TLT 25

400 18 5
                                    

Hope's Pov

Nakalabas kami ng clinic at hinila niya pa rin ako papunta sa kung saan hindi ko alam. Hinayaan ko na lang na tangayin niya ang pinakamagandang ako kaysa sa magreklamo sa ginawa niyang paghihila sa akin.

Napadpad kami sa cafeteria kung saan maingay ang lahat. Puro reklamo ang naririnig ko sa loob pero hindi ko na lang ito pinansin. May mga napapatingin sa direksyon namin o tamang sabihin sa akin. Pero ano bang pakialam ng magandang ako?

"Kamukha niya talaga girl."

"I know right."

"Balita ko Hope ang pangalan niya."

"Kamukha niya si Sky mga pare."

Kung ano ano pa naririnig ko. Tss.

Napadpad kami sa dulong bahagi ng cafeteria at mukhang kanina pa naghihintay ang mga kaibigan ko. Kawawa naman ang mga ito at mukhang gutom na gutom na. Hahaha.

"Sa wakas! Dumating din ang kanina pa namin hinihintay." Yan ang bungad sa amin.

"Saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinihintay."

Napatawa naman ako. "Hindi naman halatang miss niyo ako. Nasa clinic ako at doon nagpahinga. Kastress kaya." At inayos ko pa ang bangs ko tsaka umupo.

"Ay ano 'yan, 'te? May bangs?" Napanguso naman ako tsaka sila nagtawanan at nagapiran.

"Walang basagan ng mga trip, tsong. Nasan pala si Jake?" Tanong ko nang mapansin na siya lang ang wala dito sa grupo.

Napailing naman at nagkibit balikat ang iba tanda ng hindi nila alam kung nasaan ito. 'Yun talagang lalaking iyon! Palaging missing in action. Saan naman kaya 'yun nagpupupunta?

Umorder na ang ibang lalaki dahil sila ang nagprisinta na kukuha ng makakain namin. Sinabi ko na rin lang ang akin. Busy akong nakikipagchikahan dito sa mga ito at kung saan napapadpad ang usapan. Sinasabayan ko pa trip nila minsan. Sa totoo lang kami ang pinakamaingay dito sa loob ng cafeteria. Maiingay kasi itong mga kasama ko.

Nagpalinga-linga naman ako at huminto ang paningin ko sa isang grupo na nagtatawanan din. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin at nagkatitigan kami. Pero umiwas agad siya ng tingin sa akin kaya binalik ko na rin ang atensyon ko sa pagkain. Nakarating na rin ang mga boys kaya nagumpisa na kaming kumain.

"Saan pala tayo nito mamaya?"

"Magshopping tayo! Namimiss ko na magshopping tsaka baka hindi na tayo makakapasyal sa susunod."

"Tama! We should enjoy this day dahil sa susunod ay baka hindi na. Hahahahaha!"

"Truueee! Sama ako. May bibilhin ako eh."

"Eh ikaw, Hope, sasama ka?" Napaangat naman ako ng tingin ng tanungin nila ako.

"Ha? Saan?" Napaface palm naman sila sa tanong ko at binatukan pa ako kaya napanguso naman si ako.

"Gaga! Nakikinig ka ba? Sa mall at magshopping o kaya mamasyal. Ano g ka?"

Hmmm. Mall? Shopping? Tapos pasyal? I don't think so. I'm busy and I don't have time for that. Marami pa akong pwedeng pagkaabalahan tsaka isa ako sa mga bagong estudyante kaya kailangan kong makahabol.

I shrugged. "Sorry, guys. Maybe next time? Kailangan kong makahabol sa mga lessons."

"Awtts. Oo nga pala. Sige sa susunod sumama ka." Tumango naman ako tsaka ngumiti.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon