinga ito ng maluwag at parang ilang sandali pa ay mawawalan siya ng ulirat.
"Napakaganda ng sanggol—"
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"
Hindi natuloy ang sasabihin nito dahil sumigaw ulit siya. Habol hininga ang ginawa nito hanggang sa ginawa ulit nito ang umire.
"May isa pang sanggol!"
Hindi nga nagkamali ang batang 'yun. Dalawa ang kanyang anak. Ginawa niya ang inutos ng babae. Umire siya hanggang sa nakalabas ito. Binalot ang mga sanggol sa lampin na magkaiba.
Ilang oras ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang asawa nito at nagaalala na rin siya. Nanghihina pa ang kanyang katawan dahil sa panganganak nito. Hindi rin niya alam kung nasaan ang mga anak niya dahil nasa sarili nilang silid ito. Hanggang sa dumating si Miguel na gustong tumulong ngunit mariing huwag itong tumulong dahil baka mapahamak ito. Sinabi ng kanyang ina na hindi pa niya kontrolado ang kapangyarihan nitong tinataglay ngunit mali siya. Nagagawa na niyang kontrolado ito dahil lihim itong nageesnsayong magisa kasama ang kanyang nakakatandang kapatid. Pinapalabas lang na hindi pa kaya nito upang huwag siyang pagdudahan.

BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
काल्पनिकMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...