Wayne's Pov
Kanina pa ako nangiti dahil excited ako mamaya. Hindi naman halata, 'di ba? Pero wala akong pake. Basta magde-date kami. Pambawi ko sakanya kasi nagkatampuhan kami. Hindi ko naman siya matitiis eh. Mahal ko kaya 'yun kahit palagi niya akong kinakagat. Nagiging hobby na niya. Hahahaha.
Hindi ko pinapansin ang mga babaeng nagpapapansin sa akin. Ang pinapansin ko lang naman ang bebeloves ko eh. Siya lang ang papansinin ko, wala ng iba pa. Siya rin lang ang mahal ko, wala ng iba pa.
Nagtungo ako sa quarters namin baka nandun 'yun at naghihintay. Baka wala ang iba, edi masosolo ko siya. Whahahaha. Walang greenminded ah. Masosolo na kausap, masosolo na makatawa, masosolo na kalandian. Grabe iniimagine ko pa lang ang mukha niyang nakakunot ang noo o di kaya'y mga ngiti at tawa niya, mas napapangiti na lang ako.
Grabe, ang lakas talaga ng dating niya sa akin. Shet! Kinikilig ako!
Wala pa sila dito. Hmmm, nasan kaya sila? Siguro pumasyal kasama siguro si Akira. Tama. Hihintayin ko na lang sila dito at gusto ko makikita ko na agad siya. Aba, miss na miss ko na ang bebeloves ko kahit kakakita pa lang namin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay. Nagising na lang ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba. Nandito pala ako sa kwarto ni Akira at agad kong naamoy ang matamis niyang pabango. Nakakaadik.
"Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari."
"Anong hindi pwedeng malaman?" Tanong ko at agad naman silang napatingin sa direksyon ko pagkatapos ay kanya-kanya silang tayo.
Lahat sila nakahilera na tila may tinatago sa likod. Ano naman kaya tinatago nila? Aha! Baka naman si bebeloves? O baka...magpo-propose na siya sa akin? Shit! Kinikilig ako.
"K-kanina ka pa ba d-dyan?" Napansin ko din na namumula ang mga mata nila lalo na si Chloe. Umiwas lang siya ng tingin. May nangyari ba sakanya? Pinaiyak ba siya ni Blue? Aba!
"Ah, hindi naman." Tanging sabi ko habang pasimpleng tumitingin sa likod nila at todo takip naman sila. Mukha naman silang nakahinga ng maluwag.
Napadako naman ang tingin ko kay Miguel na nakatingin sa kawalan at may dugo ang damit niya. May nakalaban kaya siya? Tsaka sino naman?
Teka bakit ko ba 'yun inaalala. Si bebeloves lang dapat inaalala ko na hindi ko pa rin nakikita. Nasan kaya siya?
"Nakita niyo si bebeloves?" Nakangiting sagot ko at natahimik naman sila.
Si Chloe naman ay nagsimulang nanubig ang mata niya na agad siyang niyakap ni Blue. Sila Jerome, Kurt, Nathan ay napaiwas ng tingin. Si April na naluluha, si Aubrey na umiiyak. Si Miguel na hindi makatingin sa akin.
"Mukha kayong namatayan dyan. Bakit ba kayo umiiyak? Nasan si bebeloves?" Tanong ko sakanila. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda. Base sa mga mukha nila hindi nila alam.
Bebeloves...nasan ka ba? Hinihintay kita dito, oh.
"Nagshopping ba siya? Pumasyal ba kayo? Nasan siya? Magpro-propose na ba siya sa akin? Tsaka ano 'yang tinatakpan niyo sa likod?"
Lumapit ako pero agad akong pinigilan ni Ice na namumula rin ang mata. Umiling siya sa akin. Anong ibig sabihin nun?
"Bakit ba hindi niyo ako sinasagot? Nasan ba si Akira?" Nagsisimula na rin akong mainis.
Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin? Simpleng mga tanong lang naman ang tinatanong ko pero bakit parang ang hirap nilang sagutin iyon?
Biglang may nakita akong kamay at may umagos pa na dugo mula doon. Maya-maya pa ay nakita ko ang kulay asul na porselas at nabahiran iyon ng dugo. Pamilyar iyon sa akin. Ganun na ganun ang binigay ko kay...
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...