April's Pov
After namin linisin ang kalat at sinigurado na walang kahit anong makikita dito ay bumalik kasi sa kwarto ni Kane na ngayon ay sira sira ang buong silid. Ilang beses ko itong narinig bumuntong hininga habang kami naman ay nakaupo sa sofa na nandito sa kwarto niya. Nagpapahinga muna bago umuwi sa mundo namin.
Si Kath ay tahimik lamang habang nakatingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan pa rin sa akin—sa amin kung paano niya kami natunton dito sa mundo ng mga tao. Sa tagal ng panahon na nawala siya, ngayon lang siya magpapakita sa amin.
"So, what now?" Pinagkrus ni Kane ang braso niya tsaka sumandal sa pader.
"We need to go home." Kath said. Pareho naman kaming sumang-ayon dito dahil kapag nagtagal pa kami dito ay hindi malabong susundan kami dito ng iba pang Darkanians.
"Okay. 'Yung tinatawag niyong 'home'. Where is that?"
"WhiteLand Kingdom, where do you belong." Sagot ko dito.
"O-kay. Ano pa ang hinihintay natin? Tara na!" Excited na sabi nito kaya binuksan ni Jerome ang portal at tumayo na rin kaming lahat.
Nanatiling tahimik si Kath hanggang sa pumasok kami dito at namalayan na lang namin na nakalabas na kami ng portal at nakauwi na.
"Eto ang WhiteLand? Wow. Ang ganda!" Saad nito habang tinitingnan ang paligid.
"Let's go. Sa susunod ka na namin ipasyal dito." Tumango ito.
"Hindi ako sasama pauwi sainyo," nagtaka naman kami. "May mga kailangan pa akong gawin na importante. Sooner or later, I'll come home. You, Kane, you better learn to fight para hindi kami nakararanas ng sakit." Napatulala naman si Kane.
Kath is weird. "Saan ka pupunta? Baka may maitulong kami, samahan ka na namin." Sabi ko rito.
"Kung pwede lang, April why not but this is a serious matter. Don't worry, babalik din ako."
Wala akong nagawa kundi ang tumango lang sa sinabi nito at bigla na lang ito naglaho. There is something to Kath but I can't explain it.
Kaming tatlo naman ay naman dumiretso kami sa quarters namin. Sila Nathan at Akira lang ang naroroon na parehong may ginagawa. Hindi namin naabutan ang iba marahil ay hinahanap din ang ibang Knights.
Naagaw namin ang atensyon nila at napatingin sa kasama namin.
"We found him." Isang masayang ngiti ang binigay nila sa amin bago sila tumayo at yakapin kaming dalawa.
"Oh, shit! We have good news and bad news. Buti na lang nakauwi kayo agad." Sabi ni Akira nang humiwalay sa yakap.
"By the way, He's Kane Salvador." They both greet him.
"Ano yung good and bad news?" Pagtatanong ni Jerome sakanila.
"Good news, we found the other knights."
"That's great! Nasan sila?" Magsasalita pa lang sana sila ng biglang nagsuka ng dugo si Kane kaya agad namin siyang dinaluhan.
Shit! What's happening to him?! May nangyayari ba sa ibang Knights?!
"The two other knights were the twins friend." Agad akong napatingin kay Akira na seryosong nakatingin kay Kane habang inaalalayan siya umupo sa sofa.
Wait, sila Mica at Joan? How?
"Tonight, we are going to save them kung hindi pareho silang mamamatay."
BINABASA MO ANG
The Legendary Twins (Book 2) COMPLETED
FantasyMinsan na silang nawala sa mundong kinabibilangan nila. Mga pagsubok na kinakailangan nilang harapin, nagkaroon ng mga kaibigan, nagtiwala ngunit sila ay niloko lamang. Dahil sa nangyari, maraming nagbago. Ang pagkakaibigan nila ay nagkaroon na ng l...