TLT 33

344 14 9
                                    

Chloe's Pov

"Kath!" Sigaw ko nang makita ko siya dito. May mga kinakalaban itong demonyo kung saan nanggaling. Kanina ko pa sinusubukang makawala dito sa hawlang ito kung saan ako nakakulong pero hindi ko magawa. I chant some spells but it didn't work. Sinubukan ko na lahat-lahat pero wala pa rin.

"Blue!" Sigaw ko sa pangalan niya upang mapatingin sa akin. Agad itong nagtungo sa akin na nagaalalang mga mata.

"You okay? May masakit ba sayo? Damn! Bakit ka nandyan sa loob?" Aniya habang sinusubukan akong pakawalan. Kahit kapangyarihan niya ay hindi kaya.

"Okay lang ako. Si Kath," napatingin ako sa direksyon niya na parang nahihirapan na. Mukhang malalakas ata kalaban niya. Marami na rin itong natamong sugat. "She need help. Tulungan mo siya, Blue." Napatingin sa siya sa akin na nag-aalangang mga mata. Ngumiti ako para kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman.

"Okay lang ako. Now, help her." Nang masigurado niyang okay lang ako ay agad niyang dinaluhan si Kath.

Ngayon naman ay kailangan kong makalabas sa hawlang ito. Kailangan rin nila ako lalo na't marami sila at kakaunti lang kami. Mukhang malakas ang spell na ginamit dito kaya hindi ako makawala. Naghanap na lang ako ng pwedeng malusutan baka sakaling makalabas ako dito.

Medyo maluwang ang mga pagitan ng bakal kaya agad akong sumiksik dito pero habang ginagawa ko 'yun ay parang napapaso ang mga balat ko. Napahawak ako sa kanang braso ko na may paso. Mukhang mahihirapan talaga ako dito.

Sinubukan ko ulit pero ganun din ang nangyayari sa akin. Kasya naman ako kaya kailangan kong magawa ito. Nagbigkas ako ng spell para pangontra sa init at paso. Hindi din naman ito magtatagal kaya kailangan kong madaliin.

Inuna ko ang kanang binti ko, sunod naman ay ang katawan ko. Masikip pero kaya. Pigil hininga ang ginagawa ko kaya medyo nahihirapan ako. Nang sa wakas ay nakalabas na rin ako. May mga sumugod sa akin na agad kong naiwasan. Hindi nga sila basta basta base sa enerhiya na nararamdaman ko. Malalakas ang mga ito kaya kailangan doble or triple ang lakas na magagamit.

Agad kong pinuntirya ang ulo nila kung saan naroroon ang puso. Agad itong tumumba kaya dali akong nagtungo sa akin. Napalingon sa akin si Kath at sumigaw pero huli na ang lahat.

"KATH!" Sigaw ko dahil bigla akong tinulak nito at siya ang napuruhan. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita siyang bumagsak sa sahig. Parang slow-motion ang nangyari.

"KATH!"

Tiningnan ko ang may gawa nun. Halos manlumo ako nang makita kung sino ang may gawa nun. Napalunok ako nang tumawa ito ng mala-demonyo.

"Oopps! I didn't mean it. Dapat ikaw 'yun Chloe, kung hindi lang humarang si Kath." Natatawang sambit nito at halos ikuyom ko ang kamao ko. Nanggagalaiti ako sa galit. Anger build inside me.

"You TRAITOR!" At walang alinlangang sumugod sakanya.

Tatawa-tawa siya habang umiilag sa atake ko. Wala akong pakealam! Pinatay niya si Kath! Dapat lang na magbayad siya! Wala akong pakealam kung kaibigan ko siya. Isa siyang traydor!

"You will pat for this, Aubrey!"

Isang bola na kulay violet ang pinakawalan ko. May namumuong kung ano dito, sa galit ko, binato ko sakanya kasabay ng mga atakeng ginagawa ko. I cut her arms, sumigaw siya sa sakit. Sumirit ang dugo dahil dito pero wala akong pakealam. Sunod kong ginawa ay sinugatan siya sa binti upang mapaluhod ito. Naging mabilis ang galaw ko at ngayon ay nanghihina na siya.

The Legendary Twins (Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon